Kabanata 7: Kanta

Start from the beginning
                                    

     Natawa siya. "Ikaw talaga. Kumusta pala ang pag-aaral ha? Musta pagiging teenager?"

     Huminga ako nang malalim. "Ayun masaya lang. Exciting. Minsan naman po boring o kaya mahirap. Maraming feels Pa, siguro kasi iba na ang panahon ngayon, alam mo na, masyado nang advanced kaya ang mga kabataang gaya ko, iba na rin mag-isip."

     Ngumisi naman siya. Sa ekspresyon niya, parang may inaalala siya, siguro 'yung panahon niya?

     "Growing up. Marami talagang pagbabago dyan. Alam mo anak, sa buhay may mga pagkakataon pa 'yan na kukwestyunin mo 'yung halaga mo. Minsan feeling mo wala kang kwenta saka parang wala nang patutunguhan ang buhay. 'Pag dumating sa 'yo 'yung gano'ng pag-iisip, tandaan mo lang na may Papa ka na idol na idol ka, maliwanag ba?"

     Medyo nakakalungkot 'yung sinabi niya pero natuwa ako sa huli niyang linya. Pero nararamdaman kaya 'yon ni Papa? Na parang wala siyang halaga?

     "Medyo nakakaiyak po 'yan Pa a! Ang lalim!" sabi ko at ngumiti.

     "Magbi-birthday ka na kasi. Tatanda ka na naman. Kailangan mo ng ganitong mga linyahan."

     Nakatingin kami sa mga dumadaan na mga sasakyan at sa mga napapadaan na naglalako ng mga pagkain.

     "Kapag magka-college ka na sa syudad tapos 'pag nagtatrabaho ka na, syempre malalayo ka na sa 'min. Maraming mga pagsubok sa buhay. 'Di ba 'yung Mama mo gusto lagi kang may honor sa school? Nako sa 'kin e basta nakakatulog ka nang sapat at kumakain nang maayos okay na! At walang tinatapakang tao, yan ang mahalaga."

     Napangisi ako at inakbayan siya. "Alam ko 'yun Pa. Hays, love na love mo talaga 'ko." Napaisip naman ako. "'Di ko rin naman ine-aim 'yung honors o awards. Pero gusto ko lang din talaga na nag-aaral mabuti. Alam kong one way or another, magagamit ko 'yung ilan sa mga pinag-aralan ko pagsabak sa real world," sabi ko at tumayo na.

Just TodayWhere stories live. Discover now