Chapter 16 ginagawa mo?

7.4K 114 1
                                    



Christian POV

Nasa cafeteria na kami ni Mika, inorder ko siya ng isang burger, Fries at ice tea ganon narin ang inorder ko. Aaminin ko na kaya sa kanya ang nararamdaman ko?

"Huy! Christian ayus ka lang?"- Mika

Hindi ko kasi namamalayan na nakatulala na pala ako.

"A-ayus lang"Tipid kong sagot nag dadalawang isip pa rin ako kung aamin ako o hindi.

"Oo nga pala salamat dito sa pa meryienda mo ha! Enjoy si ako"- Mika

Kaya ko nagustuhan si Mika kasi simple siya. Sumubo si Mika ng Burger niya, sh*t may amos siya para siyang bata.

"May dumi ka" Sabi ko sa kanya pinahiran naman niya pero sa kabila. Napangiti nalang ako at pinunasan ang labi niya.

"S-salamat"- Mika

Paano ko ba sasabihin na gusto ko siya?

"Uhmm Mika" Tawag ko siya kanya.

"Yes?"- Mika

Aamin na ako kaya ko to. Christian Hamilton don't give up.

"Mahal ki--"Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi biglang nag ring ang phone ni Mika, epic naman.

"Sorry, sasagutin ko lang"- Mika

Umalis muna si Mika sandali. Shit tama ba tong gagawin ko baka masira friendship namin.

"Christiaaaaaan!"

Napalingon ako sa bosses na narinig ko si Blaire, bakit ngayon lang siya dumating pwede namang mamaya nalang, hayst. Lumapit siya saakin.

"Musta? Nasaan si Mika?"- Blaire

Tuwang tuwa siya ngayon ah.

"Ayus lang, Nanjan lang siya." Sagot ko.

Tumungo nalang siya. Mamaya maya ay dumating na si Mika na malungkot, anyare sa kanya?.

"May problema ba?"Tanong ko.

"Nanjan na kasi sila kuya e"- Mika

Hindi na natuloy yung pag amin ko. Siguro hindi ngayon ang tamang panahon.

"So aalis ka na?"- Blaire

"Oo"- Mika

Inayos niya ang gamit niya. Nag paalam na siya saamin.

Mika POV

May sasabihin saakin si Christian na hindi na natuloy kasi may tumawag saakin, agad ko naman itong sinagot.

Hello Mika! Dito na kami sa parking.

Okey sige kuya Aaric punta na ako dyan.

Binaba ko na ang phone. Pabalik na sana ako ng may tumawag saakin, Dexter.

"Hey Mika pinapasabi ni Jayson na may praktis tayo bukas"- Dexter

"Ahh okey" Tipid kong sagot. Ayaw ko munang makipag usap sa lalaking iyon may nararamdaman kasi akong kakaiba, Creepy.Bumalik na ako sa cafeteria para iayos ang gamit ko at mag paalam narin kay Christian. Pabalik na ako ng makita ko si Blaire ngayon ko lang siya nakita may practice kasi siya malapit na kasi ang laban ng basketball.

"Nanjan na sila kuya e" Sabi ko sa kanila.

"So aalis ka na?"- Blaire

"Oo" Sagot ko at inayos na ang gamit ko. Kalaunan ay umalis na ako at pumunta sa parking nakita ko ang dalawa kong kuya. Nasaan si Nathan? Palapit na ako ng bumungaw si Nathan sa bintana.

"Ate Mika!"- Nathan

Kinawayan ko siya. Kinuha nama ni kuya Adam ang librong hawak ko, Gentleman ah ano meron? Sumakay na ako ng sasakyan. Kagaya ng dati sobrang lakas nilang mag music. Mamaya maya ay napansin ako na papunta sa office ni kuya Antony ang ruta namin.

"Bakit tayo pupunta kay kuya Antony?" Tanong ko sa kanila. Nakakapag taka kasi ngayon lang uli ako makakapunta dito for the long time.

"Bibisita, siguro"-Kuya Adam

Kahit kailan talaga, pero kakabisita lang ni kuya Antony kahapon parang may mali. Imbis na mag tanong e nanahimik nalang ako baka manilosopo nanaman ang tatlong to. Pumark na kami sa basement, lumabas na ako ng sasakyan sumakay kami ng elevator. Nag lalakad ako papunta sa office ni kuya Antony ng may pamilyar na bosses akong narinig, wait kay Dexter ba yun? Ano ba Mika nag iilusyon kalang paano naman mapapadpad ang lalaking yun dito. Pumasok na kami sa office ni kuya Antony, busy siya ngayon at ang daming papel na nasa table niya. Umupo ako sa sofa at nag cellphone. Ang boring naman dito mastalk muna kaya si Dexter hindi naman niya malalaman e. Ano ba Mika? Bakit mo naman trip i-stalk ang lalaking yun e hindi ka naman ganyan dati. Yaan mo na nga wala din naman akong magawa dito e. Ma-istalk nga instagram niya. Nakita ko ang mga litrato niya.

(Nasa taas ang pic.) 1st pic.

Gwapo pala talaga siya, anong sinabi ko gwapo ang lalaking ito hindi naman kaunti lang mas gwapo naman dyan ang bestfriend kong si Christian. Nag tingin tingin pa ako ng mga picture niya.

"Huy ginagawa mo?"- Kuya Aaric

Nagulat ako sa kanya kaya napatak ko ang phone ko. Tapahawak ako sa dib dib ko sa sobrang gulat.

"Sino yan?"- Kuya Aaric

"H-huh A-alin S-saan?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko e.

"Ayieee umiibig ka naaaa!!"- Kuya Aaric

Tumalakpak pa siya, Kakainis. Kinuha ko na ang cell phone ko at asksidente kong na tap ang isang post ni Dexter. Damn it bakit ito pang litratong to.

(2nd pic.)

Sa dinami dami ito pa, Hayst kamalasan talaga. Nag chat naman agad saakin si Dexter.

Dexter Alonzo

Stalker😂

Wow ha! Stalk agad wow!! Kapal. Akala mo naman sobrang pogi niya purke maganda ang kilay niya, ang mga mata niya, ang matangos niyang ilong at ang labi niya pogi agad, kapal naman. Sineen ko lang siya at hindi ko sinagot, Bala siya. Bakit ba lagi ko nalang iniisip ang lalaking yan nababaliw na siguro ako.

-------------------

Abang abang lang...💚

That nerd stole my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon