Kabanata 14

79.7K 2.4K 101
                                    

Kabanata 14



Birthday na nung kambal. At first, Eros wanted to hire an event organizer for the birthday but I told him that I wanted to be hands-on for the twins' celebration at sobrang konti lang ng bisita. Family lang. Ayaw pa niyang pumayag nung una but of course I used my charm on him at pumayag naman siya. Ganon ako kaganda.

Simple lang ang ginawa kong designs but I was satisfied because it was exactly what I wanted. I just used white and a touch of gold decorations for the celebration to blend for a greek myth theme. Pinapanindigan ko na because we are a family with names from gods and goddesses and I'm quite proud. I looked at the sky, it's also a bright sunny day today. This day would be great. I can tell.

"I have to say," Saad ni Eros papasok sa may kitchen. "You really have a talent in designing."

"Kaw lang eh. Wala kang bilib sakin." I grinned at him as I chopped the meats.

"Meron. Kaya nga ako pumayag." Mas lumapit pa siya sa akin at tinignan ang ginagawa ko. "What are you cooking?"

"Ah mga simpleng luto lang. Kaldereta, Menudo.. basta yung mga pang handa kapag fiesta. Gusto ko kasi lutong bahay lang para at home sila sa party. Saka paborito ni Sofia at Idan ang mga ganitong luto ko."

"You'll be a good wife someday." Oo! I will ba a good wife to you, kaya mag propose ka na! Ngumiti nalang ako sa kanya. He smiled at me too and gosh he's so handsome when he doesn't hold back his smile.

"Sinong mga bisita mo ang darating?" Ang alam ko kasi kami-kami lang naman since wala namang masiyadong nakakaalam tungkol sa kambal. Nakita ko din kung gaano nalungkot ang mata ni Eros nang mapag usapan namin ang bagay na yon. Sa ngayon kasi may kanya-kanya kaming rason at kahit hindi ko pa alam ang rason niya okay lang.

"Just Ethos and Radella." Nagulat pa ako ng banggitin niya ang pangalan ni Radella. So she knows about us, no wonder she keeps on staring daggers at me.

"Walang other family members?" Nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Kasi ako ininbitahan ko sila papa, hindi ko nga lang alam kung makakarating si mama pero sabi ni papa sasama din daw sina Kuya.

"No." He smiled pero hindi iyon umabot sa mga mata niya. Nakatingin lang din siya sa may bintana. So even his family members do not know about the twins. I was a little hurt pero hindi naman ako makakareklamo dahil kahit ako itinatago ko na may anak ako. Besides, when the right time comes I'll shout to the world how proud I am to have them. Darating din ang panahon na ipapaalam at ipagmamalaki ko sa lahat ang tungkol sa mga anak ko.


"Kumusta ang pagbubuntis?" I asked Sofia na ngayon ay may maliit nang umbok sa tiyan. "Masiyado mo naman yata pinahihirapan si Idan tignan mo oh haggard masiyado. Ano pare kaya pa?"


"Mabuti ka pa nung nagbuntis ka walang nagpapasakit ng ulo ko. Palagi akong inis dito sa taong to lahat ng bagay na ginagawa nakaka irita." Napakamot naman sa ulo si Idan kaya natawa ako.

"Don't be too hard on him. Mabuti ka may asawa ka na aalalay sayo. Mahirap magbuntis ng walang kasama. I was alone when I got pregnant so I have to do everything by myself. Simula sa pagkuha ng pagkain na pinaglilihian ko, pagpunta sa gyne buwan-buwan at hanggang sa paghanap ng taxi papunta sa hospital nang maglabor ako." I smiled as I recall those memories. Yung mga mahihirap na panahon na yon na halos sumuko na ako pero mabuti nalang at kinaya ko, hindi sana ako masaya ngayon kasama ang kambal.

"You are really brave Psyche." Hinawakan ako ni Idan sa braso at ngumiti naman sa akin si Psyche. Nakarinig ako ng tikihim sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko nga si Eros na nakatayo sa may bukana ng pinto.

"Oh Eros nandiyan ka pala." He nodded his head to Idan and she kissed Sofia on the cheek. Nakita ko rin ang saglit na pagtitig niya sa tiyan ni Sofia. Ano kaya ang iniisip niya? Iniisip kaya niya na siya dapat ang nasa tabi ni Sofia at hindi si Idan? Just the thought of it makes my heart ache.

The party started and it was fun. Dunating na din sina papa at ang mga kuya ko. Nalungkot ako nang hindi dumating si mama, kahit papano kasi mahal ko si mama at alam kong balang araw matatanggap niya din ang tungkol sa mga anak ko. Dumating na din si Ethos at nakikulit sa kambal na halos ayaw na niyang bitawan. It was just a small get together with the people I cherish the most. Looking at them smiling and laughing like that makes me feel so contented.

"Am I late?" Lumingon ako paglabas ko ng cr at tumingin sa babae na ngayon ay nakatayo at may hawak na dalawang paper bags. Natigilan pa ako ng makita si Radella and she just raised a brow at me. Nakasoot siya ng bestida na humuhubog sa katawan niya at sasabihin kong ang ganda at sexy talaga niya. "What?"

"U-uhm wala naman. Tara nandoon sila sa garden." Tinignan niya lang ako pero agad ding naglakad papunta sa garden. Nauna siyang maglakad at ako ang nasa likod niya. There's something about him that's dominating.

"Rad! You're here!" Gulat na sabi ni Ethos.

"Of course I am." Nalipat ang tingin niya kay Artemis na karga ni Ethos. She stared at the baby who suddenly smiled at her. Napansin ko ang panandaliang pagkagulat sa mukha niya. Ethos smirked. I looked around and I saw Apollo with Kuya Warren.

"She's cute right?"

"She is cute, but I hate the fact that she's Eros' kid and I'm not the mother." Lumingon pa siya sa akin at napayuko naman ako. Bakit ba naiintimidate ako sa babaeng to? Hindi ko naman kagustuhan na buntisin ako ni Eros. Siya ang nagbuntis sa akin.

"Don't be so bitter about it Rad. Here hold her." Wala nang nagawa si Radella nang ibigay sa kanya ni Ethos si Artemis. Nakabantay lang ako dahil baka mamaya itapon niya palabas ng bahay si Artemis.

"Don't be so tensed. I won't do anything." She said as she rolled her eyes at me.


"Rad," Sabay kaming lumingon kay Eros na may dalang bote ng beer, kainuman niya kasi sina papa at kuya kanina. "Buti nakarating ka. Gusto mo bang kumain na muna?"

"Sure." She handed Artemis to Ethos again at magkasama na silang naglakad papunta sa lamesa na may nakahandang pagkain.

"Are you jealous?" Tanong ni Ethos pero hundi siya nakatingin sa akin kundi kay Artemis.

"Bakit naman ako magseselos?"

"Baka lang kasi may gusto ka na sa kapatid ko." He looked at me and smirked. "Wala pa ba?"

My face heated up by his question. Gosh, palagi akong mabubuking kapag ganito ang reaction ko everytime someone ask me about Eros.

"Ahhh.." His smirk became a mischievous grin.

"H-hoy anong iniisip mo? Wala noh.. wala ako g gusto kay Eros." Naagaw ang attention ko nang tumawa si Radella ng malakas at hinampas ang braso ni Eros. Napakunot ang noo ko. Ano nanaman ba ang nakakatawa? At bakit palagi siyang tsumatsansing kay Eros sa pasimpleng hampas sa braso niya?

"I see." I looked at Ethos again na ngayon ay tumango tango. "Oo nga Artemis. Wala ngang gusto ang mommy mo sa daddy mo. Kitang kita naman natin di ba? Halata naman na wala."

One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon