“Basta. Finish your breakfast first.” Aniya.

Nagkibit balikat naman ako at itinuloy ang pagkain ko. Oh well, kahit saan basta mare-relax ako, pwede na.

Nang makatapos kumain at makapaghugas ng pinggan ay agad akong umakyat sa kwarto ko at naghanda ng damit. Tapos nagtuloy ako sa banyo at naligo. Pagkatapos ko, siya naman.

“Tara na?” nakangiting aya niya nang matapos akong mag ayos. Simpleng jeans at t-shirt lang ang porma ko saka rubber shoes. Siya naman, short pants at blue na shirt saka sandals.

“Tara.” Sagot ko sa kanya saka lumabas ng bahay. Sumakay kami ng kotse niya saka nagdrive paalis. Good thing kahit apartment lang ang tinutuluyan ko, e, malawak kahit paano ang bakuran kaya may space para sa kotse niya.

Anim na pinto ang apartment na inuupahan ko at kapit-bahay ko nga ang mga baklang naglalaway dito kay Andrew. In all fairness  naman nga kasi, pinagkalooban ang isang ‘to. ‘Yung tipong maganda ang katawan pero hindi sobra. ‘Yung tama lang. Plus the fact na may ‘face value’ pa siya. Kaya todo pa-cute sa kanya ang mga halamang dagat na ‘yon. Pero deadma naman siya. Kaya tuwang tuwa akong takamin sila kasi hanggang tingin lang sila. Haha!

“We’re here.” Aniya kaya agad napatingin ako sa paligid at doon ko na-realize kung nasaan kami.

“Sa park?” takang tanong ko.

“Yup! Mukha kasing sobrang stressed ka na at kailangan mong makalanghap ng sariwang hangin” nakangiting sabi niya saka lumabas ng kotse at pinagbuksan ako.

“Di ko alam na napapadpad ang isang tulad mo dito.” nakangiting sabi ko saka lumabas ng kotse niya.

“Bakit? Saan mo ba ako sa tingin mo nagpupunta?” tanong naman niya at sabay na naglakad kami sa park.

“Hmm... tambay sa mga bar, hanap ng chix, tambay with barkada? Mga ganun.” Kibit balikat ko naman. Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

“Really, Rica? Ganoong klase ako sa tingin mo?” natatawang tanong niya saka ipinasok sa magkabilang bulsa ang mga kamay.

“Sad to say pero ganoon nga ang tingin ko sayo.”

Naglakad lakad pa kami sa park at doon ay nakakasalubong kami ng iba’t ibang tao. May nagjo-jogging, nagba-bike, namamasyal, nagp-PDA at marami pang iba. Habang naglalakad lakad nga kami e panay ang turo at pagpuri ko sa mga babaeng nakakasalubong namin na sa tingin ko ay maganda. Sa tuwing itatanong ko ung anong say niya e dedeadmahin niya lang ako at lilingon sa iba habang nakapamulsa ang mga kamay.

“Head turner ka talaga, Andrew. Pati mga may kasamang babae napapalingon say—”

“Cut the crap out, Rica. You know I’m not interested.” Seryosong sabi niya na may bahid ng inis. Mas nilakihan din niya ang mga hakbang niya kaya naiwan niya ako sa likod niya. Sungit mode na naman ang lolo niyo! Ayaw na ayaw niya talaga ‘yung parang ipinagtutulakan at ipinagtatabuyan ko siya sa iba. Parang pakiramdam daw niya, isang bagay lang ang turing ko sa kanya.

Kung alam lang niya.

Nakita ko siyang umupo sa isang bench sa ilalim ng puno. Sumunod ako at tumabi sa kanya. Tss. Hashtag silent mode.  Nanatili siyang tahimik, maya maya’y bumuntong hininga.

“I-I’m... sorry.” Halos pabulong na sabi niya. Napalingon ako sa gawi niya at takang tiningnan siya. “Alam mo naman ayaw kong inirereto mo ako sa iba, ‘di ba? di naman kasi de remote control ang nararamdaman ko. Na parang tv na pwedeng ilipat ang channel. Loyal ako sa mother network at nag iisang channel ng buhay ko. Alam mo na kung sinong tinutukoy ko.” Aniya saka tumingin sa’kin ng diretso sa mata. Nailing naman ako at agad nagbaba ng tingin dahil hindi ko kaya ang sinseridad at lungkot na ipinapakita ng mga mata niya.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon