Chappy 1

167 4 2
                                    

Hindi pa din siya nagigising, ano kaya dapat kong gawin?

Tsk, ang hassle naman. Ako kaya yung inaalagaan pero ngayon ako ang nagaalaga sa babaeng to. Napakaswerte niya huh?

Oh! Ayan na gumagalaw na siya.

-__-

O__-

-__O

-___-

O__O

“Gising ka na pala ulit.”

Oi! Oi! OI! WAG MO KONG TUTULUGAN ULIT BABAE KA!

“Totoo ka ba? Hindi ka ba drawing? Pahawak nga!” biglang lumapit sakin yung misteryosong babae. Kinurot ang braso ko, hinawakan ang kamay ko at inamoy. Hindi pa siya nakuntento at pinisil ang pisngi ko.

“Aray ko, ano ba—“ habang tinatanggal ko ang pagkakakurot niya sa pisngi ko. Hindi ko sinasadyang matumba kami sa sahig at pumaibabaw sa kanya.

Titig na titig siya sakin. Siyempre napatitig din ako sa kanya. Maganda ang mata niya, mahaba ang pilikmata siguro yun yung nagpapaganda don. Maliit ang ilong, pula ang labi, makinis ang mukha… Teka? Bat ko ba masyado inoobserbahan ang mukha ng babaeng to?

Bigla siyang ngumiti, at napayakap sakin.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero… Totoo ka Atobe. Totoo ka.” Hindi ko maintindihan ang  sinasabi niya.

“Sino ka ba?”

“Carla.”

“San ka nakatira? Ano ang nangyari sayo? May natatandaan ka ba?”

“Sa Quezon City ako nakatira, Kung ano man ang nangyayari sakin, gaya mo, hindi ko rin alam. Wala akong amnesia… Yan ang sinisigurado ko sayo.” Walang kurap niyang sinabi sakin to. Hindi ko alam kung  ano ang sasabihin ko at naguguluhan ako sa mga nangyayari.

“Hindi ako makahinga Atobe.”

Maalala ko nga pala… Magkapatong pa rin pala kami.

“P-pasensya na. “ Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya nung tinulungan ko siyang tumayo. Ano ba Atobe! Bat ganto ka kumilos. Para kang wala sa sarili!

“Nasaan ba ako Atobe?”

“Huh? Sa bahay ko.”

“S-SA JAPAN?”

“Meron din akong bahay sa Europa.”

At hinimatay ulit siya.

Baket ba palaging hinihimatay itong babae!

****

Kehhhh.

Ang liwanag… nasa heaven na ba ako?

Ospital?

Sabi ko na nga ba… Panaginip lang ang la---

OwO

S-si Atobe? O-OSHITARI!?

MY GEHD.

“Gising ka na pala magandang binibini?” Oshitari.

“Nasa Japan pa din ako?” Carla.

“Kahit isang libong beses ka pang himatayin. Hindi ka makakauwi kung saang lupalop ka man ng mundo nakatira!” Irritable ang Atobe babes ko :( bakit kaya?

Palihim na tumawa si Oshitari kay Atobe.

UWU, ANG GWAPO DIN PALA NI OSHITARI. Pero mas gwapo pa din si Atobe! Nunal pa lang… AARTE KA PA BA? Natawa ako sa iniisip ko.

*blag!*

Umalis si Atobe, naiwan kami ni Oshitari.

“Hmm. Wag mo ng isipin yun si Atobe.” Kumindat siya sakin. “Nagbibinata kasi.”

“Nagbibinata?”

Tumawa lang si Oshitari. Nagpaalam si Oshitari na susundan niya si Atobe at naiwan ako sa magarang kwarto ng ospital.

ATOBE’S CLINIC.

Anak ng… clinic niya lang to!? Bakit ba ako nagugulat eh. Sa anime pa lang napaka oa na ng buhay ni Atobe.

Anime…

Asan ba talaga ako?

Ano bang nangyayari?

“nasa mundo ka ng anime my dear!”

“Ayy palaka!”

“Gaga! Fairy ako! Haller!?”

“Bat wala kang pakpak?! Bat di ka sparkling? Bat mukha kang normal na tao?”

“fairy ako ng mga tao. Malamang totoong tao din ang itsura ko!”

“Weh?”

“Sige, dadalhin kita sa mundo ng naruto! Kung saan nagpapatayan si Naruto at Pain!” nag snap ng fingers ang mahiwagang babae kuno. “Lipatsung! Atashin!”

“RASENGGAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!”

Oh juice ko buko juice!!!! Papalapit samin ang rasenggan ni Naruto!

“AYOKO PANG MAMATAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYY.”

“Ingay mo teh. Nasa bahay na tayo ni Atobe your loves.” Nanlaki ang mata ko.

“Oo nga! NOH!”

“Naniniwala ka na?”

“Pero bakit? Sino ka? Ang pamilya ko asan?”

“Chill lang sa pagtatanong teh ah? Ako nga pala si Chacha.  Isang fairy, bakit ako naging fairy mo? Simple lang isa ka sa mga natatanging bata na pinagkalooban ni Inang fairy. Kung ano man ang rason? HIGHLY CONFIDENTIAL! AHHH-UMM. Bakit ka andito? Dahil eto ang wish mo. Ang pamilya mo? Okay lang naman, happy. Ikaw ba?”

“Ang hiniling ko maging totoo si Atobe! Hindi mapunta sa mundong to.”

“Sisteret. Wiz mangyayari yon. Ikaw ang totoo hindi si Atobe. Kapag dinala siya sa mundo ng mga tao. Papel pa din ang kalalabasan niya. Isa siyang drawing na nabuhay.”

“Bat mukha pa din akong tao dito?”

“Kasi tao sila dito HELLO!?”

“Ang magulang ko? Baka hinahanap nila ako!?”

“ummm teh wiz ka na dapat mag alala dyan. Hindi nila mapapansin ang pagkawala mo.”

“HA!? BAKET? KELAN AKO MAKAKABALIK?!”

“KALMA LANG TEH! KALMA AH? Isang taon ka maninirahan sa mundong to. Makakabalik ka sa birthday mo ulit. Ang taon na inilagi mo dito ay katumbas lang ng isang araw sa mundo natin.”

“A-ang tagal ng isang taon?!”

“Wiz ka teh, Yun ang patakaran. Kung ako sayo enjoying mo na lang ang pagstay mo! Dahil wiz mo mapapansin na isang taon na ang nakalipas! Getch? Tignan mo! Bitin pa ang one year! Bet ko tong prince of tennis na mundo na to teh! Daming gwapo! Oops! I gotta go! Yung sinaing ko! If you wanna see me shout CHARINGER Z! byieeeeeeee!”

At bigla na lang siya nawala sa usok.

Fairies?

Anime?

One year?

L  O A D I N G . . .

JUICE KO PINEAPPLE.

The World of Princes [PrinceofTennis FF]Where stories live. Discover now