Part 3

35 4 2
                                    

Part 3

Kinaumagahan, araw ng Linggo, matapos ang madramang eksena naming ‘yon ay balik sa normal ang gawi namin. Habang siya ay abala sa mga gawaing bahay, ako naman ay prenteng nakaupo sa sofa sa harap ng tv. Paminsan minsan ay sumusulyap sulyap ako sa kanya habang abala siya sa pagliligpit at pag aayos sa buong bahay. All around talaga siya dito.

Minsan nga naiisip ko, hindi kaya siya napapagod?

Hindi kaya siya nagsasawa sa mga gawaing bahay na ginagawa niya sa bahay ko sa loob ng tatlong linggo?

Kung tutuusin, buhay prinsipe siya sa kanila dahil may mga katulong silang handang gawin ang mga gawaing bahay para sa kanya pero, heto siya sa bahay ko at pinagsisilbihan ako. Walang reklamong ginagawa ang anumang ipag-utos ko.

Tulad ngayon. Pinagmamasdan ko siyang abalang abala sa pagluluto ng almusal. Gaya ng nakasanayan ay nakasuot siya ng pink na apron na ako mismo ang gumawa. Nakatalikod siya sa akin kaya likod niya lang ang nakikita ko.

Alas sais sinko palang ng umaga pero malinis at maayos na ang bahay. Walang bahid ng alikabok sa kahit saang kagamitan sa bahay, malinis na ang mga kasangkapan, at kasalukuyang inihahanda niya ang almusal. Talo pa nga niya ang kasambahay sa galing niyang maglinis at magluto. Minsan nga nagdududa na ako sa kasarian niya, e. Malinis pa kasi sa’kin maglinis ng bahay.

Pumihit siya paharap habang hawak ang kawali ng omelet na kanyang niluto nang mapatingin sa direksyon ko at muntik nang maihulog ang hawak sa gulat.

“Gising ka na pala,” aniya. “Good morning nga pala.” Dagdag niya saka isinalin ang omelet sa plato.

Lumakad ako palapit sa lamesa at humila ng upuan para makaupo. “Good morning din.” Bati ko sa kanya pabalik saka ako kumuha ng omelet.

May kaliitan lang kasi ang apartment na ito. Up and down lang kaya mukhang maluwag. May maliit na sala at katabi no’n ang hapag kainan saka ang kusina. Tapos sa gawing kanan ay ang banyo. Sa taas naman ay ang dalawang kwarto.

Oo. Dalawang kwarto. Di naman ako papayag na magkasama kami ng kwarto, ‘no. Buti nalang talaga.

Fried rice, omelet at kape ang nakahain sa hapag. Liban nga sa galing maglinis ay hands down din talaga ako sa kanya sa pagluluto at syempre, sa pagtitimpla ng kape.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” bungad na tanong niya. “Umaatake na naman ba ang sakit ng ulo mo?” dagdag pa niya na may bahid ng pag aalala. Sa tatlong linggong nakasama ko siya, ito ang isa sa mga napansin niya sa akin.

True enough. Madalas sumakit ang ulo ko at madalas umatake sa umaga. Ang madalas ko lang sabihin sa kanya ay dahil sa puyat.

Liar.

Dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang puno’t dulo nito.

“Oo pero mamayang konti lang mawawala na rin ‘to.” ngumiti ako at sumandok ng kanin. Siya naman e nilagyan ako ng omelet.

“Nga pala, may gagawin ka ba ngayon?”

Ibinaba ko ang pinaglalagyan ng kanin nang malagyan ko ang plato niya saka ako nagbaling ng tingin. “Uhmm, wala naman. Bakit?”

Napangiti siya sa sinabi ko. “Good. Umm, gusto kasi kitang ayaing mamasyal.” Aniya habang nakangiti. “Alam mo na... to losen up? Baka kasi nai-stress ka na ng sobra sa trabaho mo e.”

Humigop ako ng kape bago tumingin sa kanya. Nice idea ah.

“Sige. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko. Tumingin siya sa’kin at may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon