Chapter 1

536 10 2
                                    

Chapter 1

*Kriing*

Gad! Monday na Monday late nanaman ako. Napatampal ako sa noo ko dahil sa pang-9th time na akong nale-late sa klase ko.

Kasi naman ung favorite kong banda may livestream kagabe, plus ini-stalk ko pa sila noh! Nakakadismaya naman kasi kung hindi ko mapanuod.

Dumiretso ako sa faculty pagkarating ko sa school na pinapasukan ko at dali-dali kong kinuha ang attendance ng mga teachers and sinulat ang pangalan ko.

Syempre hindi ko nakalimutang purihin ang sulat ko, ang ganda kong magsulat e! Nakasalubong ko pa ang mga co-teachers ko kaya medyo nagtagal pa ako ng kaunti, machika kasi sila.

Kaya halos madapa-dapa ako sa paglalakad ko papunta sa 3rd floor ng susunod na building pa! Hay nako, mapapagalitan nanaman ako ng mga studyante ko nito hm.

Buti nga at sumang-ayon ang pagkakataon sakin, wala na akong nakasalubong na co-teachers na dadaldalin ako at hindi naman ako nadapa.

“Hey guys! Good Morniiing!” sabi ko agad pagkabukas ko ng pinto, agad namang nagsibalikan ang iba na nakaupo sa mga arms ng armchairs, meron naman lumipat ng upuan sa tabi ng mga kabarkada nila para makapagdaldalan sila. Ganyang ganyan kami dati.

 

“Good Morning Ma'am Bianca” sagot nila sakin ng nakangiti, agad ko naman silang minostrahan na umupo na sabay kuha ko ng reference book ko para sa lesson nila sa araw na’to.

“Kamusta naman kayo?” tanong ko ulit sa kanila, syempre kasi dumaan ang Sabado’t linggo kaya malamang may mga nangyari naman sakanila, sa mga assignments nila or projects.

“Ayos Maam!” masiglang sagot nila sakin.

“Good, what about your assignments?” follow up question ko habang tinitignan sila isa-isa.

Di ko pa sila masyadong kilala, tulad ng mga personality nila and hanggang ngayon di parin ma-digest ng utak ko ang pagiging teacher ko, fresh graduate lang kasi ako with my coarse Education, major in MAPEH, and nakapasa naman ako sa board exam kaya nakakapagturo na ako ngayon sa secondary level.

Nage-enjoy naman ako sa pagiging teacher. In fact nung unang araw ko palang dito nakasundo ko naman agad sila, siguro advantage narin ang pagiging medyo bata-bata, pero gaya nga ng sinabi ko kanina di ko pa sila masyadong kilala at kabisado ang ugali nila.

“Ma’am ayon ayos din sya, buhay pa” sagot naman ng isa kong estudyante na nakapagpatawa sa aming lahat. Nakilalala ko ang personality nya as a joker, sya lagi ang pinagmumulan ng tawanan dito sa classroom.

“Haha ikaw talaga Michael, by the way let’s proceed to our lesson..”

"Yoown! ma'am anong lesson natin?!" excite na excite na tanong nung isa kong studyante.

"Oo nga Ma'am! Baka pasabog nanaman yan?" dagdag pa nung katabi nya, kaya napangiti rin ako.

“Our lesson for today is about TRUE LOVE....”

Throwback (Short story)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz