"Simon—"

Napahiyaw si Simon sa gulat nang marinig nito ang boses ni Bea na katabi na pala nito.

"Papatayin mo ba ako sa gulat?" Nahihintakutang wika ni Simon sa kapatid.

Sumagot si Bea na nakaharang sa ilong nito ang isang damit na napulot nito sa damuhan kanina.

"Ang baho naman niyan Simon." Ani Bea na hindi maaalis-alis sa mukha nito ang pagkadisgusto sa amoy. "Ano ba ang laman ng sako na 'yan at bakit ganyan ang amoy? Ang sakit sa ilong."

Bilang sagot ay nagpagpasyahan ni Simon na lumapit pa lalo sa sako para abutin ang buhol niyon. Magkahalong takot at kaba ang kanilang nararamdaman lalo pa at kakaiba sa talaga ang amoy na kanilang nalalanghap.

"Mag-iingat ka Simon. Baka kung ano na ang laman niyan." Nag-aalalang paalala pa ni Bea.

Tiniyak naman ni Simon na hindi makakagawa ng anumang ikapapahamak nito at sa huli ay nagawa nitong maalis nag mahigpit na pagkakabuhol sa sako.

Nagkatinginan pa sila ni Bea at nangungusap ang mga mata ni Simon na tila humihingi ng permiso sa kapatid kung bubuksan na ba nito ang sako.

Isang mabagal na pagtango naman ang naging tugon ni Bea.

Nag-aalangan man ay pinagtibay ni Simon ang loob nito saka nito tuluyang binuksan ang sako.

Napahiyaw silang dalawa sa sobrang takot. Nanlambot ang tuho ng magkapatid nang makita nila ang laman ng sako.

Isang bangkay!

Isang katawan ng babae ang laman ng sako!

Naliligo ito sa sarili nitong dugo at dilat pa ang mga mata. Mas lalo pang natakot at dinagsa ng kaba sina Simon at Bea dahil nakatutok ang tingin ng bangkay sa kanilang direksyon.

"S-Simon…'di ba…si Aling Yanna 'yan?"

Takot na takot na tumango si Simon habang pinagmamasdan nila ang bangkay ni Yanna na dilat ang matang nakatingin sa direksyon nila.

"S-Sino ang may gawa nito sa kanya?" Natatakot na dagdag pa ni Bea.

"H-Hindi ko alam. K-Kailangang malaman nina Nanay ito!" Hinawakan na ni Simon ang palapulsuhan ni Bea. "Halika na Bea." May pagmamadalibsa boses nito. "Umalis na tayo rito. Kailangan nating ibalita ito kay Nanay."

Gaya nga ng nais mangyari ni Simon ay sumunod sa kanya si Bea para bumalik sa kanilang Nanay at ipagbigay-alam ang kanilang natuklasan.

Ngunit sino ang taong walang pusong nasa likod ng pagpaslang kay Ginang Yanna?

* * *

"Wala bang nakakita sa biktima na meron siyang kasa-kasama bago mangyari ang krimen?" Tanong ng isang gwapong inspektor na si Glenn kina Bea at Simon habang ang ibang mga pulis ay nagtutulong-tulong sa pag-recover ng bangkay na kinilalang si Yanna Marasigan.

Marami na rin ang mga taong nakikiusyoso sa lugar kung saan naganap mag crime scene

Magkasabay na umiling ang magkapatid.

"Hindi po namin alam." Magkapanabayang sagot ng magkapatid habang nakahawak ang dalawa sa magkabilang kamay ni Shane na kanilang ina.

Kasa-kasama rin ng mga ito sina Danessa at Prezyl na halos hindi makapaniwala sa sinapit ng ginang habang pinagmamasdan mula sa pwesto ng mga ito ang pag-recover ng mga pulis sa bangkay.

"Eh kayo Misis? Kilala ba ninyo si Ginang Marasigan?"

"Nakasama na namin si Yanna sa evacuation center noong kasagsagan ng giyera. Mabait at mabuti siyang ina sa kanyang anak." Panimula ni Shane. "Palakaibigan din si Yanna kaya hindi rin inasahan itong nangyari sa kanya."

Sinundan pa ni Shane ng tingin ang bangkay ni Yanna na ngayon ay natatakluban na ng puting kumot habang ang mga pulis ay abala sa pagbubuhat ng stretcher kung saan foon nakahiga ang bangkay at maingat na ipinapasok sa loob nang malaking police car.

Nilukuban ng awa si Shane lalo na at sa isip-isip niya na isang mabuting tao ang ginang. Nanggigigil si Shane sa galit nang mga oras na iyon dahil apektado siya sa masalimuot na nangyari sa ginang. Hindi kasi makatarungan ang paraan ng pagkakapaslang sa ginang.

"Wala rin naman siyang nakakaalitan." Dagdag pa ni Shane. "Kaya nakakapagtaka na ganyan ang kanyang sinapit."

"Maaari ba akong makihalo sa inyong pag-uusap?" Sabad naman ni Anna nang tuluyan itong makalapit kay Glenn.

Pinaunlakan naman ni Glenn ang ginang.

"Sige ho Misis."

"Kakilala ko si Yanna. Sa katunayan biyuda na siya at namatay sa giyera ang kanyang asawa. Siya na lamang ang tumatayong ama't ina sa kanyang anak. Saka nakita ko siya noong isang araw na patungo sa truck kung saan ay pagmamay-ari nina Madam Mela."

"Ano naman ho ang ginawa roon ni Yanna?"

"Nalaman ko sa kanyang anak na sasadya raw si Yanna kina Madam Mela at magbabaka sakaling makahingi ng kaunting pagkain mula sa relief goods na pinabigay ng Pangulo. Hindi pa raw kasi kumakain ang bata pero dahil ilang araw nang hindi bumabalik sa kanila si Yanna, doon muna sa kapatid ni Yanna nakikain ang bata."

"'Yon lamang po ba ang inyong nalalaman?" Tanong pa ni Glenn nang matapos magsalaysay ang ginang.

Tumango si Anna. "Iyon lamang hijo. Maaari mo ring kausap siguro si Madam Mela. Baka alam niya kung sino pa ang nakasama ni Yanna para mahanap agad ang taong responsable sa kanyang pagkamatay."

Hindi rin naman nagtagal ay nagpaalam na si Anna kay Glenn.

Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Glenn. Habang napapakamot ang isang kamay nito sa pisngi.

"Mukhang mahihirapan ako sa kasong ito ah."

"Kung gusto mo Inspektor, tutulong ako sa 'yo sa paghahanap ng kriminal na may gawa nito kay Yanna." Malakas ang loob at determinado ang boses na prisinta ni Shane kay Glenn.

"Pero Nanay..." may pagtutol ang tinig ng mga anak ni Shane.

"Baka kayo naman ang mapahamak sa gagawin niyo." Nag-aalalang sabi ni Danessa sa ina.

"Tama si Danessa, Nanay." Pagsnag-ayon ni Prezyl sa kapatid. "Trabaho ng inspektor ang lutasin ang kasong ito. Hindi na kayo dapat sumama sa ganitong delikadong sitwasyon."

"Ayaw din namin ni Simon kayo ang sumunod kay Aling Yanna. Mahirap na nga tayo, nawalan na tayo ng mga ari-arian at hindi kami papayag na pati ikaw Nanay ay mawala rin sa amin." Malungkot na sabi naman ni Bea.

"Siguro ka ba sa iyong desisyon Ginang Alvaro? Gusto ko rin naman ang tulong na iyomg inaalok pero iniisip ko rin na tama ang mga sinabi ng iyong mga anak." Singit naman ni Glenn.

Tumango si Shane.

"Tutulungan ko kayo Inspektor."

Ang mga anak naman ni Shane ang hinarap nito.

"Maraming salamat mga anak sa inyong pag-aalala para sa akin. Kahit paano ay kababayan natin si Yanna at kahit hindi siya malapit sa atin ay nakita naman natin na mabuti siyang tao noong nasa evacuation center pa tayo. Gusto ko ring makatulong at mabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay at huwag kayong mag-alala, para inyo mag-iingat si Nanay."

Mapanganib man ang gagawin ni Shane ay nakahanda siyang sumugal. Alam ni Shane na hindi masamang tao si Yanna para paslangin nang ganoon. Nakakatiyak siya na maaaring mayroong nalalaman si Yanna. Isang lihim na hindi dapat malaman ninuman kung kaya't walang awa itong pinaslang. At aalamin niya kung sino ang taong nasa likod niyon.

Kinakailangang mayroong taong managot sa batas!

---  written by: Eljey_Olega (LovelyEljey)


Watty Writer's Guild Journal 2 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon