"Thanks anak. ang payat mo na" sabi nya sakin tapos nginitian ko lang sya. Lait ba yun?

"Oh Lou, pogi as always. Hindi pa din nagbabago mga itsura nyo, parang mas bumata pa nga eh" bigla naman sya humarap kay Lou

""Wala naman kasing pangit na Torres"" sagot nya

"Oo nga pala, Chinen na nga pala apelyido nyo no? Ha ha buti naman para sa inyo" sabi nya tapos di kami sumagot


Di mo kasi kami binigyan ng apelyido dati...


"Let's go? Kain muna tayo" sabi ni dad tapos tinulak nya si Gab sa tabi ko


Excuse me?


Nananadya ata tong gagong to eh, paghihiwalayin kami tapos ngayon pagdidikitin kami?

Hinigpitan ko na lang hawak ko kay Xander at medyo lumayo kay Gab at Lou. Napagkakamalan na nga kaming mag bf at gf dahil sa sobrang pagkaka attached namin sa isa't isa eh tapos akala ng iba si Xander kapatid ko. Dun na sya sa dad nya na gusto nya makita -_- Ayaw na ni Lou sakin :((

Pumara kami ng taxi tapos sumakay na papunta sa restaurant na kinakainan namin lagi nina Lou. Favorite naming tatlo dun kasi mura pero masarap pa din


""Ano po ba gusto nyo?"" tanong ni Lou pag upo namin sa table

"Kayo na bahala, wala akong alam dito eh" sagot ni dad


Na pipe na ba tong Gab na to at di na sya nagsasalita? Last na pag uusap pa kasi namin nito eh nung pumunta ako sa Lily Academy nung fair nila

Kelan kaya ako ulit bibisita dun? Kaso wala na akong kakilala dun eh.


"Uy hon tingnan mo oh, may bagooo~" sabi ko kay Xander tapos pinakita ko yun menu

"Try natin?" sagot naman nya tapos nag nod ako


Umorder na kami ni Lou ng mga lagi naming inoorderand yung bago na nasa menu. At kami na din nagbayad, nakakahiya baka sabihin ang lakas namin kumain tapos sila magbabayad. Buti na lang kakadating lang ng allowance namin (oo allowance kahit malaki na kami -_-)


"Kumusta naman kayong dalawa?" tanong ni dad. Wow, first time mangamusta after 22 years -_-


Oo, 7 years na ang nakalipas after kong mapapasok at umalis sa Lily Academy. 7 years lang kasi diba, nag accelerate ako ng 1 year plus yung 4 years ng college ko tapos 1 year na akong nag tatrabaho


"Well, I graduated Bachelor of Arts in Fashion Design and Marketing. Pero si Lou, tinatapos pa nya yung Architecture nya. May pagka tamad kasi eh" sagot ko

""Hindi ako tamad, pinapahinga ko lang utak ko" sagot ni Lou

"Oo na po, Lou tamad" sabi ko sa kanya

"Nakakatuwa naman kayong magkapatid kayo. Si Gab naman nagtatrabaho na sa company ng grandparents nya sa Thailand. Sino naman tong isa nyong kasama?" sabi ni dad

"Ah..." sagot na lang namin ni Lou na sabay

"Boyfriend ko po, si Xander" pakilala ko

"Nice to meet you, sir" bati naman ni Xander at nakipag shake hands kay dad


Bago pa magsalita ulit si dad, buti dumating na yung pagkian

Buong oras, nakinig lang kami sa mga kwento ni dad, well... Half listening lang kasi busy kami kumain. Kunwari gets, nakikitawa lang. Mga ganun?


"So, where are you staying?" tanong ko paglabas namin dun sa restaurant

"Dyan lang sa isang hotel, we'll be leaving." Sabi nya tapos pumara ng taxu cab

"Call us if you need anything" sabi ko tapos tumingin ako kay Lou


Ngiting ewan nanaman tong lalaking to

Tapos sumakay na sina dad at Gab sa cab at umalis na

So hanggang sa huli pala hindi magsasalita yung Gabriel na yun? Napipe na ng tuluyan? Puro tungo at ngiti lang ginagawa eh -_- Sarap hampasin ng bag

Masyado nyang pinapamukha kay dad na di kami close -_- Pero pag wala naman si dad, kung makapanggulo sakin wagas. NAKO!


""Uwi na tayo"" sabi ni Lou tapos nag sigh

"Oh, ano problema mo?" tanong ko sa kanya

""Ang hirap pala maging plastic, hanga na ako sayo"" sabi nya

"Kapal talaga ng mukha mo. Tara na nga" sabi ko tapos naglakad na ako papunta sa bus stop


Medyo tahimik si Xander ngayon. Siguro pagod lang

Nang may dumating nang bus, uupo kami tapos nakarest ulo ko sa shoulders ni Xander tapos nakawrap arms nya sa shoulder ko. Minsan kahit di sya nagsasalita, okay na ako kasi nakaka calm sya kasama


""Pero may nasagap akong balita"" bulong sa akin ni Lou pag upo namin sa loob ng bus

"Ano nanaman ba yun?" sagot ko sa kanya

""Ex mo daw si Gab?"" tanong nya habang tinititigan lang ako sa mata


Napastraight ako ng upo sa sinabi nya tapos feel ko na dalawa na sila ni Xander na nakatingin sakin

Ako naman tong si di makatingin ng deretso sa kanya kasi nakakadistract talaga itsura nya


"Eh ano naman" sagot ko

""Incest! Bat ngayon ko lang nalaman? Uy wag mo ako pagnasaan ha? Alam ko namang pogi ako per--"" bago pa nya ituloy sasabihin nya, binatuk-batukan ko na sya

""Makahampas naman to! Kung hindi ako pogi, hindi ka din maganda"" sabi nya tapos kinuha nya phone nya

"It's all in the past bro"sagot naman ni Xander. oo tama pagtanggol mo ako please

"Oo tama, past is past. Ewan ko sayo Lou. Di na naman kelangan malaman pa eh. Wake me up na lang, okay?" sabi ko sa kanya tapos bumalik na ako sa pagkakarest sa shoulder ni Xander kanina at natulog



And andyan nga pala si  Lou sa multimedia. Mas girlish pa itsura kesa kay Misty no? Kaya pinagkakamalan na bakla eh! Hihi pero lalaking lalaki yang si Lou no! :D

btw, if ever gusto nyo lang naman malaman kung sino sya, sya si Ren (Choi Minki) ng NU'EST ♥ Halata ba masyado na nagfafangirl na ako ngayon habang tinititigan ko picture nya? Haha joke di pa ako ganun ka baliw, malapit na.

Talk to me on twitter! @riellepuff

©2014 LittleMissLM

MCLS2: Madly [ UNDER CONSTRUCTION ]Onde histórias criam vida. Descubra agora