Kabanata 38

77.6K 1.9K 65
                                    

Tinignan ko isa-isa ang mga mukha nila Radella, Iris, at Belle sa harap ko. Lahat sila naghihintay na magsalita ako. Hindi ko naman alam kung paano sisimulan. Pagkatapos ng usapan namin ni Eros, pinalayas nila lahat ng lalaki at sinabing bumalik nalang kapag may natanggap na silang text na nagsasabing pwede na silang bumalik.


"So? Magkwento ka na!" Excited na sabi ni Belle habang hindi naman kumikibo si Rad at si Iris. Kanina pa sila ganyan. Nag iirapan at masama ang tingin sa isa't-isa. They just really hate each other's guts.



"Uhm.. sinabi na sa akin ni Eros lahat ng nangyari." Napakamot ako sa ulo ko.



"And?"



"He told me he loves me?" Alanganin ang pagsasabi ko dahil hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina.


"Yes!" Radella clapped her hands while I heard Iris groaned while rolling her eyes.


"Sabi na eh, hindi dapat ako pumayag na makulong sa kwarto na yon! You cannot just believe him Psyche! He pushed you away. Too many times, di ba?" Inis na sabi ni Iris.


"Hey! He did that for Psyche's sake! Hindi naman niya gagawin iyon kung hindi nakealam ang ama niya." Radella said in Eros' defense.


"And that's another problem. Ang complicated ng magiging life mo with Eros." Agad na sagot ni Iris. "But with Franco—"



"Wag mong isingit yang bestfriend mong bakla!" Tumingin ako kay Belle upang humingi ng tulong para awatin ang dalawa na mukhang ilang sandali na lang ay maghihilahan na ng buhok. Pero nakangiti lang siya habang pinapanood ang dalawa na magbangayan.



"Kailangan natin ng pop corn." Pabiro niyang bulong sa akin.



"Franco is not gay! Lalaking lalaki siya! Ilang babae na ang pwedeng magpatunay non." Tumawa ng mapakla si Radella.



"Eros is not someone who plays with girls. If only alam mo kung paano magmahal si Eros. Hindi siya babaero, unlike your gay friend!"


"Belle awatin mo sila." Pakiusap ko dahil mukhang wala siyang balak na awatin sina Iris at Rad. Natatakot kasi ako na baka magkasakitan yung dalawa. Belle sighed.



"Girls. Sandali! Sandali!" Lahat kami napatingin kay Belle ng magsalita siya. "Pwede bang kumuha muna kami ni Psyche ng chichirya para naman may kinakain kami habang pinapanood kayong dalawa diyan na mag debate?"



Parehas silang tumingin ng masama kay Belle na pinagtawanan lang sila.



"Bakit ba kayo ang nag aaway diyan? In the first place, it's not you who'll choose between those two hunkies." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Ikaw Psyche? Ganda mo ah. Two confessions in one night. May record ba sa guinesss para diyan?"




"Belle." Iris warned. Belle just rolled her eyes.



"You see Franco is a good guy, but—" Agad na singit niya at tinignan si Radella nang muntik na itong magsalita. "Based on what I heard, and so is Eros. So it's up to this friend of ours. Payche, you're heart will only be the one to choose."



"But she haven't spend that much time with Franco yet!"



"So that's why she has to choose Eros. Kilalang kilala na niya si Eros at may anak na sila." Radella said a matter of factly.


"Franco has no problem with her having kids. He accepts her. Flaws and all." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Iris.



"That's dumb. She's a great mom and that's what Eros loved about her. Hindi flaw ang pagiging single mom." Natigil si Iris dahil sa mga sinabi ni Rad.



Kahit ako ay nasaktan ng dahil sa mga sinabi niya. I've made stupid decisions in my life but never did I consider my kids as my flaw. I'd like to think of them as my strength. Sila ang dahilan kung bakit ako bumabangon sa araw-araw.



"I'm sorry, Psyche." She sighed and touched her forehead. "It's just that.. ayaw na kitang makitang nasasaktan. I want you to end up with someone who'll take care of you.. not push you away."



Alam ko naman na kapakanan ko lang ang iniisip nila kaya sila nagkakaganyan. Pero tama si Belle, ako lang ang pwedeng magpasya kung sino ang taong makapag papasaya sa akin.


"Alam ko naman kung bakit kayong dalawa nagkakaganyan at nagpapasalamat ako. Alam kong mahal niyo lang ako kaya kayo nagkakaganyan. Pero ngayon, gusto ko sanang mahalin muna ang sarili ko." Both their faces softened at what I said. "All my life, I'm so focused on making the people I love happy. So right now, I want to focus on myself and my twins."



Walang nagsalita kahit isa sa kanila. Belle smiled at me.


"But if we will ask you, sino nga ba?" Belle asked. I looked at their faces and they all looked expectant. Yumuko ako at tumingin sa mga kamay ko.


I held my chest and remembered those two faces. Si Franco at ang pilyo niyang ngiti kapag nang aasar sa akin. Napangiti ako. There was never a dull moment whenever I'm with him, he makes me feel my youth.

Then an image of Eros popped inside my head. The way he took care of me and the twins. The way he cared for me. Seryosong tao si Eros, hindi siya yung klase na mahilig makipag biruan pero... alam ko at ramdam ko yung pagmamahal niya kapag inaalagaan niya ako at ang kambal. I can feel his love and gentleness beneath those serious face. Yun din siguro ang dahilan kung bakit minahal ko siya ng sobra. Kung bakit handa akong ipaglaban siya sa kahit ano.



Si Eros noon... at si Eros parin ang nasa puso ko hanggang ngayon.



I looked at the faces in front of me. All expecting an answer pero alam ko na sa loob-loob nila. Alam na nila kung sino ang laman ng puso ko. Ngumiti ako sa kanila.


"Alam niyo naman kung sino talaga ang mahal ko." I heard Iris groaned. Radella let out a deep breath, and Belle laughed out loud.



"Just be happy Psyche. Whoever you choose, nandito lang kami para sayo." Niyakap ako ni Belle at sumunod naman si Rad. Tumingin kami kay Iris, umiling siya pagkatapos ay yumakap sa akin.


"But you still know who I'm rooting for." We all laughed at her.

One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon