I'm Never Gonna Say Goodbye

878 36 14
                                    

Ngayon ang araw ng alis ni Edward papuntang Germany para dumalo sa graduation ng mga kaibigan.
Si Maymay naman ay maiiwan sa Pilipinas dahil may mga commitments sya na hindi pwedeng ipagpaliban.
Gusto sana sya isama ni Edward pero hindi talaga pwede kaya naman medyo nalulungkot na ang binata sa pag-alis.
Masyado na syang nasanay na palagi silang magkasama ni Maymay kaya sa tuwing magkakahiwalay sila ay para syang nanghihina dahil si Maymay ang charger at power bank nya.
Hindi naman alam ni Maymay pero malungkot sya sa pag-alis ng binata kahit na isang linggo lang naman itong mawawala.
Sanay naman syang mag-isa pero simula ng makilala nya ang binata ay nakaramdam na sya ng kakulangan sa pagiging mag-isa. Masaya rin palang may kasama ka sa lahat ng bagay.
Naghahanda na si Edward papuntang airport.
"Yam, tandaan mo lahat ng bilin ko sayo ha? Iwas junk foods at softdrinks. Wala ako dito para bantayan ka kaya baka mamaya panay na naman ang kain mo ng unhealthy food."
"Opo sir, hindi po ako kakain ng junk foods." ang pilosopong sagot nito sa binata.
"I'll check with Pat everyday kung nagiging pasaway ka."
"Hala buang ka Dong! Dinamay mo pa talaga si Patricia!"
"She'll keep an eye on you for me! Alam ko kasing matigas ang ulo mo."
"Pero mahal mo naman!"
"Syempre!" sabay yakap pa nito ng mahigpit sa dalaga.
Pilit na kumakawala naman si Maymay.
"Tama na lalanggamin na tayo!"
"Sandali na lang! Let me just recharge." at pumikit pa ito.
Hinayaan na lang sya ni Maymay dahil alam nya sa sarili na mamimiss nya rin ang binata.
"Are you ready son?" si Daddy Kevin.
"Just a minute Dad!"
"Sige na Edong wag mo na paghintayin sila Tito Kevin."
Masuyong hinalikan ni Edward si Maymay sa noo.
Hinawakan nya sa magkabilang pisngi ang dalaga sabay tinitigan.
"You know that I love you right?"
Tumango lang ang dalaga. Hindi nya pa kasi masabi ang salitang "Mahal kita." sa binata sa paraang hinihingi nito. Gusto nyang sabihin iyon ng walang pag-aalinlangan. Yung masasabi nyang buong buo na talaga sya. Dahil alam nyang pag sinabi nya iyon ay for a lifetime na iyon.
"And I'll wait for the day when you can finally say that you love me too without reservations and without hesitations."
"Salamat Edong!"
At sya naman ang yumakap dito ng mahigpit. Hindi nya alam kung bakit pero parang nakaramdam sya ng matinding kaba.
"Wag ka na kayang umalis?"
Nagulat naman si Edward sa sinabi ng dalaga. Kumalas sa pagkakayakap si Edward.
"You know that I can't right? I promised my friends and you know that I always keep my promises."
Alam naman yun ng dalaga. Yun nga ang isang dahilan kung bakit nagustuhan nya ang binata. Tinutupad nya ang mga pangako nya. Bumuntong hininga siya.
"Sige na alis ka na Dong!"
"O kanina ayaw mo ako umalis ngayon naman pinapalayas mo na ako!" ang kunwari'y nagtatampo nyang sabi.
"Hindi naman sa ganun! Pinapaalis na kita para makabalik ka na agad!" ang pagsuyo naman nito kay Edward.
Napangiti naman ang binata.
"I will! Babalik ako agad! Promise!"
At umalis na nga ang binata.
Si Maymay naman ay pumunta sa ABS-CBN para sa TWBA guesting nya. Habang inaayusan sya ng glam team ay halata nila ang pagkabalisa nya.
"Miss mo na si Edward noh?" ang tukso sa kanya ni Sir Eman.
"Ay hindi!"
"Hindi daw pero kanina ka pa hindi mapakali dyan! Panay ang tingin mo sa IG mo! May hinihintay kang IG story?" ang panunukso na rin ni Sir Jaymar.
"Wala uy! Nagiiscroll lang ako sa mga posts ng mga oppa ko!"
"Oppa daw! Baka Oppa Edward!"
si Pat.
"Ewan ko sa inyo! Matutulog na nga lang ako!"
At pumikit na nga sya para makatulog habang inaayusan.
Mayamaya ay naramdaman nyang may tumatapik sa balikat nya.
"Day, gising na mag-uumpisa na daw ang interview."

