"May tanong ka?" Tumigil ito't humarap sa kanya.

"I thought you hate me, pero ang bait mo ngayon. Thank you for doing this."

Nanatiling blangko ang ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya, bago tumikhim at ipinamulsa ang magkabilang kamay sa likurang bulsa ng khaki shorts nito. "Huwag kang mag-alala, hindi ikaw ang una rito." Pumunta ito sa ref at inilabas ang pitsel ng tubig.

Sumunod siya. "Who?"

Nabigla ito nang maramdaman ang kanyang paglapit. Dahil puno ng tubig ang pitsel at hindi nakabara ang takip sa lagusan, natapon ang kaunting laman niyon sa kamiseta nito. "'Takte naman o."

"Whoops, I'm sorry I startled you." Bahagya siyang lumayo.

Inilapag nito ang pitsel sa mesa. Siniyasat nito ang kamiseta kung gaano kabasa bago piniga ang bahaging iyon.

"You should take it off and dry it out."

Nilingon siya ni Caleb, nabitin sa ere ang ginagawang pagpiga sa kamiseta.

"What? Did I say something wrong?"

Umiling ito bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Pinagpag nito iyon nang matapos.

"What's wrong? You're a guy, you could get naked without worries."

Tumalikod ito. His shoulders were broad and wide. His toned muscles were in right places. He looked tall, strong, and so dependable. He looked clean, and she wanted to smell him for herself. She had the urge to touch him, hug him. Sa bawat segundong lumilipas ay natutukso siyang lapitan ito't namnamin ang hatid nitong init.

"Mag-aala-una na ng madaling araw, matulog ka na. Sa upuan sa opisina ako magpapahinga at dito ka sa silid." Akmang lalabas na ito.

"Caleb." Tumigil ito't nilingon siya.

"Can you stay...with me?"

Hindi niya ibinaba ang mga mata. Gusto niyang makita ang reaksiyon ng binata subalit wala siyang mahagilap, nanatiling blangko iyon.

"Why?" sa mababang tinig nito at halos hindi niya marinig.

"Because..." Humigipit ang pagkapit niya sa sapin ng kamang kinauupuan na tila roon kumukuha nang lakas ng loob. "I want you to." Para siyang mabibilaukan sa sobrang lakas na pagkabog ng dibdib.

"Matulog ka na," sa halip ay sagot nito.

Hindi dapat ngunit nakaramdam siya ng kakaibang kirot sa dibdib. Pamilyar na ang mga ganitong eksena, ang mabigo sa kahilingan subalit iba ang kay Caleb, mas masakit, mas mahapdi. Para siyang sinusuntok sa dibdib at hindi siya makahinga.

"Who is she?" sa matigas niyang tinig.

Kumunot ang noo nito, mga mata ang nagtanong sa halip na bibig.

"'Yong unang dinala mo. You said I was not the first." And then as if she was accusing him of betrayal.

"A, sina Rommel at Danilo."

Kung gaano siya nakaramdam nang kirot kanina, ganoon din siya kabilis na natuwa sa narinig. "Really? You should have said so earlier." Maluwang na pagkakangiti ng kanyang mga labi.

"Matutulog ka na ba?" Ulit nito.

She thought she saw him hide his smile, or perhaps it was just her imagination. "I'm not really tired, but since you have to go to school tomorrow, you might as well get rested."

"Sige, isasara ko na itong pinto." Tsaka nga nito ginawa at nawala na ito sa kanyang harapan.

She never knew this kind of happiness existed. Caleb was just at the other side of that closed door, reachable, touchable and yet she was worried that he would get away if she did so. Nakatitig lang siya sa pinto, pinakikiramdaman ang kilos at ingay ng mga kaluskos sa labas ng silid.

I miss him.

I miss him already.

