GG part 5

350 35 10
                                    

Kinabukasan ay gamit na ni Edward ang contact lens na bagong bili.

Pumasok sya sa classroom na pinagtitinginan sya ng mga kaklase nya.

Kung dati ay tahimik ang mga ito, ngayon ay maingay sila.

"OMG! Si Edward ba yan?"
"May bago ba tayong classmate?"
"Ang gwapo nya bes!"
"Hindi lang pala sya matalino, super gwapo pa!"
Usapan ng mga babae.

Lumapit sa kanya ang grupo ni Christian.

Kinakabahan sya pero hindi nya ito ipinahalata.

Tinapik sya nito sa likod.

"Bro! Balita ko kasali ka na sa soccer team?"

"Bro?" nagtatakang tanong nya dito.

"Oo bro! Sorry nga pala sa mga ginawa namin sa'yo dati ha! Don't worry, simula ngayon magpapakabait na kami!"

Nagugulat naman si Edward sa ikinikilos nila Christian.

Mukha kasing takot ang mga ito.

"Friends?" alok nito sa kanya.

"Sure!" at nginitian nya na lang ito.

Inisip na lang nya na baka nga nagkaroon ng change of heart ang mga ito.

Nagsiupo na sila dahil mag-uumpisa na ang klase.

Tumunog na kasi ang bell.

Pumasok ang teacher nila at napansin nya sa may bintana ang babaeng dumaan.

"Maymay?" medyo napalakas yata ang pagkakabanggit nya sa pangalan ng dalaga kaya napatingin sa kanya ang mga kaklase.

"Sorry!" sabi nya sa mga ito.

Nang tumingin ulit sya sa may bintana ay wala na ang dalaga.

"Okay class..." at nagklase na nga sila.

Pagkatapos ng klase ay nagpunta na sya sa soccer field.

"Coach!" bati nya.

"Mr. Barber! Get your uniform from my office and come back here after mo magbihis para makapag-umpisa na tayo ng practice!" at ginawa nya ang sinabi nito.

Habang nagbibihis ay naalala nya si Maymay.

Simula ng makilala nya ito ay ang daming nagbago sa buhay nya.

Napapangiti sya ng maalala ang una nilang pagkikita.

Sana ay makita nya ito mamaya para mas ganahan sya sa pag-eensayo.

Puspusan na agad ang ensayo nila.

Habang water break nila ay nahagip ng mata nya ang isang babae na nakaupo sa bleachers.

Nasa dulo ito ng iba pang nanunuod sa kanila.

Kumaway sya dito para sana makuha ang atensyon nito.

Napansin naman sya nito at kumaway rin sa kanya.

Yung babaeng katabi nito ay kumaway din sa kanya sa pag-aakalang ito ang kinakawayan nya.

Umiling sya dito at itinuro nya si Maymay.

Napatingin naman ang babae sa gilid nya at sumimangot.

Tumunog ang bell hudyat ng pagtatapos ng water break nila.

Kinalabit sya ng kasamahan nya.

Nilingon nya ito.

"Bro! Tara na!"

Tumango sya dito.

Lumingon muli sya sa pwesto ni Maymay para sana magpaalam dito pero pagtingin nya ay wala na ito.

"Mr. Barber hurry up!" tawag sa kanya ng coach nila.

Hanggang sa matapos ang practice nila ay hindi na nya nakita si Maymay.

Pagkauwi nya ay naroon na ang ina.

"Magbihis ka na anak para makakain na tayo!"

Habang nagbibihis sya ay may nakapa na naman syang papel sa bulsa ng damit nya.

Napangiti na sya agad dahil sigurado syang si Maymay ang naglagay non.

Bagay pala sayo ang hindi nakasalamin.
Ang gwapo mo kyah! ;)
Good luck sa first game mo!
P.S. #sarapsabunutanngmgafangirlsmo
#selosako
#akoparinangnumberonefanmo
♡Maymay

At muli ay napangiti na naman sya ng dalaga.

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now