Lumakas ng lumakas ang pagpatak ng ulan hanggang sa naging mabibigat na ang mga patak nya ngayon na bumabagsak sa katawan ko. Basang basa na ko pero nakatayo at nakasandal pa rin ako sa kotse ko, Wala akong balak na sumilong pa kase basang basa na rin lang ako kaya lulubusin ko na.


Ni-lock ko ang kotse ko bago ako umalis sa pinag parkingan ko, lumakad ako palayo dun. Naglakad lang ako ng usual na lakad ko, yung sakto lang, yung bang di nagmamadali, yung parang walang ulan. Di ko lam kung san ako pupunta, pero gusto ko lang yung ganto lang, saka ko lang napansin na andito pala ako sa moro ngayon, biglang bumilis ang pag lakad ko, isang bagay lang ang nasa isipan ko ngayon........Ang tumakbo.


"Takbo......Takbo......Takbo pa......Dalian mo pa.......Takbo pa!" Yan ang isinisigaw ng puso ko ngayon.


"Itigil mo na yan. Sumilong ka. Magkakasakit ka pa nyan." Saway naman ng "KJ" kong utak.


"Nasasaktan ka di ba? Kaya itakbo mo na lang yan, para kahit papano di mo maramdaman ang sakit kahit panadalian lang." si puso.



"Di nga nya mararamdaman ang sakit pero sakit sa ulo, OO! Magkakasakit ka kaya." si utak.



Dahil sa matigas ang ulo ko at dahil na rin sa nasasaktan ako ay mas pinakinggan ko ang "EVER" kong tandem pagdating sa pagpapakatanga----ang puso ko.💙😢💔


Palakas ng palakas ang ulan na minsan pa nga ay may kasabay na kidlat and pagkatapos non ay ang pagdagundong ng malakas na kulog. Napapahinto ako pag may ganon, ang isa ko pang kinatatakutan kase ay ang kidlat at kulog, Nahinto ako sabay takip sa magkabila kong tenga pero pagkalipas non ay balik agad ako sa pagtakbo. Lalo kong binibilisan naman pag sumasagi sa isipan ko sina jhoana at marci na sweet sa isat isa. Nakakaramdam ako ng sakit kaya binibilisan ko.


Marameng beses na akong nagpaikot ikot dito sa running field, di ko na nga alam eh kung nakailang laps na ba ako. Sige lang ang takbo ko hanggang sa sumunod na pag ikot ay napahinto ako ng dahan dahan. Malayo pa lang ng may naaninagan na akong nakatayo mismo dun sa running field na tinatakbuhan ko.


Babae. Sigurado ako kase ang igsi ng suot netong short, kung di ako nagkakamali ay naka hoodie pa sya at may dala syang payong na nakasukob sa kanya. Ang kaba ko na biglang tumimo sa kin ngayon at ang kabang nararamdaman ko ngayon na may halong kung ano sa buong sistema kung ba't nagwawala sila ngayon ay sa  iisang tao ko lang nakakaramdam ng ganto---- walang iba kundi kay jhoana lang. Sa kanya lang.....


Lumapit pa ako ng ilang hakbang at ayun nga, si jhoana nga yung girl na nakatayong nakapayong sa ulanan. Dalawang dipa ang pagitan namen ngayon sa isat isa. Di ko alam ba't di ko magawang igalaw ang mga paa ko ngayon, gusto ko syang lapitan pero di ko magawa bukod sa mga paa kong parang napako na sa kinatatayuan ko ay sinasabihan ako ng utak ko ngayon na wag na lang.


"Tara uwi na tayo." dahil sa lakas ng ulan ngayon kaya may kalakasan din ang pagsabe nya sa kin.


Wag na lang dahil di na kelangan pa, makakagulo ka pa sa kanila kung gagawin ko yung ibinubulong ng puso ko ngayon na yakapin sya at sabihin sa babaeng ito na mahal na mahal ko sya......Pahihirapan ko lang daw ang sitwasyon pati ang mga sarili namen......Kaya wag na lang.


Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko at thank god nagawa ko. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagpasyang lumapit sa kanya, habang palapit ako kay jho ay di ko maiwasang di sya titigan. Ilang hakbang na lang at halos kaharap ko na sya pero hanggang ngayon ay nagtatalo ang isipan ko at puso ko kung titigil ba ako sa harapan nya o lalagpasan ko na lang sya.


Tatlong hakbang na lang......


Dalawa......


Bahagya akong lumihis ng hakbang bago ako makarating sa kanya, huminto ako sa mismong gilid neto.....


Best thing i (N)EVER hadWhere stories live. Discover now