"Your Welcome, Jace." sabi ko nalamang at hindi ko na tuluyang napigil ang sarili ko nang yakapin ko sya pabalik.
"Maye?" tawag nya sa akin kaya naman kakawala na dapat ako sa yakap namin nang mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya sa akin.
"Uhm....bakit Jace?" tanong ko sakanya at sinandal ko yung ulo baba ko sa balikat nya.
"Can we stay like this?" bulong nyang sabi kaya naman biglang tumaas yung mga balahibo ko sakanya.
"B-bakit naman?" nauutal kong tanong sakanya, naramdaman ko nalamang na pinatong nya yung baba (chin) nya sa may balikat ko.
"Parang nilalamig kasi ako." sabi nya sa akin na ikinahinga ko ng maluwag, akala ko kung ano na hays, pero ano daw? malamig? Oo nga noh, malamig pala ngayon ko lang alam.
"Ahh ganun ba, sige kumawala ka nalang sa yakap natin kapag hindi ka na nilalamig,okay?" sabi ko nalamang at ipinikit ko yung mga mata ko saglit.
"Yes po." Sabi nalang ni Jace sa akin. Feeling ko tuloy,inaantok ako...ang bango nya kasi... hindi kasi yung tulad ng amoy nya sa mga amoy panglalaki na masyadong matapang, yung sakanya kasi amoy vanilla hmmmm.....
"Hmmmm.... Jace, anong favorite food mo?" Tanong ko sakanya habang magkayakap kami, sira ulo lang noh? Medyo nilalamig na rin kasi ako.
"Sinigang." Simpleng sagot nya na naman sa akin. Parehas lang pala kami ng favorite food hihi.
"Talaga?! Wow! Same tayo HAHAHAH." Masaya kong sabi sakanya, akala ko nga favorite nya yung Ramen eh hahahaha!
"Ikaw ba yung nagluluto?" Tanong nya sa akin na ikinatawa ko.
"Syempre." Confident kong sabi sa kanya, totoo kaya! Ako ang nagluluto aa favorite food ko, talo ko pa nga daw yung luto ni Kuya chossss!
Kumawala na kami sa yakap namin kasi feeling namin hindi na kami nilalamig,actually we feel akward, why? Simple, because sino naman ang hindi magiging akward kung magkausap kayo habang magkayakap? Hahahaha!
"Maye, lutuan mo naman ako/kami ni ate sa sabado pleaseeee!" Pagmamakaawa nya sa akin kaya naman tinawanan ko nalang sya.
"Sureeeee!" Masaya ko na naman sabi sakanya at nginitian sya.
"Yeheeeeeeey!" Pagsisigaw nya ng sabi at niyakap na muli ako saglit.
"Baliw ka Jace...." sabi ko nalamang at tinawanan ko ulit sya.
"Hahahahaha hindi naman!" Natatawa nyang sabi sa akin at nagulat na naman ako nang bigla nyang pisilin yung dalawa kong pisngi.
"ANO BA JACEEEEEE!!!! YUNG PISHNGI KOOOOOO! MASHAAAKIIIT!!!!" Saway ko sakanya na lalo naman ikinatawa ni Jace.
"Ang cute mo kasi Mayeeeee!" Nanggigigil nyang sabi sa akin at tinawanan nya na naman ako.
Nang binitawan nya na yung pisngi ko, binawian ko naman sya na atleast sa pisngi nya ang kinurot ko, sa ilong nya HAHAHAHAHA! Bagay lang sakanya yan.
"MAYEEEEEEE! YUNG ILONG KO NAMAN HUHUHUHU! ANG SAKIIIIIT!!!"
Binitawanan ko na yung ilong nya at tinawanan sya, he's soooo cute! Para kasi syang bata, hinihimas nya kasi yung namumula nyang ilong, isama mo na rin yung boses nya! Hahahahaha!
YOU ARE READING
When I'm With You
FanfictionOnce upon a time, may dalawang tao ang magtatagpo muli mula sa mga nakalipas na tan at yun ay sina Jace at Maye. Ngunit nung nagkita sila muli ay hindi nila masyado makilala ang isa't isa dahil sa mga pinagdaanan nila hanggang ngayon. Meet Jace Jabr...
Chapter 28: Knowing to Each Other
Start from the beginning
