Isang linggo na ang nakalilipas simula nung pinatay ni Mela ang kanyang sarili. Kalat na kalat ang balita sa buong bansa. Sari-sari ding mga reaksyon at opinyon ang mga narinig niya sa kanyang kapwa tao.

Dahil kilala bilang isang sakim na tao si Mela, karamihan sa mga tao ay pabor sa pagkakamatay ng ginang. Malamang ay natakot daw ito sa mga problemang haharapin niya kapag nakulong siya. O di kaya ay nandidiri daw sa uri ng kapaligirang titirhan nito. Ang iba pa nga'y ginawang katatawanan ang pagkakamatay niya.

"Well, ano pa bang magagawa ko? It already happened. Namatay ka na, wala na akong magagawa pa." Pagpapatuloy ng mayor at kinuha ang isang plastik ng mga bulaklak sa kanyang maleta. Inilapag niya ito sa puntod ni Mela at tsaka niya ito pinagmasdan.

Napa-buntong hininga na lamang siya habang pinagmamasdan ang naka-ukit na pangalan ni Mela sa kanyang puntod.

Maraming tao rin kasi ang nagtatanong sa kanya kung bakit daw niya pinakasalan ang isang sakim na gaya ni Mela. Hindi daw ito karapat-dapat na maging kabiyak ng kanyang dibdib dahil sa kasakimang taglay nito. Maraming tao pa naman ang pwede niyang pakasalan, kaya bakit si Mela pa daw ang kanyang pinili.

Hindi naman kasi sila nagpakasal dahil sa meron silang nararamdamang pagmamahalan sa isa't-isa. Nagpakasal lamang sila dahil nakapagkasunduan ito ng kanilang mga magulang.

Wala silang nararamdaman para sa isa't-isa nung mga panahon na 'yon. Ngunit ano pa bang magagawa nila? Mahigpit ang kanilang magulang, kaya wala silang nagawa kundi sundin na lamang ang kagustuhan nito.

Nung hindi pa sila nagpapakasal, hindi naman isang sakim na tao si Mela. Mabait ito, mapangumbaba, at hindi makasarili. Kahit kailan wala itong ginagawang masama nung hindi sila nagsasama.

Pero nung nagpakasal sila, doon na nag-umpisang magbago ang lahat.

Naging pala-utos na si Mela sa kanilang mga kasambahay. At nagagalit na lamang kapag hindi niya nakukuha ang mga kagustuhan niya.

Nag-umpisa na rin itong mandiri, manlait sa mga mababang uri ng mga taong nakakasalubong niya. Pati ang kaartehan ay nakuha na rin niya. Naging mayabang na nga rin ito sa hindi malamang dahilan.

Nung una, kahit na naiirita na siya dahil sa pag-uugali nito, ay hindi niya lamang pinapansin 'yon. Iniisip na lamang niya na sinusulit lamang ni Mela ang pagiging yayamanin nila.

Hanggang sa dumating ang araw na umalis siya at ibinigay niya ang kanyang tungkulin bilang tagapamahala ng Marawi kay Mela. Akala niya ay magiging maganda ang kalalabasan ng lahat, ngunit laking gulat na lamang niya nang bumungad sa kanya ang maraming pulis sa kanyang tahanan. At dahil 'yon sa kasamaang pinaggagawa ng sakim niyang asawa.

Inaamin niya, kahit na wala pa rin siyang nararamdamang pagmamahal sa ginang sa nakalipas na panahon, ay naging parte na rin ito ng kanyang buhay. Kaya kahit na isang malaking kasalanan ang nagawa ni Mela sa kanya pati sa Marawi, hindi siya nagtanim ng sama ng loob dito.

"Siguro Mela, kaya mo pinatay ang iyong sarili, ay dahil ito sa pagsisisi? Siguro ay napagtanto mo na ang lahat ng iyong mga nagawa kaya't nagising ka na sa katotohanan. Nakita mo na na rin sa wakas ang lahat ng mga kasamaang ginawa mo. Kaya ang ikinalabasan, pinatay mo ang iyong sarili upang matapos na ang lahat, upang mabilis nang maibangon ang bayang aking nasasakupan. Sana ay maying masaya ka sa naging desisyon mo, Mela." Kinuha na niya ang kanyang kandila at sinindihan. Inilagay niya ito sa puntod ni Mela at tumayo na mula sa pagkakaluhod.

Patuloy pa rin niya itong pinagmamasdan hanggang sa biglang tumunog ang kanyang telepono. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at napagtanto niya tinatawag siya ng kanyang tauhan. Agad naman niyang sinagot ang tawag.

Watty Writer's Guild Journal 2 Where stories live. Discover now