Chapter Three

2.4K 86 4
                                    

Kaymie POV

This day is so boring. Wala akong kasama sa bahay eh, ano kaya ang pwede kong gawin?

Siguro nagtatanong kayo ngayon kung bakit ako lang ang nasa bahay?

Si Kuya Kean may meeting sa mga board members namin, training daw niya 'yun as future CEO sa company namin. Siya kasi ang papalit kay daddy balang araw!

Si Kuya Kyle naman? Ano nga ba ang ginagawa non? Ah alam ko na! Imi-meet daw nya 'yung bagong member ng English Club sa School. Unfortunately, Siya ang President non! Galing niya no!Sakin naman nangongopya joke. Pero sa akin talaga siya nangongopya.

Si kuya Kryl naman ay may raket na trabaho. Sus babae lang 'yon.

Si kuya Krsyfer naman ay may photoshoot. Siya kasi ang model sa company namin. Hindi man katanggap-tanggap pero siya kasi ang pinaka-pogi at pinaka-charming sa apat.

Si mommy and daddy naman ay nagde-date. Ang sweet naman nila, sana kami rin ni Nelson. Hihi!

Tsk! Umasa ka nanaman Kaymie. Wala kang mapapala sa pagpapantasya kay Nelson. Pogi non eh ikaw pangit saka ano yon?

Handsome and The Beast?

Huhuhu Lord naman eh! Bakit nyo ako binigyan ng gantong itsura!

Ano naman kayang gagawin ko ngayon? Mamasyal kaya ako?

Wala kasi kaming pasok dahil Holiday! Eh yung mga club's naman sa School nagreready para sa Intrams. Ang Boring kaya non!

Mas maganda pang mag aral eh!

Kung maglinis nalang kaya ako?

Aha! Tama!Baka magustuhan nako ni Mamii koooo!

Galit ata kasi si Mommy sakin eh!Huhuhuhu! Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa pangit ako at maganda ang lahi nila.

Maglilinis nalang ako. Hinanap ko muna yung walis

Eh? May Vacuum kayo Kaymie Nathalie!

Ay? Oo nga noh? Kabobo ko talaga bwhahaha

Ganyan po talaga ako kapag bored, kung ano- ano pinagsasabi.

Inumpisahan ko muna sa pagwawalis pero nagulat ako kasi..

Kyaaaaa! May Ipis! Anong gagawin koooo?!

Pinukpok ko sya ng bote ng shampoo lumilipad parin 'yung ipis kyah!

"Oy ipis layas! Pashneya kaaa!" Sabi ko nalang kahit na natatakot na ako.

Hala?Napalayas ko, masunurin ka naman pala eh!

"Kaymie alam mo ba para kang abnormal?" Uh? Sino yun?

"Mag-luto ka na nga lang!"

Waaaaa! Kuya Kryyyyl! Bat Andito ka?

"Uh?Kuya!anong ginagawa mo dito? Hindi ba may raket ka?" Takang tanong ko.

"Malamang dito bahay ko eh!" Tsk!Pilosopooo!

"Aiiiish! Ibig kong sabihin, akala ko kako na may raket ship ka sa mga gurls" nangaasar na sabi ko.

"Hahahahaha! eh Ayoko nung mga babae sa bar ni Nelson. Ang papangit wala pang dede!" Tsk!pervert din pala ang isang to eh!

So? Kasama nya si Nelson?

"Ah eh kuya?Magpapaluto ka? Hindi ako sanay magluto!" Huhuhu! Di po talaga ako sanay magluto. Nakakatakot naman 'tong tumingin!

"Edi tuturuan kita!" Uh? Teka?

I smell something Kakaiba?

"S-sige" Wala akong nasabi eh saka opportunity na rin 'yun para matututo

"Hahaha! Ang cute mo talaga" Hala? Lagi kayang sinasabi nito kung gaano ako kapangit. Anong nangyayari sa kanya?

Hinitak nya ako papuntang kusina, hawak hawak niya ang kamay ko na never pa niyang ginawa sa akin!

Anyare sa earth?

Nasa kusina na kami at nag-apron pa siya. Siguro mahirap ang iluluto niya.

"Kaymie, I'll teach you to cook itlong and bacon." Seryoso niyang sabi habang inaayos ang apron.

Pfffft hahahaha! Bacon at itlog lang pala alam nere eh.

"Hahahahaha! Kuya Kryl naman, alam ko rin naman yan eh. Akala ko pa naman yung mahirap talaga!" Hahaha!Hindi ko parin mapigilan ang tawa ko!

"Tsk! Lalagyan ko kasi ng twist! Just wait and see lil sis!"

"Eto po ang 101 Recipes ni chef Kyrl Stanley Wilford Bwahaha" tsss!

Anoraw?! Chef?!

Naglabas siya ng mga kung ano-anong gamit. Bahala siya d'yan, magce-cellphone nalang ako dahil mas may sense pa 'yun keysa sa kanya.

----

"Kaymie, ito na ang luto ni Chef at kuya Kryl mo!" Malambing niyang sabi

Tsk?Ano naman kaya yon!

Pag kakakita ko ng niluto niya

Wow! Ang sarap naman sa paningin ng niluto niya

May twist talaga eh. May cheese tapos may chocolate pa. Bukod 'don ay may mga iba pang ingredients siyang nilagay na hindi ko alam ang tawag.

"Ano Kaymie? Masarap?" Ano kaya ang pwede kong sabihin? Ayokong aminin na masarap eh! Kapal pa naman ng mukha niya.

"Pwede na!" Sabi ko

"Anong pwede na?"

"Korni kasi!"

"Korni pala ha?" Waaaaa hinabol nya kooo!

Takbo ako ng takbo at may biglang  may yumakap sakin!

Kyaaaaa kadiri! Sino bang ponsyo pilato to?

Paglinggon ko ng aking ulo ay nakita ko ko si Kuya Kean. Huh?Anong ginagawa nya dito?

At bakit siya nakayakap sa akin?

Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko.

"May tagos ka, magpalit ka nga. Ang dugyot mo."

Ohnoooooo!

Isa iyong nakakahiyang Eksena

Kyaaaaaaa!

I'm the little sister of four handsome boys ( Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon