'Why do you always notice other people's happiness when you're sad?'
Yan ang paulit ulit na tanong ko sa aking sarili. Lagi nalang ganito. Laging ako ang nasasaktan. Jaelyn Santos nga pala. Ang babaeng loyal sa isang tao kahit na wala na ang salitang "tayo" Ang babaeng umaasa na magkakaayos pa. Ang babaeng nagmamahal kahit nasasaktan na ng todo todo.
Nice to meet you. Weighnbrugh Highschool ang pinapasukan kong eskwela. Presidente kase dito yung ninong ko kaya napagpasya ko na dito ako magaral. Simula nung grade 4 hanggang ngayon na Grade 9 na ako. Elementary ko sya nakilala siguro nung Grade 5 Tapos nagustuhan ko nun nya ng 4th Grading na. Sya naging inspirasyon para maaga pumasok diba parang akong ewan dahil dun.
Sya yung lalaking may simpling Gwapo, mabait at matalino. Masasabi mong na sakanya ang mga gusto mo sa isang lalake.
Ano? Ah. Yung pangalan nya?
Gabrielle Mercado yung pangalan nya.
Natuunan ko ng pansin ang isang lalaking nakasandal sa frame ng pintuan ng kabilang kwarto. Nakatingin sya sa malayo at naka arms crossed pa yung tipong malalim ang iniisip. Noon naman di ko sya pinagtuunan ng pansin. Nagtataka ako bat ko sya tinititigan.
Mula sa bagong gupit na buhok papunta sa napaka cute nyang mata tapos tinitigan ko ng matagal si Gab. Malayo naman ako kaya di nya ako napapansin. Sana di nya mahalata ang aking tingin. Sinabi ko sa sarili ko kung ano ano yung mga paraan na pwede ko syang lapitan o maging ka close man lang. Syempre mahirap. Tapos ayun. Maaga syang pumapasok. Edi napilitan din ako. Maaga na akong pumasok para lang na makausap sya.
Pero wala rin. Di ako makapag salita. Late na nga ako eh. 4th grading ko sya nagustuhan kung kelan lilipat na sya ng building. At nangyare din nasa kabilang building na sya at ako doon parin sa dati. Medyo malayo man kinayanan ko. Nagpatulong ako sa bestfriend ko na ka close din nya. Syempre naging magkaklase sila eh.
Siya si Dayne Mendoza. Naging close kame dahil sa kaklase ko na may gusto sakanya. Gwapo din sya, matalino at pala tawa. Madali lang naman syang kaibiganin. Kaya ayun. 2nd Grading palang magkausap na kami. Sinuportahan nya ako at sinuportahan ko sya. Boy Girl Bestfriend goals lang naman.
Sakanya. Sakanya ko sinabi lahat. Sinabi na nagkakagusto ako kay Gab. Tinanong na paano ko sya makakausap without stuttering or making a fool out of myself before talking to him or some sort.
Sya yung naging sandalan ko. Feb 13, the day before Valentines Day.
Nasa eskwela parin ako ng oras ng uwian. Malelate daw ang service ko. Eh syempre, ako dahil handa ako sa kung ano ano. Naisipan kong gumawa ng Valentine Card. Project din kase. Bale killing two birds with one stone by doing it on your own. Gumamit ako ng one half lengthwise na papel at pinagdidikit dikit yung mga dulo dulo ng apat na piraso na papel. Halata naman siguro. Nagsulat ako ng Long Sweet Message .
'Heyy.
Musta si mr. Pogi?
Hahahaha epik po.
Sabihin ko lang na....
.
.
Happy Valentine's Day.
Akward ba na binibigyan kita ng letter?
Eh di mo naman ako ka close? Sabihin mo lang hahaha.
LSM eh wala naman akong masabi. LSM pero ang konti palang nito.
Eto na ba yung timing na aamin na ako sayo?
Hahaha.
Crush kita.
Mga 1 year at 2 months.
Oo medyo duwag ako naghintay pako ng ganun katagal bago ko nasabi sayo.
Ngayon na minsan nalang kita nakikita.
Ngayon na nasa kabilang building kana.
Siguro oras na para malaman mo nararamdaman ko.
I like you.
For a long time"
Oo, LSM na yan. Madami pa akong pinagsasabi pero di na kinaya, importanteng detalye lang hah.
So ayun. February 14 na nga
Nagpapractice sila sa may field. Yung practice na pang contest para sa Foundation Day ng Weighnbrugh Highschool. Nagkakakalaban ang bawat section para sa prize money na pang Closing Party.
Tinawag ko si Dayne.
"PSSTTTT, HUYYYY DAYNEE" Sigaw ko ng malakas, dahil parang di man nya ako marinig. O kaya nagkukungwari lang.
"WOIIII MR MENDOZA!" Sinabi ko imitating yung boses ng isang teacher. Bigla syang napatayo at tumingin sa direksyon ko. I signalled a 'come over here' and madali nyang sinundan ito.
"Ano?" Tanong nya at nakatutok sa phone. Inakbayan ko sya at inakbayan nya ako pabalik.
"Happy Valentine's Dayne" sinabi ko iniisip na di sya tatawa pero mali ang naisip ko. Ang lakas ng tawa nya. Na gets na nya kagad yun nakakabilib.
"Hahahahaha, oh. Ano talaga kailangan mo hahahahaha" sinabi nya wiping an invisible tear out of his eyes.
"Pwede pakibigay ito kay ano.... Kay alam mo na" sinabi ko hawak yung card sa kaliwa habang nakaakbay ang kanan ko sakanya.
"Aba syempre ako pa. Basta akong bahala" sinabi nya full of confidence. Kinuha nya yung letter at umalis na. Tumalikod ako iniisip na mission accoplished pero di pala. Nakatalikod na ako, nakasandal sa mga metal fence with a victorious smile. Maya maya may naririnig akong ingay na nakaka irita. Pagkatalikod ko.
Ayun si Dayne. Hinihila si Gabrielle palapit saken.
TBC=
Hope you enjoyed. Vote vote vote. No silent reading please thanks. Nyahaha tagalog
Fire signing out-
YOU ARE READING
Young, Not Dumb. But Broken
Teen FictionJaelyn. Babaeng nagmamahal lang pero sinasaktan.
