Kabanata Labing-Apat

26.5K 669 34
                                    

Tulala at wala sa sarili akong naupo sa kama namin ni Trigger. Iniisip ko parin ang mga nangyari kanina at ramdam ko pa ang tuyong luha saaking mga pisnge. Hindi ko rin ramdam ang gutom na siyang naging pangunahing dahilan ng pagbangon ko kanina.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan ngunit hindi ko maggawang lumingon. Malalim parin ang iniisip ko habang inaalala ang usapang narinig ko kanina. Ako ba..? Ako ba ang babaeng tinutukoy ng Ina ni Trigger na walang kwenta?

Ako ba? Ang babaeng ipinagtanggol ni Trigger mula sa panlalait at insulto ng Pamilya niya?

"What's the matter, love? Are you alright? Why are you crying?"

Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko ang boses ni Trigger na nasa gilid ko. Napakurap kurap ako at doon ko lang naramdaman ang mga luhang dumaloy saaking pisnge.

Madali ko itong pinunasan, pero alam ko namang huli na lalo na at kung hindi dahil sakaniya ay hindi ko rin mapapansin ang pag-iyak ko. Inayos ko ang sarili saka tipid na ngumiti sakaniya.

"Gutom lang ako." mahina at halos walang lakas na sambit ko. Pakiramdam ko pinilit ko lang ang sarili ko na magsalita para sagutin ang tanong niya.

Tumaas ang kilay niya, hindi naniniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Kinagat ko ang labi para muling pigilan ang pag-iyak ko. Hindi ko alam kung dahil pa ba to sa pagdadalang tao ko o sadyang emosyonal lang ako ngayon.

Bumuntong hininga siya saka naglakad patungo sa harap ko. Lumuhod siya sa sahig para magkapantay ang mukha namin. Marahan niyang inipit sa tenga ko ang takas na buhok na tumatabing sa mukha ko at dumidikit sa basang pisnge ko.

"C'mon. Tell me. What's wrong?" his voice was soft and tender it makes me want to cry thinking about what I saw earlier.

Hindi pa siya nakunento at gamit ang dalawang kamay niya ay hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at pinagdikit ang noo namin. Marahan siyang humalik sa ilong ko. His gentle actions were making my heart beat faster than the usual.

"Why is my baby sad, hmm?" he gently added. Napapikit ako habang humuhugot ng hininga. Dahan dahang muli akong dumilat at inabot ang kaniyang pisnge.

Humiwalay ako sakaniya para matitigan ng maayos ang mukha niya. Marahan akong ngumiti saka inabot ang buhok niya para ayusin ito dahil magulo ito. Dala na rin siguro sa pagsabunot niya sa sarili kanina.

"Kung ikakasal ka man sa iba... ayos lang saakin. Kasi sino ba naman ako para itali ka saakin diba? Hindi mo naman ako asawa, at hindi mo rin naman ako kasintahan, isa lang akong babaeng aksidenteng nabuntis mo dala ng kalasingan at kawalan ng kamalayan sa sarili." lumunok ako para pigilan ang pagpiyok ko.

Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig saakin. "And who told you that I will marry another woman?" halata ang pagkairita sa boses niya kahit hindi ito gaanong pinapakita ng ekspresyon niya. Natawa ako saka pinaglaro ang mga ilong namin. "Kung lang naman. Wala naman akong sinabing ikakasal ka talaga sa iba."

Natahimik siya ngunit nanatili ang kaniyang titig saakin. "Pero kung mangyari man, pagusapan na lang natin ang tungkol sa custody ng bata. Pwede nating salit-salitin ang pagaalaga sakaniya. Hindi ko siya ipagkaka--"

"Damn it, Cassidy! I will not marry another woman besides you!"

Napaigtad ako sa biglaang pagtayo niya at pagbulyaw saakin. Nanlalaki ang mga matang nakatitig lang ako sakaniya. A-ayaw niyang makasal sa ibang babae, gusto niya a-ako lang? Ano ang ibig niyang sabihin?

Bumalik siya sa pagkakaluhod sa harap ko. Inabot niya ang kamay ko saka ito inilagay sa pisnge niya. Hinaplos niya ito na tila ba dinadama kung gaano ito kalambot.

"Trigger, hindi ko maintindihan." naguguluhang amin ko sakaniya. Hinalikan niya ang palad ko saka niya ako hinapit para sa isang yakap.

"Someday love, you will. Someday."

----

Nang muli akong maggising ay tanghali na. Ngunit hindi kagaya kanina ay katabi ko parin ngayon si Trigger, nakaunan parin ako sa braso niya at mahigpit parin siyang nakayakap sa beywang ko, na para bang ayaw niya akong pakawalan.

"Trigger." I poked his cheeks to wake him up. Hindi ako makakaalis sa pwesto ko kung ganito kahigpit ang hawak niya.

Isang ungot lang ang narinig ko mula sakaniya. Napabuntong hininga ako. Pinilit kong magagagalaw para lumuwag ang pagkakayakap niya saakin ngunit napatili ako ng bigla ay gumalaw si Trigger at pinarolyo ang katawan sa kama, dahilan para ngayon ay nasa ilalim na niya ako.

"Goodmorning." his voice was husky at halatang bagong gising. Napailing na lang ako ng mabilis na tumibok ang puso ko. Iba talaga ang epekto niya saakin. "Anong goodmorning? Afternoon na oy. Bangon na. I'm hungry." napanguso ako. Gutom na talaga ako isama pa ang batang nasa tiyan ko na gusto na ring kumain.

Mahina siyang natawa. Hinalikan niya ang leeg ko paakyat sa panga ko patungo sa labi ko. Isang malalim na halik ang ginawad niya na walang pagaalinlangan ko namang tinugon.

Matapos akong halikan sa labi ay nagtungo ang labi niya sa noo ko. Napangiti na lang ako at nanatiling tahimik. Lagi siyang ganito sa bawat umagang gumigising kami.

At natatakot akong baka mawala ito lalo na at unti unti ay nasasanay ako. Baka isang araw ay magising na lamang ako na wala ng panlalambing akong mabubungaran mula sa lalakeng noong una ay nakilala ko lang naman sa bar, ngayon ay inalaagan na ako at sinasamahan ako sa pagbubuntis ko.

Hawak ni Trigger ang kamay ko habang bumababa kami ng hagdan. Napatingin ako sa sala at bahagya akong natigilan ng maalala ang mga nangyari kaninang madaling araw. Napailing na lang ako saka nagpahila kay Trigger patungo sa Kusina.

Doon ay nabungaran namin si Manang na naglalagay na ng mga pagkain sa lamesa. "Tanghali nanaman kayo nagising." naiiling na pahayag ni Manang nagkatinginan kami ni Trigger kaya lihim akong napabungisngis. "Sorry manang." ani Trigger habang inaalalayan akong maupo.

Tiningnan ko ang mga pagkain. "What do you want, love?" tanong niya saakin. Napaisip naman ako saka napahagikik ng maisip ang gusto kong kainin. "May nutella ba tayo diyan? Gusto ko non tas Marshmallows then bread. Please?" sagot ko.

Mahina siyang natawa. He gave me a peck kiss before granting my request.

"As you wish, my lady."

****
A/N; Anue naaaaaa? AHAHAHA

Carrying The Mafia Lord's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon