The Death Tunnel

305 23 8
                                    

Naatasang dumalo sa isang importanteng meeting si Richard. Matagal na niyang inaasam na maging representative ng kompanya na kanyang pinatatrabahuhan at ngayon nga ay pagkakakataon na niya. Kahit na may kalayuan ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na pumayag. Hindi rin niya kabisado ang mga kalapit na lugar dahil hindi naman siya nagagawi roon. Malapit lang naman kasi ang tinitirhan niya sa kompanya kaya nilalakad lang nya ito. Pero dahil pagkakataon na niya yon para ipakita ang potensyal niya pumayag na rin siya. Pwede naman kasi niyang ipagtanong-tanong kung saan ba ang lugar ng meeting.

“Richard!” Tawag ng katrabaho niya. “Congrats pare! Ikaw ang napili ni Boss na mag-represent sa kompanya.”

Ngumiti siya sa kasamahan. “Oo nga e. Hindi ko rin akalain.”

“Good luck. Naayos mo na ba yong mga kailangan para sa assembly? Bukas na yon di ba?” Tanong pa nito.

Tumango siya. “Oo. Tinapos ko na ng mas maaga. Mahirap na baka mapagalitan ni Boss. First assignment pa naman.”

“Ahh. Tama ka dyan.” Bahagya itong tumingin sa relo. “O sige. Mauna na ako sayo pare. May date pa ako e.”

“Sige. Sige,” sabi naman niya saka ngumiti.

Nang makaalis na ito ay ipinagpatuloy na ni Richard ang ginagawa. Lampas ng ika-anim ng gabi at nagsisiuwian na rin ang mga kasamahan niya. Bukas na rin ang assembly. Ayaw naman niyang may maiwang trabaho bago siya umalis kaya naisip na niyang tapusin na iyon. Kaunti na rin naman ang kailangan niyang ireview sa mga files kaya hindi naman siya aabutin ng madamag. Nagsisidatingan na rin ang mga night shift kaya may kasama na rin siya sa opisina.

Maaga siyang nagising kinabukasan at nagmamadaling pumasok. Gabi pa naman gaganapin ang assembly pero minabuti na niyang pumunta ng maaga para magpaalam sa Boss niya. Isang linggo rin siyang mawawala.

“Okay na ba ang lahat Richard?” Paninigurado ng Boss niya.

Agad siyang sumagot. “Yes sir. Kahapon ko pa po naayos. Pati yong mga irereview kong document ay naayos ko na rin.”

“O sige. Titingnan ko nalang mamaya,” sabi nito. “Ikaw na ang bahala. Marami pa akong inaayos na bagay kaya ikaw na ang inutusan ko. Gamitin mo na rin ang sasakyan.”

Nabigla siya sa sinabi nito. Ipapagamit ba sa kanya ang sasakyan nito? “Talaga Boss? Ipapahiram nyo sa akin ang sasakyan nyo?” Maang na tanong niya.

Tumango ito at ngumiti. “Oo naman. Malayo-layo rin yon. Kahit ako hindi ko alam ang daan sa venue na sinabi nila. Wala namang problema sa akin basta ibalik mo ng kagaya pa rin ng dati,” sagot ng Boss niya. “Baka naman wala ng gulong yan pagbalik mo?”

Hindi na niya napigilan ang matawa sa sinabi ng Boss niya. Mabait talaga ito hindi katulad ng iba. Supportive sa mga empleyado nya. Matapos magpaalam dito ay bumalik muna siya sa tinitirhan niyang apartment para kunin ang mga gamit niya bago tuluyan nang dumiretso na sa lakad niya.

Malapit nang maghapon ng marating niya ang karatig bayan. Hindi na niya alam kung malapit na ba sya o malayo pa sa pupuntahan niya kaya naisipan niyang magtanong-tanong sa mga taong nakita niya. May ilang mga taong nag-uumpukan sa may tindahan. Naisipan niyang lapitan ang mga ito.

SinisterWhere stories live. Discover now