MAXINE'S POV
Nagising ako dahil sa mabangong amoy ng pagkain. Agad naman akong bumangon at pumunta sa kusina. Nakita ko naman si kyle na nagluluto ng adobo
"My favorite" sabi ko at niyakap siya mula sa likuran niya
"Malapit na itong maluto" sagot niya
Tumango nalang ako at inamoy ang batok niya. Bakit mabango parin siya kahit hindi pa siya naliligo? Hinalikan ko ang batok niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya
"Bakit ang bango mo?" hindi ko mapagilang tanong ko sa kanya
"Wag mong panggigilan ang batok ko" natatawang sabi niya
"Sobrang bango kasi ng batok ng baby ko"
Humarap naman siya sa akin at hinalikan ako "Hmm"
Napahawak ako sa bewang niya nang magsimula nang gumalaw ang labi niya. Agad naman akong tumugon sa halik niya
"Hindi pa ako nag-to-toothbrush" sabi ko at humiwalay sa kanya
"I don't care"
Akmang hahalikan niya na sana ako pero tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko
"Maliligo muna ako, okay?" sabi ko
Dinilaan niya ang kamay ko "Mabango ka parin naman kahit hindi ka naliligo"
"Pero gusto ko nang kumain" sabi ko at hinalikanan ang leeg niya
"Okay, umupo ka na" naka ngiting sabi niya
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Busy siya sa paghahanda ng pagkain habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay umupo na siya sa tabi ko
"Kumain ka na" sabi niya
Tumnago naman ako at nagsimulang kumain. Mukhang tataba yata ako kung si kyle ang mapapangasawa ko
"Pwede bang mag date tayo mamaya?" tanong ko
Umiling siya "Hindi pwede, may gagawin kasi akong importante"
"Ano naman yun?" Mas importante pa ba yun kesa sa akin?
Nakita ko ang sunod sunod na paglunok na ginawa niya. Halatang may tinatago siya sa akin at Halatang kinakabahan rin siya
"Magkikita kasi kami ngayon ng classmate ko dati" sagot niya
"Okay, mag-ingat ka" I trust kyle and his words
"Maliligo lang muna ako" paalam niya at hinalikan ang pisngi ko
Bakit kaya nagmamadali siya?
Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan ang mga pinggan. Pagkatapos kong maglinis ay pumunta ako sa sala at nadatnan si kyle na inaayos ang buhok niya
"Hindi ba talaga tayo pwedeng mag date ngayon?" wala kasi akong magawa dito sa condo niya
"Busy kasi talaga ako ngayon" lumapit siya sa akin at niyakap ako
"Bukas? Hindi ka na ba busy?"
"Busy parin ako"
Napanguso ako "Bakit ba palagi ka nalang busy?"
"May pinaghahandaan kasi ako. You trust me right?"
Tumango ako "Oo naman"
"Good girl" sabi niya at hinalikan ang labi ko "Aalis na ako"
Napaupo nalang ako sa sofa nang makaalis na si kyle. Mukhang matutulog na naman ako buong araw kasi wala na naman si kyle. Pupunta na sana ako sa kwarto nang biglang lumitaw si Jane sa harapan ko
YOU ARE READING
That gay is mine - Completed
RomanceHer pov Nakita ko si Kyle na naka upo sa mga isa sa mga bench habang nagbabasa ng libro "Hi babe" sabi ko at umupo sa lap niya Nakita kong nag iba ang expression ng mukha niya "umalis ka nga girl hindi tayo talo noh" maarteng sabi niya Ang arte tal...