Ang kaliwang kamay ko naman ay napahawak sa railings upang kumuha ng suporta. Dahil pakiramdam ko, anytime matutumba ako dahil sa panginginig ng tuhod ko. Sunud-sunod na rin ang paglunok ko para pakalmahin ang sarili ko.

Napalingon ako sa paligid, napansin kong dito pala ako dinala ng mga paa ko sa rooftop. Hinihingal akong napaupo sa gilid ng rooftop. Pakiramdam ko, maiiyak na ako sa sitwasyong 'to. Nanginginig akong napatingin sa cellphone ko na ngayon ay mahigpit ko pa ring hawak-hawak. Nakabukas pa rin ito sa mensaheng ipinadala ni kuya.

From: Kuya

You have to choose now, Dara. It's either you will stay away from him or I will kill him with my bare hands.

Sunud-sunod akong napalunok. Anong gagawin ko? Kaya ko bang layuan si Luke? Pero paano kung hindi ko siya layuan? Baka totohanin ni kuya ang sinabi niya at 'yun ang hindi ko mapapayagang mangyari.

Kanina lang, sinasabi ko na kahit magalit pa sa akin si kuya, hindi ko lalayuan si Luke at poprotektahan ko siya kung kinakailangan. Pero ngayong nabasa ko ang mensahe ni kuya, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Nanatili lang ako doon na nakaupo hanggang sa may mabuong desisyon sa isip ko. Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam kung magiging tama ba itong desisyon ko. Kailangan kong makausap si kuya.

Napagpasyahan kong hindi muna umattend sa mga susunod na klase tutal first day pa lang naman. Naglakad na ako palabas ng campus para umuwi sa bahay. Yes. Sinabi ni kuya na susunduin niya ako pero kailangan ko nang umuwi. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin mula dito. Mga fifteen minutes kung lalakarin.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong nakarinig ng kalabog mula sa taas, nanggagaling sa guest room. Sinalubong naman ako ni manang na nag-aalala.

"Iha, ang kuya mo, nagwawala na naman at hindi ko siya mapigil." Napapikit ako nang mariin dahil doon at napahilot sa sentido.

Napabuntong-hininga ako.

"Sige po, manang. Aakyatin ko lang muna si kuya." Tumango na lamang si manang, at pagkatapos ay naglakad na ako paakyat.

Habang palapit ako nang palapit sa pinto ng kwarto, patindi naman nang patindi ang naririnig kong pagwawala niya mula sa guest room. Yes. 'Pag nagwawala siya, laging sa guest room at hindi sa sariling kwarto niya. -_-

Pagkarating ko sa tapat ng guest room, huminga muna ako nang malalim bago kumatok ng tatlong beses.

"K-kuya?" Pagkatapos kong sabihin 'yun, nawala ang ingay sa loob ng kwarto. Mukhang tumigil siya sa pagwawala. Pero hindi pa rin niya binubuksan ang pinto. Napalunok ako. Kumatok ulit ako.

"K-kuya, si Dara 'to." Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa pinto ng kwarto at pagkatapos ay bumukas ang pinto at iniluwa nun si kuya na hingal na hingal habang bakas sa kanyang mga mata ang mga luha na hindi ko maintindihan kung anong ginagawa doon sa mata niya. At nang bumaba ang paningin ko sa kamao niya, napansin ko na tumutulo ang dugo niya mula dito pero parang wala lang sa kanya.

Napapikit akong muli. Ano bang ginagawa mo sa sarili mo kuya?

Nabigla na lang ako sa sunod na ginawa niya. Hinila niya ang braso ko papasok sa kwarto at agad itong ni-lock.

Napalibot ang mga mata ko sa magulong kwarto na parang dinaanan ng matinding bagyo. Ang basag-basag na vase, ang nagtaob na sofa, ang nabasag na salamin sa cabinet na may bahid pa ng dugo, ang mga nagkalat na mga damit, ang nakataob ding kama, ang nasirang lampshade.

Nang ibinalik ko ang mga mata ko kay kuya, nailang ako bigla nang maabutan ko ang mga mata niya na matiim lang na nakatitig sa akin na para bang kinakabisado ang bawat anggulo ng mukha ko.

Brother's Obsession [EDITING]Where stories live. Discover now