||Tula #10||

95 8 0
                                    

Spoken poetry

• Pambungkal sa hinugot kong Pag-ibig•,

isang gabing puno ng kababalaghan
Batong nasagip mula sa kinasadlakan ng buong kalawakan
Malalaman ko na kung anong mayroon sa aking kaibigan
Ibabahagi ko pa ba ang aking
Kaalaman?
Hindi ko alam kung saan sisimulan
Gabi-gabi nangungulilat nalulumbay sa pag-asang akalang darating, buhay ang kapalit
Akin ika'ng Sasagipin
Handog sa kaibigan kong akala ko'y totoo na
Ngunit may iba pa pala
Araw-araw aking inaalam
Ang iyong karamdaman

Ang kagandahan mo'y tanging Bulaklak sa Hardin Kong puno ng patalim
Dugong-dugo ako sa gabing madilim
Hindi ko kakayanin, ang pag-ibig mo'y hindi KO't matanaw't di malalim

Ako, bilang isang balatkayo
Ako , hirang sa isang prinsipyo.
Nawala, nasaktan bihag pa rin ang kirot at sakit na naitanim
sa likod ng delubyo.

Akala ko'y magtatagal ang pagmamahal na aking ipinagkaloob
Sa puso't isipan tila ipinako't tinaklob
Ang mga katagang iyong binitawan
"Mahal, wag kang mag-alala, ako'y babalik pa"
Ngunit nasaan ka na?

Kung ikaw ay babalik man,
Siguraduhin mong maayos ka riyan dahil hindi maganda ang aking agam-agam.
Baka pagbalik mo'y, may bago ka nang kasangga
At ako'y iyong ipagpapalit sa yaong hindi 'palangga'

Baka pagbalik mo'y, may bago ka nang kasanggaAt ako'y iyong ipagpapalit sa yaong hindi 'palangga'

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Space [Wattys2019]Where stories live. Discover now