Chapter 18 - Rival

213 10 4
                                    

Someone's POV


" Hoy insan, lilipat na ko dyan sa school niyo. Pakilala mo agad ako sa barkada niyo ha." sabi ko sa pinsan ko habang nainom ng kape. Hmm.

 " Sigesige. Eh yung kapatid ko kailan daw uuwi?"

 " Ewan ko sa babaeng yun. Bantayan ko raw si Adrian eh tapos kung may babae mang malapit sa kanya, aagawin ko. Well, gusto ko naman yung mga tipong babae ni Adrian eh kaya pumayag na ko." matagal na rin akong di nakapaglaro eh. Masaya to ;)

 " Haynako! Panggulo kayo sa buhay ni Adrian eh."

 " Wala tayong magagawa. Kilala mo naman yung kapatid mo, kung ano ang gusto niya, nakukuha niya." 

 " Dagdag problema."

 Excited na ko pumasok mamaya. Siguradong maraming chicks dun. Ano kayang magandang tawag sa mga bago kong laruan? Babe o baby? Honey nalang para sweet. ;) Sa gwapo kong to, di imposible magustuhan nila ako, idagdag mo pa yung pagiging sweet ko. Yan ang kahinaan ng mga babae. Tss.

***

CAR POV

 “ Jhas! Anong mas maganda, eto o eto?” andito kami ngayon sa bahay. Balak kasi naming magslumber party mamaya. Kaclose na agad namin si Jhasmine :)

 “ Haynako bebs! Pati ba naman panjama kailangang pumili?”

 “ Eh syempre. Gusto ko lagi akong maganda sa paningin ni Van.”

 “ Ang Vehicle Lovers.” sabay na sabi nila bebs at Jhas -,-

 Yayayain din namin yung mga boys mamaya. Wala naman kaming gagawing masama noh, tsaka sa living room kami matutulog later. Nagbihis na rin ako kasi papasok pa kami. Wala naman masyadong gagawin sa school.

 “ Angellic tara na! Baka malate pa tayo.”

 Umalis na kami at naglakad papuntang school. By next month, maghohome study na si bebs para mas matutukan siya. Mukhang si Jhas nga yung pinaglilihian niya eh. Gusto niya kasing palaging kasama si Jhas. Nagpagawa pa nga siya ng poster ni Jhasmine eh tapos dinikit niya sa dingding ng kwarto niya. Buti nalang mabait tong si Jhas. Mukhang magiging makatotohanan nga yung relasyon nila ni Wesley eh.

 “ Babye bebs!” nagwave na sakin si Cathy.

 “ Angellic, una kana. Punta muna ko sa locker ko ha. Bye!” ayy ganun. Iniwan ako? -,-

 Dumiretso na ko sa classroom, kaso hindi ako makapasok. Nagkukumpulan sila sa may pintuan. Mukhang may transferee ah. Hinintay ko munang umalis yung mga estudyanteng nagkumpulan bago pumasok. Nasa sulok sila Dwyne, may pinapalibutan sila eh. Lumapit ako para malaman ko.

 “ Hi Van! Anong meron dito?” napatingin naman sila sakin. Napansin ko yung lalaking nasa likod nila. Gwapo shems! >//<

 “ Hoy blushy! Bat ka namumula?”

 “ Ehh, wala lang. Anong meron?” ipakilala niyo sakin yan plith? >//<

 “ Ahh, pinsan ko si -- ” di na natapos ni Wesley yung sasabihin niya. Nagsalita na yung pinsan niya eh.

 “ Hi. Ako si Brix Ulysses Soriano. Pinsan ni Wesley :)” ang gwapo niyaaaa. WAIT! Yung initials niya BUS. Destiny nga naman oh. Hahaha.

 “ Hi Bus! Ako si Car ^_____^ Colline Angellic Reign.”

 “ Bus? Hahaha. Hi Car! Hahaha. Ang galing naman ng pangalan natin.”

 “ Oo nga eh. Ang ganda ng pangalan mo.”

 “ Ehem.” oops.

 “ Oh Adrian, selos?” sabi ni Bus kay Van.

 “ Ako lang pwedeng tumawag sa kanya ng Car.”

 “ Bakit naman? Girlfriend mo ba to?” nako. Haba ng hair ko.

 “ Manliligaw ko siya.” Ouch </3

 “ Seriously? Hahahaha. If I were you Car, di ko pagtyatyagaang ligawan to. Ikaw dapat ang nililigawan!”

 “ Wag ka ngang mangialam Ulysses.” mukhang mag-aaway pa tong dalawa ah.

 Buti na lang dumating na si Mam at natigil na tong dalawang to. Umalis na sa room si Van, ibang section yun eh. May game ulit bukas yung varsity team namin. Balak nilang isali si Brix sa team. Natapos na yung tatlong subjects namin. Nakaperfect pa ko sa Physics namin, over 50 pa naman yung quiz namin. Ako nga yung highest eh, sunod si Brix, 48 sya. Ang talino ehh. Di lang gwapo, ang talino pa. Hays <3

 “ Uyy Car, tara sa canteen.” aya sakin ni Bus. Kasama rin namin sila Wesley, Jhasmine, at Dwyne.

 Pagdating namin sa canteen, nandun na sila bebs at Van. Nadagdagan nanaman ang tropa namin, saya-saya :D

 “ Bebs, si Brix nga pala pinsan ni Wesley.” nakita ko namang napangiti siya. Napansin din ata ni Dwyne yun kaya inakbayan niya agad si Cathy. Natawa nalang kami dun sa dalawa. Haha.

 “ Di halatang buntis ah.” sabi ni Brix kay Cathy.

 “ Ako pa. Hahaha. Sexy ata to.”

 “ Van, tahimik ka ata?” tinignan lang niya ako at tinuloy yung pagkain niya. Problema nito?

 “ Anong gusto mong kainin Car?” tanong sakin ni Bus. Bigla namang tumayo si Van at hinila ako.

 Nakarating kami dito sa may Secret Garden. Umakyat agad siya sa puno kaya umupo nalang ako dito tapos sumandal ako sa puno.

 “ Nagseselos ako.” narinig kong sabi ni Van. Hinayaan ko nalang syang magsalita, minsan lang to eh. “ Di ako sanay na may kaagaw ako, na may ibang natawag sayong Car. Gusto ko ako lang. Gusto ko akin ka lang. Kung pwede lang eh. Kung wala lang hadlang. Sana masaya na tayo ngayon.”

--

 Supah Late Update. Sareh! x) Votes and comments pleaseeee.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lady SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon