The Unborn

218 13 8
                                    

Isang babae. Isang babae ang patakbong pumasok sa isang ospital. Taranta. Makikita ang pagpapanic sa mukha niya. Gulo-gulo ang buhok at nagkalat ang make-up sa mukha. Makeup na hindi nagawang itago ang masalimot na katayuang kanyang tinatakasan. Animo may sumusunod dito na lagi na lamang tumitingin sa kanyang likuran. Balisang-balisa. Pinagpapawisan at hindi alam ang gagawin.

Pasado ala sais na noon ng gabi. Iilan lamang ang tao sa nasabing ospital. Kaunti lamang kasi ang kumuha ng pang-nightshift na schedule. Isang doktor sa nasabing ospital si Anna. Bago pa lamang siya doon, mga dalawa o tatlong buwan pa lang. Kahit na gusto niyang pang-umaga ang schedule wala naman siyang magawa dahil kaa-assign lamang sa kanya sa nasabing ospital. Tatlong nurse lamang ang kasama niya. Lahat sa mga ito ay may inaasikaso at binabantayang pasyente. Ang kasama naman niyang baguhan ring doktor ay hindi pumasok ng gabing iyon. Okay lang naman sa kanya dahil bihira lang naman ang nako-confine at ayaw rin niyang may ma-confine. Hindi dahil sa ayaw niya ng walang trabaho kundi alam niya ang hirap ng malagak sa isang ospital. Mahal ang gamot at hospital bills na kailangang bayaran. Kaya sino mang pangkaraniwang mamamayan ay mahihirapang magbayad ng ganoon kalaking halaga ng basta-basta lang. Sa private hospital ng San Diego siya nagtatrabaho. Kung siya ang papipiliin, mas nais niyang sa isang pang-publikong ospital nalang. Sa anong kadahilanan? Simple lang. Mas nararamdaman niya ang pagiging doktor sa ganoong klaseng ospital. Mas naiibahagi niya ang karunungan sa mas maraming nangangailangan.

Kinuha niya ang cellphone at naisipang tumawag sa kanilang bahay upang kamustahin kung nakauwi na ba ang kanyang nakababatang kapatid. Medyo may pagka-pasaway rin kasi ang bunso niya. Palibhasa kasi ay lalaki at nagbibinata. Wala pa namang pasyente at nasa opisina lamang siya, nakaupo at naghihintay. Naboboring na nga siya.

“Hello, Manang.” Bati niya sa kasambahay.

“Ma’am Ana! Magandang gabi po.”

“Itatanong ko lang po kung nakauwi na si bunso?”

“Ahh. Opo. Kanina pa po. Nasa kwarto na niya.”

Nakahinga naman siya ng maluwag. “Buti naman at hindi na naisipang gumala ng batang yan. Nag-aalala ako sa kanya e.” Nasa ibang bansa na kasi ang pareho nilang magulang. Doon nagtatrabahao ang mga ito. Katunayan, susunod na rin sila doon sa isang buwan. Excited na nga siyang makalanghap ng stateside na hangin.

“Wag po kayong mag-alala, Ma’am. Babantayan ko siya para sa inyo.”

Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi. “Napakabait nyo po.”

“Inihabilin kayo ng Mama nyo sa akin. Dapat ko lang tuparin yon.” Sabi naman ng matandang babae sa kabilang linya.

Pamilya na rin ang turing nila kay Manang Ising. Ito na kasi ang nag-alaga sa kanila ng kapatid niya mula pagkabata. Masyado kasing busy ang mga magulang nila na naiintindihan naman nilang magkapatid. “Ahh. Ma — …”

Naputol ang sasabihin niya ng makarinig ng sunod-sunod at malalakas na katok sa pintuan. “Ano po yon, Ma’am?” Rinig niyang usisa ng kasambahay.

“Tatawag nalang po ulit ako mamaya.” Pinutol na niya ang pag-uusap. Pinakinggan niyang mabuti ang kapaligiran. Tahimik. Wala namang kumakatok sa pintuan niya. Baka naman guni-guni lamang niya ito. Umiling siya saka muli sanang tatawagan ang kausap ngunit nakarinig na naman siya ng katok sa pintuan ng office niya.

SinisterWhere stories live. Discover now