Simula

97 2 0
                                    

            Pinagmamasdan ko ang nakatalikod na si Andrew habang naghuhugas ng plato. May suot siyang pink na apron na may design na puso at laces. Cute lang, haha! Kakatapos lang naming mag-lunch at may naisip na naman akong ipag-uutos sa kanya. Gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa aking labi nang matapos siya sa paghuhugas ng pinggan at nakabusangot na humarap sa akin.

“Alipin! Maglaba ka ng mga damit ko! Natatambakan na naman ang labahin!” utos ko dito na lalong ikinabusangot niya.

Sige lang! mainis ka pa!

“Di man lang ba pwedeng magpahinga? Kanina pa ako gawa nang gawa dito tapos ikaw nakaupo lang d’yan.” Reklamo niya sa mahinahon paro may bahid ng inis na paraan.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. “Sumuko ka na kasi kung nahihirapan ka na para matapos na ang kalokohang ‘to.” tukso ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim saka hinilot ang noo niya. “Ang sabi ko, pahinga. Hindi ko sinabing ititigil ko na,” aniya. “Asan ba ang mga damit mo?”

Lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ang tiyaga! Grabe!

“Nandoon sa kwarto ko. Magkakasama na ang mga ‘yon pati underwear.” Sabi ko saka binuksan ang tv. Bahala na siya.

Napailing lang siya at agad din namang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko. Maya maya’y lumabas siya dala ang maruruming damit ko at pati ata kanya at agad nagtungo sa likod bahay. Pero bago pa man siya tuluyang  makalabas ay tinawag ko siya. “Teka may sasabihin pa ako.” Huminto siya at humarap sa akin, yakap yakap parin ang mga labahin. “Tanggalin mo ‘yang apron mo. Pati t-shirt. Maglaba ka ng topless!”

Nangunot naman ang noo niya at umirap paitaas. “Kung gusto mo lang makita ang katawan ko, sana sinabi mo nalang. Di ‘yung pinapagod mo pa ako.” Reklamo niya pero ginaya naman ang sinabi ko.

Kung inaakala niyo na gusto ko lang ng liveshow e nagkakamali kayo. Gusto ko lang kasing inggitin ‘yung mga kapit-bahay kong bakla at babaeng bakla. Haha! Gusto ko lang maglaway at mainggit sila sa alipin kong macho! HAHAHA!

Gaya ng sinabi ko, naglaba nga siya—nang topless. May washing machine naman siyang gamit syempre. Ayaw ko namang masira ang kamay niya ‘no! Maganda pa nga sa’kin ang kamay niya e. Pwedeng model ng Perla.

Pinanood ko lang siyang magbanlaw at magkusot. Pinagmamasdan ko ang bawat paggalaw ng muscles niya, ang pagtagaktak ng pawis niya kada magpapalipit at ang maya’t mayang paglitaw ng abs niya tuwing tatayo siya at magsasampay. Grabe! Macho gwapito ang lolo niyo! Naglalaway na ba kayo? Huh! Pwes, mainggit lang kayo d’yan! Hahaha!

Gaya din ng plano ko, nakita ko ang mga kapit-bahay kong pinapanuod at naglalaway habang pinapanuod si Andrew sa paglalaba.

“Shet mare! Ang gwapo na ang ganda pa ng katawan! Bet na bet ko ‘yan ‘teh!”

“Gaga! Di lang ikaw ‘no! Juice colored ‘yung abs!!! Gusto kong hagudin ng kamay ko ‘yang mga pandesal na ‘yan!!!”

“Baklaaa!!! Di ko ma-take ang eksenang ito!!! Hanggang tingin lang tayo!!!”

 

Dinig na dinig ko ang mga bulungang pasigaw ng mga bakla. May isa pa nga na panay ang kagat sa twalya na parang nanggigigil. “Maglaway lang kayo... dahil hanggang tingin lang kayo sa isang ‘to.” ngisi ko habang pinapanuod silang maglaway at magdusa.

