"I don't mind..." sagot ni Nicole bago yumakap dito pabalik. "Gusto ko na ngang i-glue 'yung mga labi natin para hindi na mahiwalay pa." nakangising wika nito bago tiningala ang binata.

Maagap naman itong hinalikan ni Josh sa tungki ng ilong sabay sabing, "You can have my lips anytime you want, baby. But, let's meet my parents first, sigurado akong ready na ang dinner natin." malambing na sambit ng binata bago tinapik ang ilong ni Nicole, gamit ang kanyang kanang hintuturo.

"Okay po..." anito bago ngumiwi.

"Let's go." masiglang saad ni Josh bago hinila ang kamay ng dalaga, papasok sa kanilang tahanan.

Agad silang dumiretso sa dining table, kung saan nakahain ang iba't ibang putaheng inihanda ng Ina ni Josh.

"Mom!" sigaw ng binata habang hindi pa rin binibitawan ang kamay ng dalaga.

Napabaling naman ang magkasintahan sa bukana ng dirty kitchen, nang bumungad doon ang Ina ni Josh kasunod ang isang kasambahay bitbit ang isang putahe.

"Hello baby boy..." bati ni Mommy Sonia saka hinagkan ang anak nito.

"Mom, don't call me baby... Nakakahiya kay Nicole." pabulong na sambit ng binata, bago yumapos na rin sa kanyang Ina.

"I'm so sorry, baby boy..." pabulong na saad ni Mommy Sonia bago humiwalay dito. "Hi there Nicole, nice to see you again." bati nito bago bumeso sa dalaga.

"G-good evening po, Tita." nahihiyang saad ni Nicole, saka bumeso rin dito.

Nakita naman agad ni Mommy Sonia ang pagkailang nito, kaya't mabilis niya itong hinawakan sa kaliwang braso sabay sabing, "Hija, you're shaking... Relax." pag-aalo nito sa dalaga.

"Pasensya na po kayo, Tita. Kinakabahan po kasi talaga ako." nahihiyang pahayag pa ni Nicole rito.

"Oh! Silly dear... Wag kang kabahan. This is not your first time here, make yourself comfortable, hija." nakangiting saad nito sa dalaga.

Sasagot na sana si Nicole nang biglang napabaling sila bukana ng kusina, "Malcolm..." bati ni Daddy Benedict.

"Hey Dad..." ani Josh bago nag-bro hug sa kanyang Ama.

"Hello hija..." masiglang bati nito saka bumeso sa dalaga. "I'm glad that you two are together now. I thought my son will never have a guts to court you. Masyadong pilian ang isang ito eh." pambibiro ni Daddy Benedict, na ikinatawa ng lahat.

"Oh bueno, the food is ready... Let's grab a bite first mamaya na ang interview-han, Daddy." ani Mommy Sonia, bago nagpatiuna sa hapag-kainan.

Naging maayos naman ang naging pagsasalo sa hapunan ng mag-anak ni Josh, kasama ang kasintahan nitong si Nicole. Tinawagan nila ang kapatid ni Josh, na si Ate Jasmine gamit ang videocall para opisiyal na maipakilala ang dalaga bilang kanyang kasintahan.

Tuwang-tuwa naman ito sa kanyang nabalitaan tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang kapatid. Nai-kwento rin ni Jasmine, na noon pa man ay nakutuban na niya, na magiging magkasintahan sina Josh at Nicole dahil nakikita niya sa body language ng mga ito ang lihim na pagtingin para sa isa't isa.

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now