Nagulat ako sa sinabi niya kaya ako naman ang nag-iwas ng tingin. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilang ngumiti at laking pasalamat ko dahil nagtagumpay ako roon.

So iyon pala 'yon? Unti-unti na siyang nasasanay na nakikita ako sa araw? Well, kahit ako rin naman e. Sa ilang linggo o buwan na magkasama kami, nasanay na rin ako na lagi siyang nakikita at nakakasama.

"Ang dami mong alam," kunwaring sabi ko at nauna nang lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa dining at naabutan kong may nakahanda ng agahan sa lamesa. Paniguradong siya na naman ang naghanda nito. Kung ganito ba naman ng ganito ang gising ko sa umaga ay talagang maganda tiyak ang simula ng araw ko. Masaya pala siya maging asawa 'no? May taga-handa ako ng almusal.

"You liked it?" tanong niya na ikinagulat ko, naroon siya sa gilid ko.

Agad ko siyang nilingon, halos maduling pa ako dahil sa sobrang lapit niya sa akin.

Bahagya ko siyang tinulak at kumuha na ng french toast sa pinggan. "Akala ko ba aalis kana?" tanong ko. Mauupo na sana ako pero sinenyasan niya akong huwag muna dahil ipaghihila niya raw ako ng upuan.

Sana all gentleman!

"Bakit ba kating-kati ka na paalisin ako?" tanong niya, ang inis ay nandoon na.

Ano bang kinaiinis niya? Nagtatanong lang naman ako ah. Wala naman akong ibang pakahulugan doon.

"Hindi naman sa kating-kati akong paalisin ka," sabi ko at inubos ang french toast na kinakain. "Baka kasi mahalaga 'yong pupuntahan mo, baka malate ka."

"Ah, nagpapatulong kasi sina Mommy," sabi niya at iniabot sa akin ang tasa na naglalaman ng gatas.

Tumaas ang isa kong kilay nang malasahan ang gatas. Paano niya kaya nalaman na gatas ang iniinom ko sa umaga? Nagtanong ba siya sa mga kapatid ko? O kaya'y kay Manang Susan?

"Saan?" tanong ko.

Napakamot siya sa kanyang batok saka alanganing ngumiti. "Ipapaayos nila 'yong bahay kaya roon muna sila kina Kuya Tusher titira pansamantala."

Oh sasama kaya si Creed sa kanila? Kung ganoon ay mas madalas pa silang magkikita ni Lauri?

"Oh bakit hindi mo pa sila puntahan?"

"Mamaya na, they can wait," sabi pa niya at naupo na sa harapan ko.

"Don't make them wait, magulang mo sila," sabi ko at pinandilatan siya.

Hindi naman kasi tama na paghintayin niya ang parents niya. Nakakahiya 'yon. Baka mamaya'y kanina pa siya hinihintay ng mga ito pero heto siya at hindi pa umaalis.

Sumandal siya sa sandalan ng upuan at iritadong tumingin sa akin. "Ang sabihin mo, gusto mo lang akong paalisin."

Aba, iyon pala ang dating sa kanya no'n? Na gusto ko na siyang paalisin? Kakaiba rin pala siya magisip kung ganoon?

Inosente ko siyang tinignan. "Excuse me? Sinabi ko na nga ang dahilan 'di ba? Hindi pa ba malinaw sa 'yo?"

Hindi siya sumagot at bumuntong hininga nalang sa kung saan. Imbes na magsungit ay unti-unti akong ngumiti. Napakacute niya palang mainis!

Nang maramdaman ang titig ko ay kunot-noo niya akong tinignan. "Why are you smiling?"

"Ang cute mo pala mainis?" panunukso ko habang nakangiti.

"Tss, gwapo ako at hindi cute," pagtatama niya.

Natawa ako at hindi napigilang kurutin siya sa pisngi. "Grabe ang yabang!"

The Eccentric Marriage (Fixed Series #2)Where stories live. Discover now