CHAPTER 33

5.5K 138 7
                                    


MAXINE'S POV

"Sigurado ka bang samama ka saakin ngayon?" tanong ko kay kyle 

Nandito kami ngayon sa bus dahil ngayon ang araw na pupunta kami sa love island at excited na akong may mangyari sa amin ni kyle---- este excited na akong ma-inlove si kyle sa akin 

Gagawin ko na talaga ang lahat para mahulog si kyle sa akin at sana lang hindi ako uuwing bokya at luhaan 

"Ayaw mo bang sumama ako sayo?" tanong niya saakin 

Haisst ang bobo mo talaga maxine, bakit mo pa kasi naisipang tanungin si kyle haisst baka hindi na siya sumama sa akin dahil baka nagalit siya saakin 

"Ayos lang naman kung ayaw mong sumama saakin dahil alam ko namang napilitan ka lang" sabi ko 

No please! Wag kang makinig saakin! Nagpapakipot lang naman ako kasi baka ma turn-off ka sa akin, kaya please sumama ka na 

"Hindi naman ako napilitan, dahil nandito ako dahil may sasabihin ako kay lexy" sagot niya at sumandal sa sandalan ng upuan ng bus 

"Kaya ka pala sumama saakin dahil gusto mong kausapin si lexy" sabi ko at pilit na ngumiti 

Parang may kumurot sa puso ko nang marinig ang sinabi ni kyle. Akala ko kasi sumama siya sa akin dahil gusto niyang makasama ako at ayaw niyang may kasama akong ibang lalaki kaya siya sumama sa akin pero mukhang umasa lang ulit ako sa wala 

Kasalanan ko naman kasi kung bakit ako palaging nasasaktan dahil umaasa akong may gusto din sa akin si kyle pero parang malabong mangyari yun, parang malabong magkagusto siya sa akin 

"Matutulog na muna ako, gisingin mo nalang ako kapag nakarating na tayo doon" sabi ko kay kyle at pumikit na 

Siguro itutulog ko nalang ang sakit na nararamdaman ko ngayon at aasang sa paggising ko magkakagusto narin si kyle sa akin 

KYLE'S POV 

Hinawakan ko ang pisngi ni maxine at isinandal ang ulo niya sa balikat ko para mas maging komportable siya sa pagtulog niya 

Himbing na himbing siyang natutulog ngayon dahil alam kong napagod siya kahapon dahil tinapos niya pa ang lahat ng projects at assignment niya dahil gusto niya talagang pumunta sa love island 

Alam kong nasaktan siya dahil sa sinabi ko kanina pero ang totoo sumama ako dahil ayaw kong may ibang lalaking lalapit kay maxine. Hindi totoong may sasabihin ako kay lexy pero nagsinungaling lang ako sa kanya dahil baka mahalata niyang may gusto ko sa kanya at gusto ko siyang makasama 

Nagulat ako nang biglang lumapit si lance sa akin "sino ba ang partner ni maxine?" tanong niya 

Alam kong may balak siyang masama kay maxine kaya kailangan ko talagang bantayan at ilayo si maxine sa mga taong tulad niya "Ako, bakit anong problema?" tanong ko at hinawakan ang kamay ni maxine 

"Wa-wala ,akala ko kasi wala siyang kasama" sagot ni lance at umalis din agad 

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo" bulong ko at hinalikan ang kamay ni maxine 

"Mahal kita at sana mapatawad mo ako dahil palagi kitang sinasaktan" sabi ko at hinalikan ang noo niya 

Sigurado ito na ang tamang panahon para sabihin ang totoo kay maxine. Sasabihin ko nang hindi ako bakla at sasabihin kong mahal na mahal ko siya 

That gay is mine - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon