NAVI - 29

2.8K 81 0
                                    

N

Inayos namin ang libing ng mama ni Ravi. Tinulungan ko siya dahil iyon lamang ang tangi kong magagawa para sa kanya maliban sa pagdamay.

Nadatnan ko siyang nakaupo sa labas ng bahay habang nakatingin sa mga bituwin.

"Bakit ka naririto? Malamig ang gabi ngayon.." sabi ko dahil sa Disyembre na.

"Nagpapahangin lang" sagot niya pagkatapos punasin ang kanyang mga luha.

Pinisil ko ang kanan niyang balikat pagkatapos ay naupo ako sa kanyang tabi.

"Namimiss ko na agad siya.." agad niyang turan pagkatapos humikbi.

Wala akong masabi kaya pinisil ko ang kamay niya. Sa totoo lang ay gusto ko ring maiyak. Awang-awa ako sa kanya ngunit kahit na ganoon ay nagpakatatag pa rin ako.

"Nasa maayos na siyang lugar ngayon, hindi ba?" Tanong niya pagkatapos tumingin sa akin kaya agad akong tumango.

"Nakapagpahinga na si mama ng maayos ngayon. Nasa heaven na siya.." sabi ko. "Tapos na ang paghihirap niya.."

Siya naman ang tumango.

"Pero mag-isa na lang ako ngayon.." napakalungkot niyang turan dahilan para mapangisi ako.

Hinawakan ko ang pisngi niya para maiharap ang mukha niya muli sa akin.

"Andito pa ako.." pagpapaalala ko. "Hindi ba't sinabi kong hindi kita iiwan?"

Ngumiti siya ng bahagya. "Thank you for being here N.."

"Syempre naman! Asawa yata kita.." Inakbayan ko siya pagkatapos.

Isinandal lang niya ang ulo niya sa balikat ko. Pinagmasdan namin ang napakaaliwalas na kalangitan. Nang magsawa ay pumasok na kami. Isa pa ay malamig na din dito sa labas.

"Magtoooth brush lang ako.." paalam ko.

Nang makapasok sa banyo ay napahawak ako sa puso ko. Hindi ko alam subalit kanina pa ako kinakabahan ng labis-labis. Napakabilis ng dagundong ng puso ko bagay na ipinagtaka ko.

Pagkatapos magsipilyo ay nagpalit ako ng sando at nahiga sa tabi ni Ravi. Hinaplos ko ang kanyang mukha.

"Malalampasan mo rin ito.." sabi ko pagkatapos ko siyang dampihan ng halik sa may labi.

Niyakap ko siya pagkatapos ay pumikit ako. Panandalian pa lamang iyon ng makarinig ako ng malakas na kalabog. Napadilat kami parehas ni Ravi.

"Ano iyon?" tanong niya pagkatapos kusutin ang kanyang mga mata.

"Di ko alam.."

Muli kong naramdaman ang kaba sa aking dibdib. Ano na kaya ito?

Pagkabukas pa lang ni Ravi sa pintuan ng kwarto ay agad na pumasok ang dalawang armadong lalaki. Iyong isa ay sinapak niya si Ravi dahilan para matumba siya. Agad na dumugo ang kanyang ilong.

"Sino kayo?" sigaw ko at gaya ng ginawa nila kay Ravi ay nakatikim din ako ng sapak.

"N.." sigaw din ni Ravi habang bumabangon.

Agad siyang nakipagbuno sa isa kahit na armado ito. Ganon din ako subalit tumalsik lang ako. Wala akong laban dahil bukod sa malalaki silang tao ay malalaki rin ang kanilang katawan.

Pagkasadlak sa pader ay napasigaw ako dahil sa di ko inaasahang pangyayari.

"Ravi..."

Kitang-kita ko kung papaano siya humandusay pagkatapos siyang tamaan ng bala.

---------

Pagkatapos na mabaril si Ravi ay agad na umalis ang dalawang lalaki.

"Ravi!!" sigaw ko habang umiiyak.

"N..." mahina niyang bigkas habang bumubulwak ang dugo na nagmumula sa kanyang katawan.

"Huwag kang pipikit! Huwag kang pipikit please!!" sigaw ko habang patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Kaya ba ako kinakabahan kanina pa ay dahil may hindi magandang mangyayari? At eto na ba iyon?

Humingi ako ng saklolo sa mga kapitbahay at mabuti na lamang ay agad nila akong pinuntahan.

"Anong nangyari?" agad na tanong nung isa.

"Binaril po si Ravi, tumawag kayo ng ambulansya.." umiiyak kong turan. "Ravi! Ravi!"

Agad naman silang sumunod at makalipas ang bente minutos ay nadala na agad siya sa Ospital.

"Please gawin niyo po lahat huwag niyo siyang hayaang mamatay!" sabi ko sa sumalubong sa aming nurse.

"Makakaasa po kayo. Ililigtas namin siya.."

Pagpasok kay Ravi sa ER ay naupo ako sa may bench at inilakumos ang aking palad sa aking mukha. Sino ang may kagagawan nito? At bakit? Bakit nila ginawa? Sa pagkakaalam ko ay wala namang atraso o kaaway si Ravi dito.

Bumukas ang pintuan ng ER at iniluwa nito ang lalaking doktor dahilan para agad akong tumayo.

"Kamusta po siya?" nanginginig kong tanong. Maliban sa boses ay ngayon ko lang naramdaman na maging ang magkabilaan kong tuhod ay nanginginig na rin pala.

"Kailangan natin siyang maoperhan agad at kailangan siyang masalinan ng dugo dahil napakaraming nawala sa kanya buhat sa pagkakabaril niya.." sagot ng doktor.

"Gawin niyo po ang lahat! Iligtas niyo siya!" sabi ko. "Wala po tayong proproblemahin sa pera.." pagsisinungaling ko.

"Oo, naman iho. Teka, may iba ka pa bang kasama? Mukhang kailangan mo ng titingin sa iyo.."

Umiling ako. "Wala po, kaming dalawa na lang ang magkasama sa buhay.."

"Bueno, maupo ka muna diyan at sisimulan ko na ang operasyon. Makakaasa kang magiging successful ito at maisasalba namin ang buhay niya.."

"Sana po.."

Pagkaalis ng doktor ay naupo ako at muling umiyak. Bakit ba kinakailangang mangyari ito? Sa oras na ito, tanging ang diyos lamang ang aking masasandalan at makakapitan.

End Of Chapter 29.

Thank You For Reading!

Vote and Comments! <3

Forbidden Love - SPG [NAVI FF] (COMPLETED)Where stories live. Discover now