Chappy 2

149 4 3
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ko sasabihin na… mula ako sa mundo ng realidad? Maniniwala ba yun!? WAHHH! Di ko alam! Ano ba ang kailangan kong gawin? Magpanic? Pero di naman makakatulong sakin yun. Eh kung magwish na lang ako na ibalik ako sa tunay kong mundo?

“Oh, gising ka na pala?”

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Atobe loves, I mean  Atobe-kun. Langyang taong tooooo! Pagkagwapo! Napakagwapo. Bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko, pero mas mabilis at maingay to kumpara sa pagtibok nito pag napapanuod ko lang siya. Eto yung tibok na tipong nakakabingi pero masarap sa pakiramdam.

EHH DI EENJOYIN KO NA LANG ANG ONE YEAR WITH HIM! BWAHAHHAHAHA. BAHALA NA SI SUPERMAN!

“Ahn~, Where do you live?” eh? Mula sa welcoming at mayabang na presence niya na which is tanggap ko about him eh naging parang masungit? Ewan ko lang ah kung assuming lang ako or nagfefeeling lovers quarrel ang itsura namin…

Teka nga! Teka nga!

Ayos mukha tayo, Carla! Paiiralin ko ba minu-minuto ang kilig ko sa kanya ha?

Ehhhhhhhh. Di ko kaya! Kinikilig talaga ako sa kanya eh!

“Miss, tinatanong kita kung saan ka nakatira?” tanong niya ulit sakin. Wait! Teka, tumulo ba laway ko kakatitig sakanya? Wait nga, kinapa ko ang bibig ko at banda sa baba ko. Hay! Buti naman. Dyahe yun kung na waley ang poise ko sakanya, napangiti ako at walang tulong laway ang nangyari.

“Sasagutin mo ba ako o hindi?” hala! Oo nga pala! Tanatanong pala ako ni Atobe-babes. Pano to? Ano ba sasabihin ko dito? Hala, wala naman akong matitirhan, pangalawa, gusto ko tumira kasama siya. Yieee, landi. HAHAHHA!

 “A-ano, kasi.” Oh my glob. Think! Carla! Think! Nagpapanic na ako nakadagdag pa na narealize kong nakatitig din pala siya sakin.

May muta ba ako? Shoot, pano ako didiskarte magtanggal ng muta na di halata?

“Ano? Kasi?” nauubusan na ng pasensya ang hari ko. Dali isip na Carla…

“H-hindi ko m-matandaan…” shoot! Sinabi ko pa naman na wala akong amnesia tapos di ko matandaan! Ugh! Ang ewan ko talaga.

Ilang minuto din siyang tahimik at nakatitig lang din sakin. Hala?! Nandidiri kaya siya sakin? San may salamin dito? Kailangan kong masure kung may kulangot ako or wala T_______T

Bigla siyang tumawa. Hala ka! Di na niya mapigilang sigurong tawanan yung kulangot combo na may muta pa ako? Oh my glob… kill me now!

“Sino nga ba ang aamin na may amnesia sila? Ahn~” tumayo siya at  pinalantik ang kamay.

“Atobe-sama.” Bow sa kanya ng mga maid niya.

T-teka! San lumabas tong mga to? Bat ang dami nito?

“Bihisan siya. Aalis kami.” Utos niya.

WHAT!?

DATE KAMI?

ESTE.

Aalis kami?

**************************

“Meet my Super Exclusive Secretary!” Agaw ni Atobe sa atensyon ng lahat… kasama Teacher.  Gumilid siya para bigyang daan ako.

“A-ako s-si C-Carla desu.” Nauutal kong pagpapakilala at agad agad akong nagbow sa harapan ng klase ni Atobe na tila namang gulat na gulat sa pagpapakilala sakin. Ako nga pala ngayon ang kanyang: SUPER EXCLUSIVE SECRETARY.

The World of Princes [PrinceofTennis FF]Where stories live. Discover now