CHARTER 4

3.9K 84 3
                                    

Pag dating ko sa office nakita ko agad si Beneatha at Cara na ikinagulat ko, at tama nga ang hinala ko na sasalubumgin ako agad ng maraming tanong

"saan ka nag punta kagabi? Bakit sinabi mo kay manang Baby na aalis kang kasama kami? " tanong ni Beneatha.

"bakit hundi ka umuwi kagabi?" sunod na tanong naman ni Cara.

Hay! Pano ko ba matatakasan ang mga tanong ng mga ito? Alam ko na hanggat hindi ko sinasagot ang mga tanong nila hindi sila titigil.

"A-ano k-kase, Ahhh oo nag meet lang kasi kami nung investor ng company." pagpapalusot ko, alam kong hindi sila maniniwala dahil halata naman na nagsisinungaling ako, gabing gabi na may meeting pa kami ng investor.

"May tinatago ka ba sa amin Vernaile?!" sabay na tanong ng dalawa, pero hindi lang basta tanong mukhang galit sila.

Hindi ako maka sagot sa tanong nila, ewan ko natatakot ako, sino ba naman kasi ang hindi magtatago sa nakakahiyang pagkakamali.

Pero baka dahil sa pagkakamali ko may mabuo ng hindi ko inaasahan, baka ikahiya lang ako ng mga magulang ko lalo na si kuya.

"Ano ba! Vernaile? Bakit hindi ka sumagot?" sabi ni Cara na parang may pag hihinala.

"Wala, ano ba!  Ang tagal na nating mag kakaibigan, kung may tinatago ako alam niyo naman na hindi ko matitiis na hindi sabihin sa inyo. Dahil alam ko tayo tayo lang naman ang mag tutulungan." sabi ko sa kanila, totoo naman yon tuwing may problema o kaya may mga tinatago ako hindi ko matiis na hindi ko sabihin sa kanila.

"Ganon ba, oh siya! nag punta lang kami dito para tanungin ka, magpapa check up lang ako" sabi ni Beneatha habang hinahagod ang impis ng tiyan niya.

"ayy! Oo nga pala." sabi naman ni Cara na parang gulat na gulat pa " tara na buntis, baka maabutan pa tayo ng traffic" tuloy niya pa sa sinabi niya.

Inihatid ko muna sila hanggang elevator bago ulit ako pumasok sa office ko, umupo ako sa swivel chair.

Ipinikit ko ang mga mata ko, sa paglipas nang mga ilang minuto naisip ko ang mga nakita ko kaninang umaga paalis ng bahay.

Flashback..

"Manang Baby?" tawag ko kay manang Baby para mag paalam, habang iniistart ang engine ng kotse ko.

"Ano iyon iha?" tanong niya sa akin pagkakita niya sa akin.

"Aalis na po ako, late na rin kasi ako." paliwanag ko sakanya.

"Hindi kana ba kakain?" dagdag na tanong pa niya sa akin.

"ah ganun ba? O sige umalis kana baka maiipit kapa sa traffic." sabi sa akin ni manang Baby. "Sige po." pagsangayon ko naman.

Aalis na sana ako nang may napansin ako na hawak ni manang, hindi ko alam pero kating kati ako na mabasa mga naka tala doon. Usually i don't like reading news about celebrity. Pero sa lagay ko ngayon parang kailangan kong makita ang nilalaman ng magasine na hawak ni manang.

Hindi ko na matiis ang nararamdam ko kaya kinuha ko na ito kay manang. "Manang, akin nalang ito." sabi ko kay manang kabang winawagayway ang magasine.

Kumunot naman ang noo ni manang Baby na parang may pagtataka. "Aba't! Akala ko hindi ka nagbabasa ng magasine?" naaamusang saad niya.

Tumawa ako ng pagak. "medyo naiinip kasi ako sa office tuwing walang gagawin, para naman kahit papaano may libangan ako." paliwanag ko kay manang.

"oh siya sige, mauna kana baka malate kapa." ani manang " sige po" tugon ko naman sa kanya.

Pag pasok ko sa kotse pinaandar ko agad ito, pero habang nakikita ko ang magasine na gamit kanina ni manang lalo akong naiintriga sa laman nito. Inihinto ko ang kotse ko sa gilid nang kalsada para mabasa kona ang magasine.

At ikinagulat ko ang mga nabasa at nakita ko sa magasine. Ako habang buhat buhat ng lalaking sira ang ulo Omygod! Kagabi palang ito pero bakit nakapag publish na sila? That man! The man who took my virginity. I didn't know that he was so famous to the point that his private life is being watched by the paparazzi.

"The youngest bachelor in the Philippines caught in a high class bar in Bonifacio Global City carrying a woman out of the bar, The bachelor bring the woman on his condo unit near the bar."

Omygod! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Nahihiya ako para sa sarili ko. Paano kung may mga media na kumuha ng cctv footage tapos makita nila na ako ang buhat buhat ng lalaking yon! Masisira ang image ko sa mga tao lalo na sa mga investors ko.

Baka mapagkamalan pa akong malandi ng mga tao dahil pumatol ako sa lalaking may nobya na, hindi ko alam kung tutuloy paba ako sa office o ano pero wala pa namang nakakaalam na ako ang kasama niya.

Binasa ko pa ang mga kasunod na nakasulat sa magasine at nakita ko ang pangalan niya at ng kompanya niya. Siya si Hendrix Nicholas Steel Jr.
at ang kompanyang pag mamay-ari niya ay ang H.N.STEEL na may kaliwat kanan na brach sa mga piling bansa.

Pinaandar kona lang ulit ang kotse at mabilis na nag maneho papuntang opisina.

End of flashback...






I AM THE BACHELOR'S WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon