Pero hindi ko pa rin napigilan. Tinawagan ko pa rin siya nung hapon na iyon pagkatapos ng meeting ko. Halong inis at pag-aalala na ang nararamdaman ko. Ni hindi man lang kasi naisipang magreply sa dami ng tinext ko. At dun lang ako nakahinga ng maluwag nung sinagot na niya yung tawag ko. Hindi ko alam kung bakit pero para kong nabunutan ng tinik sa dibdib nung sa wakas ay narinig ko na ang boses niya.

Tangina, Richard, umayos ka. Hindi pwede ito!

" Hello.. " narinig kong sagot nya mula sa kabilang linya. Bigla ay nalimutan ko ang inis ko sa kanya.

" Finally Mendoza! Kaninang-kanina pa ako nagte-text at tumatawag. Ano bang ginagawa mo at hindi ka makasagot? "

" Pasensya na po Gov, nakatulog po kasi ako ulit pag-alis nyo. Hindi ko po narinig yung phone ko. "

" Ahhh ganun ba? Nag lunch ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? " sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Shit Richard! Easyhan mo lang! Wag kang magpahalatang masyado kang concern sa kanya.

Pero huli na para bawiin ko ang mga sinabi ko, narinig na ni Mendoza.

" Me-medyo po, pero kaya ko naman. Ipapahinga ko lang po ulit. Mamaya wala na ito. "

" Sige na, magpahinga ka na ulit. Mag text ka kung may kailangan ka. Uuwi ako ng maaga. "

Wait! What?! Bakit para kang husband na concern sa asawa nya?! What the hell was that Richard?! Ano bang pinagsasabi mo?!

Inis na napa facepalm na lang ako habang hinihintay ang sagot ni Mendoza.

" Salamat po. "

" Ahh, Mendoza? "

" Po? "

" Ah, wala..wala. Sige na magpahinga ka na. "

Shit! I think I'm going crazy!

Minabuti kong tapusin na kaagad ang tawag at baka kung ano pa ang masabi ko. Magkakaroon na ata ako ng multiple personality disorder dahil sa bodyguard kong yun.

Minsan napaisip ako. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit gusto ko syang palaging makita, kung bakit ganun na lang ang concern ko sa kanya. At pinanindigan ako ng balahibo sa posibleng sagot kung bakit ako nagkakaganito.

Posible bang may gusto na ako kay Mendoza?

" Kingina!! " napatayo ako mula sa kinauupuan ko. " No Richard! Wala kang gusto kay Mendoza! For Christ's sake naman! Lalaki yun! Lalaki ka! Kaya hindi pwede ang ganun! " balisa akong nagpalakad-lakad sa loob ng opisina ko. Inis na napasabunot ako sa buhok ko.

" Hindi ka bakla Richard Jeoffrey! Wala sa lahi nyo ang bakla! Ipinagluto mo lang sya bilang pasasalamat sa pagluluto nya para sayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" Hindi ka bakla Richard Jeoffrey! Wala sa lahi nyo ang bakla! Ipinagluto mo lang sya bilang pasasalamat sa pagluluto nya para sayo. Saka concern ka lang sa kanya dahil kargo mo kapag may nangyaring masama sa kanya habang nasa puder mo sya. At gusto mo lang syang palaging makita dahil itinuturing mo na rin syang kabarkada. Oo yun lang! Wala kang gusto sa kanya! Wala! At never kang magkakagusto sa lalaki! Hindi ka bakla! Babae ang gusto mo! "

MistakenWhere stories live. Discover now