Dance

584 49 8
                                    

Nasa backstage si Edward habang naghihintay sa pagsisimula ng recital nila.

"Dancers are you ready?" tanong ng director sa kanila.

Tumingin si Edward sa paligid.

Hinahanap ng mga mata nya si Mary Dale.

Sila ang magkapartner.

Nagulat sya ng tumabi sa kanya si Nicole.

Ngumiti ito ng alanganin sa kanya.

"Where's Mary Dale?" kunot-noong tanong nya dito.

Hindi na nakasagot sa kanya si Nicole dahil pinapasok na sila sa stage.

Wala ng nagawa si Edward.

Si Nicole ang naging kapartner nya sa performance.

Ika nga, the show must go on.

Pagkatapos ng performance ay dali-dali ng umalis si Edward.

Hindi na nga ito nagpaalam sa mga kasama.

Ang alam lang nya ay kailangan nyang mahanap si Mary Dale.

Hindi nya alam kung bakit hindi ito dumating sa performance nila.

Alam nyang napakahalaga nito para sa dalaga.

Sinubukan nyang tawagan ang dalaga para makausap ito.

"The number you have dialed is no longer in service."

"F*ck! Where the hell are you?"

Sinubukan nyang idial muli ang numero ng dalaga pero hindi nya na talaga ito makontak.

He dialed Pat's number.

Agad naman nitong sinagot ang phone.

"Pat? Where is she?" agad na tanong nya dito.

Alam na agad ni Pat kung sino ang tinutukoy nya.

"Finally! Akala ko hindi ka na tatawag! Nandito kami sa airport ngayon!"

"What the hell! I'm on my way!"

Sinabi ni Pat kung saang airport sila bago tapusin ang tawag.

Alam ni Pat na magagalit sa kanya ang best friend nya pero hindi nya hahayaang makaalis ito ng hindi nalalaman ni Edward ang totoo.

Alam nyang mahal ni Edward si Mary Dale kaya hindi nya hahayaang maghiwalay ang dalawa.

Alam nyang parehong mahihirapan ang dalawa kapag nangyari yun.

Buti na lang talaga at medyo matagal-tagal pa ang flight ng dalaga.

Inagahan lang nila umalis dahil bukod sa traffic ay natatakot si Mary Dale na baka pigilan sya ng binata.

Ngayon ang recital nila kaya alam nyang hindi na ito makakarating.

At hindi rin naman alam nito na aalis sya.

Bata pa lang ay may diperensya na ang kanyang mga binti.

Pero dahil gustong gusto nya ang pagsasayaw ay nagpursige syang mapabuti ang kalagayan nya.

At napagtagumpayan nya naman ito sa pamamagitan ng therapy at pagpapagamot.

Kaya nung college ay nakasali sya dance troupe nila.

Kung titingnan mo sya sa tuwing sumasayaw ay aakalain mong wala syang diperensya.

Doon sila nagkakakilala ni Edward.

Nakita sya nitong nageensayo sa dance studio at nabighani ito sa kanya.

Yun ang sabi ng binata sa kanya.

Inamin din ng binata na hindi ito mahilig sumayaw pero dahil sa kagustuhan nitong mapalapit sa kanya ay nag-aral ito.

Hanggang sa makasali nga ito sa dance troupe.

Madalas silang magkapareha ng dalaga sa mga performance.

They move as one daw kasi sabi ng dance director nila kaya sila ang palaging ipinapares.

Last performance nila sana ang recital bago sila grumaduate.

Awa ng Diyos ay nakarating agad si Edward sa airport.

Hinanap nya agad ang dalaga at nakita naman nya ito.

Buti na lang talaga at kakampi nya si Pat.

Umupo sya sa tabi ng dalaga.

Hindi sya napansin nito.

"Going somewhere?" tanong nya rito.

Laking gulat naman ni Mary Dale ng marinig ang boses ng binata.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"I should be the one asking you that! Ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?"

Nang hindi kumibo ang dalaga ay nagpatuloy si Edward.

"We're not freaking stars in a kdrama Mary Dale so please tell me what the problem is! I won't let you go without telling me why you are leaving!" at hinawakan nya pa ang dalawang kamay ng dalaga.

"Hindi na ako makakasayaw Edward."

"O tapos?"

"Narinig mo ba yung sinabi ko?"

"Yes I heard it! It still doesn't explain why you're leaving me!"

Lingid sa kaalaman ni Mary Dale ay alam na ni Edward ang tungkol sa kondisyon nito.

Nalaman nya yun ng magpaalam sya sa mga magulang ni Mary Dale na manliligaw sya sa dalaga.

"Hindi na ako ang Mary Dale na nagustuhan mo!" nakayukong sagot nito sa kanya.

Inangat nya ang ulo nito at tinitigan sa mga mata.

"Look at me Mary Dale." masuyong sabi nya rito.

"We're not just dance partners. We're also partners in crime! And soon we will be partners for life!"

Nanlaki ang mata ni Mary Dale sa sinabi ni Edward.

"You are the only one I want to dance with in the dance of love and life, so I won't ever let you go!" at masuyo nyang hinalikan sa labi ang dalaga.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Random ThoughtsWhere stories live. Discover now