I'm your private dancer, a dancer for money,
I'll do what you want me to do.
I'm your private dancer, a dancer for money,
And any old music will do.

Sa gitna ng mga ingay at kasiyahang nasa paligid nila, si Erina lang ang malinaw sa kanyang paningin. Ang maganda nitong mukha, matamis na ngiti at mga matang mapang-akit. Bumilis sa pagkabog ang kanyang dibdib. Sa imahinasyon ay nakinita niya ang sariling naging lapastangan at ginawa ang hindi dapat. Kinuyom niya ang mga palad upang hawiin ang nasa isipan.

"Caleb?" Nilapitan siya nito, tinawag, subalit ayaw pa niyang tuminag. Gusto pa niyang pagsawain ang sarili sa kagandahang nasa harapan.

"Caleb, it's over, tara na."

Lumunok siya. Pinilit ang sariling ibaba ang tingin. Nang makayuko'y humugot siya nang malalim na hininga at marahang pinakawalan. Mali. Hindi tama ang kanyang nararamdaman. Dapat ay nasasaktan pa rin siya. Nag-iisip nang dahilan kung bakit siya hiniwalayan ng kasintahang si Marie. Wala pang ilang araw iyon ngunit heto at muling naguguluhan ang kanyang puso.

"Caleb--"

"Tara." Tumayo siya. "Ihahatid na kita sa inyo?"

"To Villa?"

Umiling siya. "Dito, sa bahay ninyo rito kung nasaan ang mga kapatid mo at si Juliet."

Napalis ang ngiti nito. "No. I'm going back to Villa."

"Lagpas hatinggabi na, Erina. Hindi ligtas na bumiyahe ka pa nang mahigit isang oras pabalik sa inyo. Bakit hindi ka na muna magpalipas ng gabi rito sa bayan?"

"I can take care of myself. E ikaw, pa'no kang babalik? Wala kang ride. Gusto mo hatid kita sa inyo?" may pagka-slang pa rin itong manalita ng Tagalog ngunit hindi naman iyon masakit sa pandinig.

"E kung..." Saglit niyang iginala ang paningin. Siguradong may ilan sa mga nanood kanina ang bibiyahe ring pabalik sa Del Rio ngunit hindi naman siya komportableng ihabilin ang dalaga sa mga ito lalo pa kung hindi niya kakilala ang mga iyon. "Kung gusto mo sa tindahan ka na lang muna tumuloy ngayong gabi, may kama roon na pahingaan."

Hindi niya mawari kung natural lang para rito ang makipagtitigan sa kanya at sa tuwina ay siya ang unang naiilang katulad ngayon, tila nais nitong tukuyin ang tunay na nilalaman ng kanyang sinabi.

"Really? You are inviting me to your home?" Muling sumilay ang matamis nitong ngiti.

"Tindahan, hindi bahay. Tsaka ngayong gabi lang naman, kaysa hayaan kitang umuwing mag-isa sa dis-oras ng gabi.

"With you?"

"With me--" Natigilan siya sa basta na lang pagsagot nang matanto kung anong ibig sabihin nang katanungan nito. "Oo, hindi kita puwedeng iwan mag-isa roon."

"How sweet. I like it." Hindi lang mga labi nito ang matamis ngumiti, maging mga mata nito'y tila nagsasayaw sa kasiyahan.

Umiwas siya ng tingin at nagpatiuna sa paghakbang. "Nasaan ang jeep mo, ako na ang magmamaneho."

Humanay ito sa kanyang paghakbang. "There."



ERINA couldn't contain the happiness she was feeling. Spending the night with Caleb gave her an overflowing mixed of emotions. She liked it but at the same time she was as nervous as hell and it felt like her heart would jump out of her chest. She tried her hardest to hide her excitement, but her lips did not want to cooperate and her smile glued to her face.

Iginawi siya ni Caleb sa isang opisina, binuksan ang isa sa dalawang pintong naroon at bumungad ang isang maliit na silid na sinadya upang pahingahan. Itinuro nito ang isa pang pinto para sabihing iyon ang banyo.

Once A Love Story - #Wattys2018 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon