CHAPTER 46

3.8K 95 25
                                    


MAXINE'S POV

Napamulat ako ng mata nang maramdaman kong bumangon si kyle. Kinusot ko ang mga mata ko at umupo sa kama

"Saan ka pupunta?" tanong ko

"Hinanahanap ako ni camille"

"Masyado pang maaga" sabi ko "Matanda na siya, kaya niya naman sigurong alagaan ang sarili niya"

"Yeah pero tinawagan ako ng mommy niya at sinabing bantayan ko daw si camille"

"Okay, bantayan mo siya" sarkastikong sabi ko

Itinirik ko ang mga mata ko nang marinig kong sumigaw si camille sa kabilang kwarto. Agad namang umalis si kyle at pinuntahan si camille. Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod kay kyle. Ano na naman kaya ang kaartihan niya?

"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ni kyle

Niyakap niya si kyle "Natatakot ako kyle, baka balikan ako ng lalaking nambastos sa akin kanina"

"Wag ka nang matakot, nandito lang ako" sabi ni kyle

Maniniwala na sana ako sa acting ni camille pero biglang tumaas ang isang kilay ko nang tumingin siya sa akin at nginisihan ako. Ang galing ng acting niya ha, muntik niya na akong mapaniwala

"Kukuha lang ako ng tubig" paalam ni kyle at umalis sa kwarto

"So...." tumaas ang isang kilay ko "Ang galing ng acting mo ha"

Ngumisi siya "Nagustuhan mo ba? Hindi ko pa binigay ang best ko 'don pero naniwala agad si kyle"

"Nakakawa ka naman, gagawin ang lahat para makuha yung taong kahit kailan ay hindi mo makukuha" tinapangan ko ang boses ko

"Kung hindi ko siya makukuha, bakit natatakot ka?" naka ngisi parin siya

Natigilan ako sa sinabi niya. Totoo nga, natatakot ako. Nakita ko kung paano mag-alala sa kanya si kyle at natatakot ako na baka mahulog ulit sa kanya si kyle

"Mas mabuti pang kalimutan mo nalang siya ng maaga para hindi ganoon kasakit"

"Hindi mangyayari yun" naiinis na sabi ko at umalis sa kwarto niya

Nakita ko si kyle sa kusina na busy sa paghahanda ng pagkain. Mukhang hindi niya yata ako napansin na lumabas ng kwarto kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuram. Agad naman siyang humarap sa akin at niyakap din ako

"Mag date tayo ngayon, pwede ba?" paglalambing ko sa kanya "Sabi mo kagabi na lalabas tayo ngayon"

"Sure"

Bigla akong napangisi nang may maisip akong ideya "Sabay kaya tayong maligo?"

Pinisil niya ang pinsgi ko "Alam ko ang iniisip mo"

"Hindi noh, gusto ko lang makatipid ng tubig" inosensteng sabi ko

Akmang magsasalita na sana si kyle nang biglang lumbas si camille na umiiyak. Here she goes again. Ang asungot na si camille at ang kanyang pang famas na acting award

"Maligo ka na, susunod ako" sabi ni kyle at hinalikan ang noo ko

"Okay"

Tinignan ko si camille at nginitian siya "Take care of yourself, baby camille"

Nilampasan ko siya at pumasok sa kwarto ni kyle. Nakangiti akong naligo at namili ng damit na susuotin ko. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay lumabas ako ng kwarto at agad ko namang nakita si camille at kyle na nakaupo sa sifa

"You look so pretty honey" lumapit si kyle sa akin at hinalikan ang pisngi ko

"Bakit hindi ka pa naliligo?" Ngumuso ako "Hindi ba tayo lalabas ngayon?"

"Sumakit kasi ang ulo ni camille" ginulo niya ang buhok niya "Pwedeng mauna ka nalang? Susunod talaga ako, promise"

Sinamaan ko ng tingin si camille. Alam kong isa na naman ito sa acting ni camille. Pukpukin ko kaya ang ulo niya para totoong sumakit ang ulo ng bruhildang yan

"Sabay nalang tayo" sabi ko "Baka ma bored lang ako don"

"Uhm.." tumingin siya kay camille "Pwede bang maiwan ka muna saglit dito?"

Umasim ang mukha ni camille. Halatang hindi gusto ang sinabi ni kyle

"Okay"

Ngumiti siya sa akin "Maliligo lang ako, hintayin mo ako dito"

Papasok na sana si kyle sa kwarto niya pero biglang umiyak si camille at hinawakan ang ulo niya. Nakita ko namang kinabahan si kyle at agad na lumapit kay camille

"Anong nangyari sayo?" tanong ni kyle

Niyakap ni camille si kyle "Aray! Sumasakit na naman ang ulo ko"

"Gusto mong pumunta tayo sa hospital?"

"Ayaw ko sa hospital" umiiyak parin si camille

Itinirik ko ang mga mata ko. Ang galing niyang umacting ha. Putulin ko nalang kaya ang ulo niya para hindi na ito sumakit. Umupo nalang muna ako sa sofa at hinintay na tumigil si camille sa pag-iyak

"Maxine" tinignan ako ni kyle "Mauna ka nalang, susunod ako. Patutulugin ko lang si camille"

Kahit na labag sa loob ko ay pumayag nalang ako. Kinuha ko ang cellphone ko at padabog na umalis sa condo ni kyle. Sumakay ako ng kotse ko at pumunta sa mall. Pumasok muna ako sa isa mga boutique at namili ng bibilhin ko. Nasa kalagitnaan ako nang pamimili ng damit nang tumog ang cellphone ko

'Hintayin mo ako sa labas ng mall para madali kitang makita'

Napangiti ako nang mabasa ang text ni kyle. Lumabas ako ng botique at hinintay si kyle sa labas ng mall. Bakit kaya dito niya naisipang paghintayin ako? Pero kahit na mainit ay naghintay parin ako kay kyke

9:30 am

Siguro na-traffic lang siya

10:30 am

Baka may binili lang siya para sa akin

12:00 am

Tinext ko si kyle pero hindi siya nag reply

2:00 pm

"Kanina ka pa dyan maam, hindi ka pa napapagod?" tanong sa akin ng guard

Hindi ko alam na kanina pa pala siya nakatingin sa akin "Hindi pa naman masyado manong"

"Baka gusto niyo pong magpahinga maam"

"Wag na manong" naka ngiting sagot ko

3:15 pm

Hindi naman siguro niya ako  nakalimutan diba? Darating siya diba

4:00 pm

Hindi ko parin siya nakita. Saan na ba siya?

5: 45 pm

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Sumakay na ako ng kotse ko at pumunta sa condo ni kyle. Pumasok ako sa condo niya at dumiretso sa kwarto nito. Handa na akong bulyawan si kyle sa hindi niya pagsipot sa akin pero parang nanigas ang buong katawan ko nang makita  ko si camille at kyle na naghahalikan

Totoo ba ang nakikita ko?

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, kasabay 'non ang pagsikip ng dibdib ko. Ayaw kong maniwala pero hindi ako pwedeng linlangin ng mga mata ko. Tahimik akong lumabas ng kwarto niya at humihikbing lumayo sa kwarto niya

I can't believe. I just lost to camille. Just like that, hindi ko na pagmamay-ari si kyle. Totoo ang sinabi niya, sana kinalimutan ko nalang si kyle ng maaga para hindi ganito kasakit. Puta, parang binibiyak ang puso ko sa sakit

Nagusutuhan niyo ba ang surprise ko sa inyo?😂

That gay is mine - CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora