“Ganoon ba ako kahirap mahalin para itulak mo ako palayo sayo, Rica? Ganoon ba kahirap para sayo ang papasukin ako sa buhay mo? Sa maniwala ka’t sa hindi, nahihirapan din ako.” Muli akong nag angat ng tingin at sinalubong ko ang mga titig niya. “Nahihirapan ako pero ayokong sumuko dahil alam kong dito ako sasaya. Sa piling mo. sa tabi mo. sayo. Kasi ikaw ang laman at ipinagsisigawan nito.” Itinuro niya ang kaliwang parte ng dibdib niya kung saan naroroon ang puso niya.

Muli lang akong napayuko. Nahihirapan din naman ako. Mahirap ipagtabuyan ang isang taong pinaghuhugutan mo ng saya. Para siyang araw at ako naman ang sunflower. Kung nasaan ang direksyon niya, doon ako sumusunod. Dahil sa kanya nakadepende at nanggagaling ang lakas ko.

“Andrew, bakit ako?” tanong ko. “Ano bang meron ako na wala sa iba at bakit ako ang napili mo?” nanatili akong nakayuko at pilit itinataboy sa isip ang pag iyak. Nakakasawa rin kasing umiyak lalo na’t wala naman itong magagawa.

Nabigla ako nang hinila niya ako sa braso at marahang pinahiga ang ulo ko sa kandungan niya. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko habang nakatanaw sa malayo.

“Kung mmahalin kita dahil magada ka, paano kung hindi na?” aniya at ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko. “Kungmamahalin kita dahil sexy ka, paano kung tumaba ka? Kung mamahalin kita dahil sa mga pisikal na katangiang meron ang isang tao, paano kung wala na ang mga ‘yon? Edi hindi na kita mahal, gano’n?” nagbaba siya ng tingin at tinitigan ako sa mata, “Mahal kita dahil ikaw si Rica. Mahal kita dahil hindi sila ikaw. Mahal kita hindi dahil sa nakikita ko kundi dahil ‘yon ang nararamdaman ko.” Aniya saka ngumiti. “Ngayon, nasagot ko ba ang tanong mo?”

Napangiti ako dahil sa mga sinabi niya. Parang pang Ms. Universe kung makasagot, ‘no? Hindi siya sweet na tao, alam ko, at bihirang bihira mo siyang maririnig magsabi ng mga corny’ng linya tulad n’yan.

“Corny mo talaga, ‘no?” natatawang sabi ko. Napailing naman siya at pinisil ang ilong ko. “Galing mo talagang mambasag, ‘no? nagpapaka-sweet ako dito ta’s sasabihan mo akong corny?” napapailing na sabi niya.

Nanatili kami sa ganoong pusisyon. Ako na nakaunan sa binti niya habang panay ang haplos niya sa buhok ko. Nakakaantok tuloy.

Maya maya, may dumaang nagtitinda nung mga pambatang palobo. Natawa nga ako dahil bumili siya ng dalawa at ibinigay sa akin yung isa. Na-miss ko rin kaya agad akong sumawsaw at umihip. Ang daming bula!

“Whaaa! Tingnan mo, Andrw! Ang dami o!” ngiting ngiti ako habang panay ang sawsaw at ihip ng mga bula, saka ko sila pagmamasdang lumutang at tangayin ng hangin palayo. Habang pinagmamasdan ko ang mga bulang isa isa pumuputok at nawawala, bigala akong nakaramdam ng lungkot. Unti unting napawi ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko ang mga ito.

Tulad din sila ng mga tao. Darating at magbibigay ng saya sa atin pero makalipas ang ilang sandali, bigla silang maglalaho. Tulad sila ng mga tao... tulad ko.

Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na nakasabog sa mukha ko. Dahil galing ako sa pagkakahiga, gulo gulo ang buhok ko at eto nga, nakasabog sa mukha ko.

“Come here. I’ll help you with that.” Napalingon ako kay Andrew habang isinasawsaw ko ‘yung hinihipan sa palobo. Iminwestra niya sa’kin na umupo ako sa baba, sa pagitan ng binti niya na ipinagtaka ko. Pero syempre, ginawa ko din at ipinagpatuloy ang pagsawsaw at pag ihip sa palobo habang may ginagawa siya sa buhok ko.

“Ayan. Edi mas maayos.” Aniya saka inilagay sa gawing kanan ‘yung dulo ng buhok ko. Kinapa ko ito at narealize ko kung anong ginawa niya.

“Braid? At dikit anit pa!” ngayon ko lang nalamang marunong siya ng ganito! Lumingon ako sa kanya at natatawang tinignan siya. “Parlorista ka ba? o baka naman pogay ka talaga? Daming talent ah!” natatawang sabi ko saka tumayo at muling nagpalobo. Dahil doon nawala ‘yung lungkot na naramdaman ko.

Ihip  lang kami nang ihip at panay rin ang tawa dahil sa mga pinaggagagawa namin. Parang bigla akong bumalik sa pagkabata.

“Wow! Bubbles!”

“Oo nga! Ang dami!”

“Whaaa! Habulin natin!”

Napatingin kami sa mga mumunting boses na nanggagaling sa likuran namin at doon, tumambad sa amin ang anim na batang babae at lalaki. Tuwang tuwa sila sa mga bulang ginagawa namin at isa isang hinahabol at pinuputok ang mga ito. Nangingibabaw ang mga tawa’t hagikgik nila sa paligid. Napangiti ako.

“Here. Subukan niyo naman.” Napatingin ako kay Andrew na bahagyang naka-squat habang iniaabot doon sa batang babae yung palobo niya. Nang ngumiti ito ng malapad sa kanya at tinanggap ang palobo ay nakita ko ang nakakasilaw na ngiti niya.

“Mahilig ka pala sa mga bata?” ngiti ko habang pinagmamasdan ko siya. Muli akong sumawsaw at umihip ng mga bula. “Nakakatuwa kasi silang panoorin. Parang ang saya saya lang nila lagi. Walang problemang iniisip... basta masaya lang sila.” Aniya habang di maalis ang tingin sa mga bata. Tuloy lang ako sa pag ihip habang ‘yung mga bata naman ay panay ang habol sa mga ito. “Minsan nga na-iimagine ko na, sa isnag bahay, nangingibabaw ‘yung mga hagikgik ng mga bata habang hinahabol ko sila sa buong bahay. ‘Yung, magkukulitan kami, maghahabulan kasi ayaw nilang maligo, magbabasaan sa banyo, sabay sabay na kakain sa hapag kainan, tapos kukuwentuhan ko sila sa gabi hanggang sa makatulog sila. Parang ang sarap sa pakiramdam.”

Pinagmamasdan ko lang siya habang sinasabi niya ang mga ‘yon at base sa nakikita ko, para siyang nasasabik na mangyari ang mga ‘yon. Base sa mga ngiti sa labi niya at sa kislap ng mga mata niya, ‘yon ang isa sa mga pinaka inaasam-asam niya. Ako naman ay patango tango lang habang pinapakinggan siya habang tuloy lang sa pag ihip.

“Pero syempre, hindi ka mawawala sa mga pangarap na ‘yon.” Natigilan ako sa sinabi niya at napatingin sa kanya. “Dahil ikaw ang magiging ina nila at sabay natin silang palalakihin at mamahalin.” Ngiti niya. Naramdamam kong nag init ang magkabilang pisngi ko kaya agad akong nag iwas ng tingin. Nakakabigla talaga siya madalas!

Dahil nga sa pag iwas ko ng tingin, hindi ko napansin yumuko pala siya at inayos ang sintas ko. Hindi ko napansing nakalag na ang pagkakasintas. Habang pinagmamasdan ko siyang ayusin ang sintas ko,  may mga bagay na biglang pumasok sa isip ko.

Sweet, caring, gentleman, magaling magluto, pwedeng ipasok na kasam-bahay—ilan lang ‘yan sa mga katangiang meron siya... mga katangiang hinahanap ng karamihan sa isang lalaki. At meron siya ng mga ‘yon.

“Ilan ba ang... gusto mo?” nag angat siya ng tingin sa’kin na para bang hindi niya maintindihan kung anong tinutukoy ko. “Anong ilan?” tanong niya.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sinagot ang tanong niya. “I-ilan ba ang gusto mong a-anak.” Shocks! Tanong pa kasi! Ayan napapasubo ka tuloy!

Nanlaki ang mata niya nang sa wakas ay maintindihan ang sagot ko. Parang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. Ako rin kaya!

“Te-Teka... are you saying that—”

“E-Ewan! M-Malay mo lang naman ‘di ba? hehe... nagtatanong lang naman.” Sagot ko sabay tagilid. Itinuloy ko nalang ang pagpapalobo ko at hindi ako tumitingin sa kanya. Nakakahiya!

Sa gilid ng paningin ko ay nakita ko ang di maalis na ngiti sa labi niya na parang nabuhayan ng loob. Patay na!

“Gagawin ko ang lahat, Rica. Magkatotoo lang ‘yon,” aniya.

Nakakahiya mang aminin pero ang hirap pigilin ng ngiti ko dahil sa sinabi niya.

Sana. Sana nga mangyari ‘yon. Dahil hindi ko ma-imagine ang kinabukasan ko na hindi siya ang kasama.

I just hope... really hope. That I can make it ‘til the end with him.

 

Against All OddsWhere stories live. Discover now