Sinapo niya ang dibdib. Mabilis pa rin ang pagtibok ng kanyang puso. Tumayo siya at humakbang sa may pintuan, isinandig ang noo sa pinto na gawa sa plywood. Hindi siya kumilos, hindi gumawa ng ingay. Wala siyang marinig na kilos nito. Isinandig niya rin ang mga palad sa pinto. Paulit-ulit ang kanyang paghinga nang malalim.

Caleb.

Ipinikit niya ang mata.

Caleb.

Tumulo ang kanyang luha.

Bakit ganito ang kanyang pakiramdam? Gusto niyang muling makita ang mukha ng binata, ang makadikit-balat ito, ang magpayakap, at gusto niya rin itong yakapin nang mahigpit na mahigpit upang maramdaman ang init nito.

Caleb!

She must be insane to feel this way so quickly.

Why did you come for me? Why am I here with you? You just made me want you even more than ever.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon. Kusang kumilos ang kanyang kamay at humawak sa seradura upang buksan ang pinto. Nakapatay na ang ilaw sa opisina. Saglit siyang huminto upang hanapin ang sadya hanggang sa makita niya si Caleb na nakahiga sa mahabang upuan na gawa sa narra.

Natapat ang liwanag ng ilaw sa kinahihigaan ni Caleb mula sa silid na kanyang inookupa. Nilapitan niya ito, napangiti nang mapansing mas mahaba ang mga paa ni Caleb kaysa sa upuan kaya nakalaylay ang mga paa nito sa dulo. Nakapatong naman ang isa nitong braso sa noo habang ang isa ay nasa gilid ng katawan.

Lumuhod siya sa tabi ng upuan. May Adam's apple si Caleb. Nagsisimula na ring tumubo ang naahitang mga bigote't balbas nito. Wala itong kakilos-kilos sa pagtulog, hindi rin naghihilik at banayad ang paghinga. Mahigpit na kumapit ang kanyang mga kamay sa laylayan ng kanyang bestida upang pigilin ang sarili na haplusin ang mukha nito.

She didn't think she would be so interested to a guy like this, so intense that she wanted to bury herself to his neck. Pinagsawa niya ang mga mata sa pagmasid. She decided to use all the remaining hours she had to just watch him sleep. She may not get another chance after this perfect moment.

Napangiti siya nang gumalaw ang Adam's apple nito. Akala niya'y nagising ito kaya medyo napaatras siya, umiba lang ito ng puwesto. Inalis nito ang braso na nasa noo at sa tiyan naman ipinatong. Muli siyang lumapit nang hindi na uli ito kumilos.

Bago pa niya napigilan ang sarili'y umangat ang kanyang kamay at hinaplos ng hintuturo ang ibabaw ng ilong nito, banayad lang upang hindi ito magising. Nakagat niya ang labi sa kalapastangang ginagawa ngunit hindi na niya mapigilan pa ang sarili. At bago pa siya makapag-isip nang matino, inilapit niya ang mukha sa mukha nito, at isang halik ang kanyang iginawad sa labi ng lalaking gusto.

He didn't move, and she was thankful for that. She knew he would scold her for this if he knew what she was doing to him. His lips were warm. His breath smelled the sweetest. She was greedy coz she wanted more than just a peck, but she had to stop before he wakes up. Mabilis siyang umatras at bumalik sa silid na hiniram. Isinara niya ang pinto tsaka nahiga sa kama.

Hindi niya mahabol ang mabilis na paghinga. Pinaghalong takot at saya ang kanyang nararamdaman. Hinila niya ang unan at niyakap. Sa nakapikit na mga mata ay malinaw niyang nakita sa isipan ang nakangiting si Caleb—at doon ay niyakap siya nito nang mahigpit na halos hindi na siya makahinga.

"Caleb, oh Caleb!" Lalo pa niyang hinigpitan ang pagyapos sa unan.




A/N

Hello! Thank you for reading this. I appreciate all the votes and reactions.

Luv,

MicxRanjo

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα