Andrea Montero

77 3 0
                                    

ANDREA

Kakatapos ko lang kumain at ito paakyat na ng kwarto para ayusin ung tulugan ko

Pagsara ko ng pintuan ng kwarto ko binuksan ko yung tv at aircon

Paghiga ko binuksan ko yung cellphone ko at nagulat ako ng may text galing kay axell

Mvp
Hi andrea, gusto mo sumama magsimba kasi kami eh sa Guibang lang naman.

Nireplyan ko naman siya

Sure.

Kaya imbes na manuod ako matulog nalang ako mag sisimbang gabi pa kami yieee kinikilig ako si axell niyaya ako mag simba. Gosh sana lahat ng lalaki.

Nag alarm nalang ako ng 2 at natulog na.

Axell

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, dapat layuan ko na siya diba pero eto sinusulat ko sa diary niya kung anong nangyari simula nung nakita ko siya

Tapos niyaya ko pa siya magsimba hayst anubayan axell.

Imbes na mag isip ako kung ano ang gagawin matutulog nalang ako

Andrea

Nagising ako sa isang napakaingay na tunog

Alarm clock nga pala ano bang meron ang aga aga pa eh. Tinignan ko ung oras sa cellphone ko alas dos palang hawak ko pa din ang phone ko ng biglang nag vibrate

Si axell tumatawag anong trip neto

'ahm hi' sabi ko

'uyy drea gising ka na pala, ahm.. pupunta ka ba?'

Omayghadd mag sisimba nga pala kami

'ah oo axell pupunta ako maliligo lang ako ahm san tayo magkikita...... Kasama parents mo?'tanong ko

'Ah sa bahay nalang muna tapos sabay sabay na tayo punta dun'

'ahh ok sige bye' sabi ko nag bye na din siya tapos inend ko na yung call

•••

Habang nag dra drive ako bigla nalang sumasakit yung ulo ko kaya prineno ko muna sa may gilid ng daan

Napapikit ako sa sakit then may nagflash na scene

Nasa canteen ako tapos may apat na lalaki pero malabo yung mga mukha nila

Tapos bigla nalang nawala blanko na ulit uminom ako ng tubig at hinalungkat ko yung box dito kung meron ba akong gamot, buti nalang meron kahit isa.

Ininum ko nalang at nagpahinga saglit.

Nang kaya ko na ulit mag maneho pinaharurut ko yung sasakyan papunta sa bahay nila axell

•••

Nang makarating ako sa bahay nila sakto naman binuksan ung gate nagulat nalang ako ng lumapit si axell at kumatok sa may bintana kaya binuksan ko

Diary ng Fangirl•Ricci Rivero (Completed)Where stories live. Discover now