"I thought everything would be fine after I told her everything, but I was wrong... Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin at mukang kinamumuhian niya ako, Nicnic."

"Haaayyy... Sinabi ko na kasi sayo noon pa man, na sabihin mo na sa kanya ang lahat ng nalalaman mo. Habang tumatagal kasi ang panahon na ipinagkakait mo sa kanya ang katotohanan, ay mas lalalim lang ang sugat na maidudulot noon para kay Raine. At heto na nga, tingnan mo ang nangyari." pangaral ni Nicole at mababatid mo ang inis sa timbre ng boses nito.

"You were right, sana sinabi ko na lang sa kanya ang lahat ng nalalaman ko, para sana hindi na ako nahihirapan ng ganito." balisang usal ni Josh, bago diretsong nilagok ang alak na nakapatong sa mesa roon.

"Do you want me to talk to her?" pag-aalo ni Nicole saka hinaplos ang buhok ng kanyang kasintahan.

Dagli naman siyang nilingon nito sabay sabing, "I don't want you to get involved in this situation, baby... Ako na lang mag-aayos nito." saad ni Josh bago hinuli ang kamay ng dalaga, saka ito hinalikan.

"Okay... Just tell me kung meron akong maitutulong sayo." wika ng dalaga bago inihilig ang ulo sa kanyang nobyo.

Tahimik na pinagmamasdan ng magkasintahan, ang fountain na diretsong umaagos sa swimming pool habang magkasaklob ang kanilang mga kamay.

Nasa ganoong posisyon ang magkasintahan, nang biglang maramdaman ni Nicole na nilalaro ni Josh ang kanyang palad, na siyang nakapagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanyang sistema. Mabilis iwinaksi ng dalaga ang pakiramdam na iyon, bago maagap na binawi ang kamay niya rito.

Wala sa sariling kinuha ni Nicole ang isang baso ng alak na nakapatong sa ibabaw ng lamesa roon, saka ito mabilis na nilagok. Para siyang nauhaw na hindi niya maipaliwanag, kaya't kahit hindi sanay uminom ng alak ay mabilis niyang naubos ang laman ng basong kanyang hawak.

"Hey, baby... Are you okay?" nag-aalalang usal ni Josh, habang hinaplos ang likuran ng dalaga.

Para namang napaso si Nicole sa paghaplos nito sa kanyang likuran, kaya't maagap itong napatayo bago naglakad ng ilang hakbang papalayo sa kinauupuan ng binata. Napahawak na lang ang dalaga sa kanyang sentido, dahil doon lang niya naramdaman ang epekto ng malamig na alak na kanyang nainom kanina.

"Baby..."

Nagulat naman si Nicole, nang biglang ipinulupot ng binata ang mga braso nito sa kanyang bewang, bago isinubsob ang mukha sa kanyang kanang leeg. Ramdam pa niya ang paghigpit ng mga yakap nito at wala sa sariling naisandal na lang niya ang kanyang ulo sa matipunong dibdib ni Josh.

"Baby... Just relax, you're trembling." namamaos na usal ni Josh, habang ginagawaran ng maliliit na halik sa leeg ang kanyang nobya.

Napapikit na lang ng mariin si Nicole, nang maramdaman ang init nang hininga ni Josh na nanunuot sa kanyang balat. Ang kaninang hindi matukoy na pakiramdam, ay nabigyan na ng linaw.

"Hmmm..." isang ungot ang kumawala sa lalamunan ni Nicole, dahil sa sensasyong kanyang nararamdaman ngayon.

Nang marinig ni Josh ang mumunting huni nito, ay dagli niyang pinaharap ang kanyang kasintahan at segundo lamang ang lumipas, nang gawaran niya ito ng isang mapusok na halik sa labi. Ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa batok nito, habang ang kanan nama'y patuloy na humahaplos sa likuran ng dalaga.

Sa una ay nagulat si Nicole sa ginawa ni Josh, ngunit kalaunan ay tinugunan na rin niya ng parehong intensidad ang mga halik nito. Mabilis niyang ikinawit ang kanyang magkabilang braso sa leeg ng binata, habang dinadama ang kakaibang sensasyong na iginagawad sa kanya ng binata.

Walang sabi-sabing pinangko ni Josh ang kanyang kasintahan, habang ang kanilang mga halik ay hindi man lang napuputol. Mabilis tinungo ng binata ang kanilang living room bago naupo sa couch doon. Naka-ibabaw ngayon si Nicole sa kanyang kanlungan at walang sabi-sabing muli niya itong sinunggaban ng mapusok na halik sa labi.

Patuloy lamang sa paglasap ng tamis ng bawat isa ang magkasintahan. Nalulunod na si Nicole sa kanilang ginagawa, "Hmmm..." sa puntong iyon ay isang ungol na ang kumawala sa kanyang lalamunan, dahil sa sensasyong kanyang nararamdaman ngayon.

Mas ginanahan naman si Josh sa pag-ungol na iyon ng dalaga, kaya't mabilis niyang ipinasok ang kanyang mga kamay sa loob ng blouse nito.

Ramdam ni Nicole ang init ng mga palad ng binata, na humahaplos sa kanyang balat. Mas nag-init naman ang kanyang sistema, nang masuyong kinarinyo ni Josh ang kanyang katawan habang pinagsasaluhan ang mga halik na punong-puno ng pagmamahal.

Ngunit mabilis namang napabalik sa kanyang katinuan ang dalaga, nang maramdaman niya na unti-unting umaakyat na ang mga kamay nito sa kanyang dibdib, na siyang dahilan para tuluyan na siyang humiwalay sa kanilang mga halik.

"W-what's wrong, baby?" nagtatanong ang mga matang usal ni Josh sa kanyang kasintahan.

"B-baka makita tayo ng mga kasambahay niyo." namumula ang mga pisnging sambit ni Nicole, bago isinubsob ang kanyang mukha sa leeg ng binata.

"Hahaha!" natawa naman si Josh sa sinabi ng dalaga at mabilis na lang niyang niyakap ito ng sobrang higpit. "I'm sorry..."

Mabilis namang humiwalay si Nicole dito sabay sabing, "Pengeng tubig, hubby..." biglang saad nito, saka umalis sa kanlungan ng kanyang nobyo.

Mabilis naman itong hinalikan ni Josh sa labi, "Just stay here, I'll be right back..." usal ng binata bago tuluyang tinungo ang kanilang kusina.




*****


Oopss! Next Chappy na tayo, mga labs! 😁✌️


*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

One Sided Love ✔️Where stories live. Discover now