“Rica, papunas naman ng pawis, o.” ani Andrew sabay abot ng isang twalya sa’kin. Ngumiti ako at tumayo mula sa aking pagkakaupo. Inabot ko ang twalya saka ko siya pinunasan ng pawis.

Mula mukha hanggang katawan. Tapos nung nasa parting abs na ako, binagalan ko saka ako tumingin sa mga naglalaway kong kapit-bahay. Binelatan ko sila at lalo silang nainis. Haha!

“Naku nakuuu!!! Bakla, awatin niyo ako bago ko sabunutan ang bruhang ‘to!”

“Go lang sister ‘no! Belatan daw ba tayo?!!!” dinig kong usapan nila saka nag aambang sumugod ‘yung isa.

“Sinasabi ko na nga ba’t pinagtitripan mo na naman ‘yang mga kapit-bahay mo e.”

Napatingin ako kay Andrew na seryosong nakatingin sa’kin. Mas matangkad siya sa’kin kaya nakatingala ako sa kanya. Hanggang balikat lang ako ng mokong na ‘to e. 5”11 kasi ang height.

“Pabayaan mo silang maglaway sa inggit. Iparada mo lang ‘yang katawan mo at natutuwa akong panoorin silang maglaway!” ngisi ko.

Napailing siya at pinisil ang ilong ko. “Ikaw talaga!” aniya saka ako pinanggigilan.

“Aray! Maglaba ka na nga!” reklamo ko sabay taboy ng kamay niya.

“E, kiss muna! Napapagod na ako e.” aniya saka sumilay ang nakakalokong ngiti niya.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay at piningot. “Magtrabaho ka nalang!” utos ko sabay tulak sa kanya.

“Rica  naman. Naglalambing lang e.” aniya saka ngumuso.

“Tse! Maglaba ka na sabi e!” paasik kong sabi sabay tulak sa kanya.

“Rica ano ‘yon?” tumuro siya sa gawing kaliwa ko kaya naman napatingin ako.

“Asan? Wala nam—”

“Huli ka! One point for Andrew! Haha!”

Pisti! Nakanakaw pa! naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Paano ba naman, paglingon ko ulit sa kanya, labi niya ang sumalubong sa labi ko! Pisti! Para paraan!!!

Ngising ngisi siyang bumalik sa pagbabanlaw habang ako naman ay nag iinit ang pisngi at maaaring mapula pa sa mansanas!

“Asaaaar! Tapusin mo ‘yan!” sigaw ko saka ko initsa sa kanya ‘yung twalyang ipinampunas ko sa kanya.

Padabog akong pumasok sa loob habang dinig ko ang paghalakhak niya. Napahawak ako sa labi ko ng wala sa loob. Asar! Litsi talaga! Kainis! Nag iinit talaga ang pisngi ko dahil sa ginawa niya! Pero hindi naman bago sa’kin ‘yon dahil madalas niya akong nakawan ng halik. Pero sa tuwing ginagawa niya ‘yon, di ko maiwasang makaramdam ng... ng... k-k-kilig. Shocks!

Aba’y tao lang din naman po ako at may damdamin din! Sino namang di kikiligin e kagwapong nilalang ng isang ‘yon! Matipuno, gwapo, yummy, hot—halos lahat na!

Kung tutuusin, tanga na ang tatanggi sa isang tulad niya. Edukadong tao at may kaya sa buhay, magino peor medyo bastos, maalaga at sweet pa! Plus pa na may itsura, all in one package ika nga!

Pero magkaganoon man, hindi ako pwedeng mahulog sa kanya. Hindi ako pwedeng tamaan ng bwisit na pana ni Kupido at mainlove sa kanya.

Bakit?

Dahil hindi ako ang nararapat sa kanya.

Kailangan niya ng taong makakapagpasaya sa kanya sa lahat ng oras. ‘Yung makakasama niya sa kahit saan, magkayakap tuwing tag-ulan, makakakulitan at makikipaghabulan sa dalampasigan, at makakasamang pagmamasdan ang mga bitwuin sa kalangitan tuwing gabi. In short, ‘yung taong makakasama niya... habang buhay.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon