Chapter 8 Trending

8.6K 118 0
                                    

Dali dali akong bumaba at umupo sa upuan para kumain kain naman ng kain yung tatlo buti nalang di nila nakita thanks god. Kumain narin ako habang matiwasay akong kumakain ay biglang nag salita si kuya Aaric.

"Hi Baby"- Kuya Aaric *evil grin*

"Ikaw ate hindi ka na nag sasabi na may boyfriend ka na"- Nathan

Napakunot ang noo ko sa mga sinasabi nila maang maangan lang ang pet naten ate.

"Huh?" Tanong ko sa kanila kunwari hindi ko alam ang mga pinagsasabi sabi nila.

"Maang maangan lang Mikaela"- Kuya Adam

"Alam niyo kuya Adam, kuya Aaric and Nathan wala akong boyfriend at wala akong balak studies muna bago love" Sabi ko. Wala pa naman talaga akong balak.

"Wala daw"- Silang tatlo

"Wow ha! Sabay pa talaga" Sabi ko sabay subo.

"Basta Mika huwag mong ibibigay lahat mag tira ka rin sa sarili mo"- Kuya Adam

Napataas ang kilay ko.

"Wala nga e di marunong makaintindi?" Tanong ko nakakainis na kasi.

"Uy Nathan mamaya ka na nga mag cellphone dyan kumain ka muna" Saway ko sa kanya nag pophone kasi habang kumakain.

"Oh my Ate Mika trending ka"- Nathan

"Huh saan?" Tanong ko kung ano ano kasi binubuklat ng batang to e.

"S-sa Facebook at twitter"- Nathan

Napalaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Nathan, shiit dahil to sa Dex na yun.

*fastforward*

Dirediretso ako sa classroom at kita ko ang mga kapwa estudyante ko ay nakatingin saakin siguro sa inis pero wala akong pake. Nag iinit ang dugo ko sa lalaking iyon hindi ako mag tetrending dahil sa kanya pag pasok na pag pasok ko sa classroom namin ay hinanap ko agad ang lalaking iyon. Agad ko siyang nilapitan na ikinabigla niya kase for the first time ako ang lalapit sa kanya. Kinuya ko ang kwelyo niya para tumayo siya.

"Oh"- Dexter

Tinignan ko siya ng masama.

"Ano ba pwede ba tigilan mo na ako kasi hindi na nakakatuwa pati yung matiwasay kong buhay sinisira mo, ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya at hindi ko na namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Dexter POV

Nandito kami sa classroom nila Enzo, ang init kasi sa labas kaya dito na kami pumunta sa classroom para malamig aircon kasi nakaupo ako sa upuan ko ng biglang lumapit saakin si Mika. Wow! Aamin na siguro siya saakin kinuha niya ang kwelyo ko kaya ako napatayo.

"Oh" Magkalapit na kasi yung mukha namin kunting tulak nalang mag hahalikan na kami. Tinignan niya ako ng masama na parang mangingiyak ngiyak niya, bakit kaya may nagawa ba akong masama?.

"Ano ba pwede ba tigilan mo na ako kasi hindi na nakakatuwa pati yung matiwasay kong buhay sinisira mo, ano bang problema mo?"- Mika

Natigilan ako sa mga sinasabi niya umiiyak na kasi siya. Ano ba ginawa ko sa kanya? Sinuntok niya ang dibdib ko at umalis. Wow ha nasaktan ako Hahahaha. Umupo ako at umayos ng upo.

"Ginawa ko dun ano yun drama lang niya?" Tanong ko sa dalawa na parang timang na umiiwas ng tingin saakin. Wait parang may ginawang kagaguhan tong dalawang to. Binatukan ko silang dalawa napa himas naman sila sa mga batok nila.

"Uhmm Dex s-si Enzo kasi may ginawa sa facebook mo nag post siya ng picture niyo ni Mika."- Felix

Nanglaki ang mga mata ko.

"At paano niyo nabuksan ang account ko?" Medyo pasigaw kong tanong sa kanila.

"Si Felix yung nag hacked ng account mo"- Enzo

"Pero siya nag post ng Hi baby at siya rin nag edit ng pic. Niyo ni Mika"- Felix

Huminga ako ng malamin bago mag salita kaya naman pala ganon magalit yung si Mikaela e.

"Ang gago niyo talaga bakit niyo ginamit ang account ko alam niyo naman na famous ako"Napakamot nalang ako ng ulo sigurado ako na maraming ng nagalit saakin.

"At ang masama pa netoo Dex nag trending siya, madaming nagalit kay Mika"- Enzo

Kawawa naman si Mika kaya pala galit na galit. Kahit na masyado akong pilyo pero may puso naman ako. Kailangan kong humingi ng tawag sa kanya. Tatakbo na sana ako palabas ng biglang dumating si Ma'am Dantes napataas ang kilay niya ng nakasalubong ko siya sa may pintuan.

"Mr. Alonzo where are you going?"- Ma'am Dantes

"Somewhere Ma'am" Agad akong tumakbo at nag lingon lingon kung nasaan siya wala masyadong tao sa corridor dahil simula na nga klase. Bumaba ako hinanap ko siya kung saan saan pumunta ako sa gym at nakita ko siya sa isang sulok na naka ub-ob nilapitan ko siya at agad naman siya tumingin saakin ang sama agad ng tingin niya.

"Alis"- Mika

Imbis na umalis ako ay sinamahan ko siyang umupo.

"Sabing alis"- Mika

Tinataboy niya ako pero hindi parin ako umalis.

"Sabing Alis nga e!!!"- Mika

Tumayo ako at agad umalis sabi niya e. Nag lakad na ako pabalik ng room, iba talaga si Mika sa mga babaeng nakilala ko. She's so different mahirap makuha. Nag lalakad lakad ako ng may nakasalubong akong mga babae nag singitian sila saakin.

"Alam niyo ang landi landi ng nerd na yun"

"Oo nga siguro ginayuma niya si Dex kasi impossible namang pumatol si Dex dun pogi niya kaya"

"Sabi nga nila ang mga gusto na daw ni Dex ay yung may mga braces"

Nagtawanan silang tatlo nag patuloy na ako sa paglalakad hindi kasi ako nakapag fb kahapon ni hindi ko nga nahawakan cellphone ko e kasi may photoshoot ako kahapon tapos gabi na natapos. Kaya pala daming nag nonotification naissue na kasi ako dito dati e kaya hindi ko na masyado pinapansin. Tinignan ko ang twitter at facebook ko. Tama nga ang sinabi ni Enzo trending nga si Mika ngayon.

--------------

Yan muna for today💛💚

That nerd stole my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon