Against All Odds

Against All Odds

302 Reads 19 Votes 7 Part Story
DL Castro Valentine By DarkLeague Completed


            Pinagmamasdan ko ang nakatalikod na si Andrew habang naghuhugas ng plato. May suot siyang pink na apron na may design na puso at laces. Cute lang, haha! Kakatapos lang naming mag-lunch at may naisip na naman akong ipag-uutos sa kanya. Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa aking labi nang matapos siya sa paghuhugas ng pinggan at nakabusangot na humarap sa akin.

"Alipin! Maglaba ka ng mga damit ko! Natatambakan na naman ang labahin!" utos ko dito na lalong ikinabusangot niya.

Sige lang! mainis ka pa!

"Di man lang ba pwedeng magpahinga? Kanina pa ako gawa nang gawa dito tapos ikaw nakaupo lang d'yan." Reklamo niya sa mahinahon paro may bahid ng inis na paraan.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. "Sumuko ka na kasi kung nahihirapan ka na para matapos na ang kalokohang 'to." tukso ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka hinilot ang noo niya. "Ang sabi ko, pahinga. Hindi ko sinabing ititigil ko na," aniya. "Asan ba ang mga damit mo?"

Lalong lumapad ang ngiti ko...