"Oh? Bakit mo ako tinatawanan? Ang sakit kaya ng ilong ko." Pagmamaktol nyang sabi sa akin na lalo ko naman syang tinawanan.
"Wala naman! Nakakatawa ka kasi HaHAHAHA!" natatawa kong sabi sakanya at nginisian sya saglit.
"Sus! Ang sabihin mo nacucutan ka lang sa akin." sabi nya na ikinatigil ko sa kakatawa at tinignan sya ng seryoso.
"Wow ha?! Assuming lang?!" sarcastic kong sabi sakanya at inirapan sya.
"Umamin ka nalang kaya, Maye. Halata naman sa mukha mo." pang-aasar nyang sabi sa akin at nginitian pa ako ni unggoy.
"Yuck! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo, hindi ka cute." pang-aasar ko ding sabi sakanya at nginitian sya. Akala nya sya lang ah? Pwes ako din wahahahaha!
"Pakipot ka pa dyan Maye eh!" sabi nya sa akin at ngnisian nya ako, putcha!
"Hindi kaya." pagtatanggi kong sabi sakanya, oo na alam naman natin na cute sya pero..... huwag nalang natin sabihin baka lumaki pa yung ulo nya eh.
"Hmmmmp! Sige ka! Hindi kita titigilan." sabi nya sa akin at pout pa ang unggoy, ayan na naman sya, para syang bata sa itsura nya kaya ako natatawa eh.
"Hindi nga sabi!" natatawa kong sabi sakanya pero pinigilan ko lang tumawa ng tuluyan sakanya.
"Pakunwari ka talaga dyan eh, mukhang natatawa ka pa nga!" pagmamaktol nyang sabi sa akin hindi ko na tuluyang napigilan yung sarili ko na tawanan sya.
"HAHAHAHA! Ang kulit mo naman Jace, sabi ng hindi eh!" pagtatanggi ko na naman at natatawa kong sabi sakanya; tinignan naman ako ni Jace ng masama saglit.
"Ganun?" sabi nya sa akin at bigla nya akong nginisian saglit na ikinatahimik ko at tinignan sya ng masama.
"OO!" confident kong sabi sakanya, pero parang may part sa mga tingin nya sa akin ay parang may binabalak.
"Pupunta pala ako sa bahay nyo after class." sabi nya sa akin na ikinatingin ko sakanya ng masama.
"At ano naman gagawin mo doon?" pagsususngit kong tanong sakanya. Letche ano naman gagawin nya sa bahay? Huwag nyang sabihin na aabusuhin nya itong kabaitan ko sakanya..
"May sasabihin kasi ako kila Tita Mya at Tito Lee." masaya nyang sabi sa akin at pumalakpak pa.
"Ano naman yun?" seryoso kong tanong sakanya. Ano naman ang sasabihin nitong unggoy na ito kila mommy at daddy.
"Sasabihin ko lang naman kila Tita na Boyfriend mo na ako at Girlfriend kita hehe." masaya nyang sabi na ikinatigil ng mundo ko....... anong sinabi nya? B-boyfriend ko na sya at G-girlfriend nya ako?! WHAT THE HELL?!
"Hoy! Subukan mong sabihin sakanila yun nang masapak talaga kita." pagbabanta ko muli sakanya at tinignan ko sya ng masama na para bang hinahanda ko na yung mga baril ko para sakanya.
"Umamin ka muna na cute ako hihi." sabi nya sa akin at nginitian nya ako ng matamis pero sinamaan ko lang sya masama.
"Fudge! No way!" pagsusungit kong sabi sakanya at inirapan sya.
"Sige! Sasabihin ko kila Tita mamaya na tayo na!" sabi nya at pumalakpak pa ulit na parang batang binigyan ng laruan.
"Fine! Fine!" pagsusuko ko sakanya at tumingin sya sa akin tsaka biglang ngumisi, AISSSH! Bwisit ka talagaaaaaa Jaceeeeee!
"Anong 'fine' yan? Sasabihin ko na ba mamaya kila Tita na tayo na o aamin ka na cute ako." tanong nya at tinaasan nya ako ng kilay, BAKLA BA ITO?!
"OO NA CUTE KA NA LETCHE!" pag-aamin ko sakanya at bigla ko nalang naramdaman na namula yung pisngi ko kaya umiwas nalang ako ng tingin sakanya.
"HAHAHAHAHA! Edi umamin ka din sa huli!" pang-aasar nyang sabi sa akin kaya naman tinignan ko sya ng masama pero nginitian nya lang ako.
"Tsk! As if i have a have a choice! Anong tinatawa mo dyan?" pagsusungit ko na naman tanong sakanya at sinamaan ko sya ng tingin.
"HAHAHAHAHA! Wala naman , ang cute mo kapag namumula ka." sweet nyang sabi sa akin pero inirapan ko lang sya
"Tse! Tumigil ka dyan kung ayaw mong masapak." pagsusungit kong sabi sakanya at inirapan ko muli sya.
At yun nga pinagpatuloy na namin yung Get-to-Know-Each-Other namin ni Jace, actually masaya naman pala talaga syang kasama, naenjoy ko nga eh sa totoo lang, nakakatawa nga itong si Jace eh, kasi daw pag nasa bahay nila daw si Jace, kawawa sya kay Ate Sam, kasi ba naman utos dito,utos doon, utos everywhere from Ate Sam, para na nga daw syang maid eh! HAHAHAHAHA!
Sa totoo lang kami din naman ni Kuya Rence eh, pero ang pinagkaiba nga lang si Jace kawawa sya kay Ate Sam, kami naman kawawa kami kila mommy jusme! Utos din sila everywhere at minsan naman naguutosan kami ni Kuya sa isa't-isa hehe. Tuwing weekends naman, ako yung naglilinis sa bahay samantalang si Kuya sya yung taga-luto at taga-laba namin hahahaha! Minsan naman kami ang nag-aalaga sa mga bata, hindi kayo makapaniwala noh? Syempre we love kids kaya! At sabi na rin ni mommy para daw pag tanda na namin at may sari-sarili na kaming pamilya alam na naming mg-alaga hehe, OA lang nila mommy noh? Matagal pa kaya kami mag-aasawa,masyado lang silang excited.
"Uhm Maye." tawag sa akin ni Jace kaya naman napatingin ako sakanya.
"Hmmm?" sagot ko sakanya at tinaasan sya ng kilay.
"May tumatawag yata sa phone mo...." sabi nya sa akin kaya naman kinapkap ko yung bulsa ko.
"Ha?" sabi ko nalamang at kinuha ko yung phone ko sa bulsa at tama nga sya may tumatawag pero si Hildie lang pala yun, akala ko kung sino na.
YOU ARE READING
When I'm With You
FanfictionOnce upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon. Meet Jace Jabr...
Chapter 28: Knowing to Each Other
Start from the beginning