Pagkatapos ng interview ay dumerecho na sila sa condo.
Nagcheck naman sya ng IG nya para tingnan kung may post si Edward.
"Grabe wala man lang paramdam!" ang naiinis na bulong nya sa sarili.
Pagkarating sa condo ay dumerecho sya sa kwarto para magpahinga.
"Pat, matutulog na ako."
"Hindi ka pa kumakain matutulog ka na agad! Mapapagalitan ako ni Edward kapag pinatulog kita ng hindi ka pa kumakain."
"Manood ka muna ng mga kdrama mo habang naghahanda ako ng makakain natin para hindi ka antukin."
"Sige magbibihis lang ako."
Pagkabihis ay lumabas sya ng sala at binuksan ang tv. Hindi nya alam kung bakit pero parang gusto nyang manuod ng balita.
"Isang bandila...."
"Sakto!" ang nasa isip niya.
"Breaking News!"
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang kinabahan si Maymay. Napakagat sya sa mga daliri.
"Isang malungkot na balita ang nakarating sa aming news team. Isang eroplanong papuntang Germany ang diumano'y bumagsak dahil sa engine failure. Ang flight...."
Biglang nagring ang cellphone ni Maymay na hawak hawak nya. Nagulat pa sya kaya nabitawan nya ito.
"Bushak!" at pinulot nya ang cellphone sa sahig.
Narinig nyang nagriring din ang cellphone ni Pat.
Lumabas naman si Pat galing ng kusina.
"Day, pakitingin nga kung sinong tumatawag..."
Napatingin si Pat sa tv at sa balita. Nabitawan nya ang hawak na plato sa nakita.
Napatingin naman si Maymay kay Pat.
"Pat ano'ng nangyari sayo!"
Napatingin si Maymay sa tv kung saan titig na titig si Patricia.
Nakita nya ang picture ni Edward na nakaflash sa screen.
Nabasa nya ang salitang plane crash.
Tuluyan ng nagdilim ang paligid ni Maymay at hinimatay sya.

"Ang daya mo naman Edong eh! Nangako ka sa akin di ba? Sabi mo babalik ka! Sabi mo hihintayin mo na dumating yung araw na kaya ko ng sabihin ng buong buo na mahal kita!"
"Handa na akong sabihin yun sayo pagbalik mo galing Germany. Pero bakit hindi ka na bumalik?"
"Nangako ka di ba? Nangako ka!"
At tuluyan ng bumuhos ang luha ni Maymay.
"Mahal kita Edward!"
"Mahal na mahal kita!"

inspired by:
I'm never gonna say goodbye by Billy Preston

Somebody lied to me,
it just can't be,
you can't be gone forever.
Somebody got it wrong,
you are gonna love me all my life.
Where'd we good together,
now I'm on my own,
And I don't think I'll ever learn to live,
one day alone.

So/woh I'm never gonna say goodbye,
say goodbye, is something I can't bring my self to do.
So I'll never gonna say goodbye,
darling I know, part of me will
always be with you.

What am I gonna do?
havin' you, is all I've ever wanted (wanted).
Where am I gonna go,
to feel the way I felt inside your arms?
Still my life is better,
lovin' you as I do,
Thanks for being with me darling thanks,
for being you...

...with you...oohh...woohh

Random ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon