Chapter 7

167 6 0
                                    


CHAPTER 7

"Sweetie, thank you." Hinawakan ni Devin ang kamay ni Agatha, "Thank you for loving me for a very long time. 'Di ko alam sweetie, noon mo pala ako pinagnanasahan. Kaya pala picture ko ang naka-set as wallpaper mo noong nagkabungguan tayo." Nakakalokong ngiti at tingin ang pinakawalan ni Devin kung kaya ay nahampas tuloy siya ni Agatha sa kaniyang dibddib, ngunit hindi naman masakit iyon at mabilis naman itong nasapo ni Devin.

"Ang yabang mo!" Mas nagkalapit ang mga katawan nila Agatha at Devin.Masuyong nakatingin si Devin sa mukha ni Agatha na para bang sa pakiramdam niya ay siya ang pinakamagandang babae sa paningin nito.

Nabibingi na si Agatha sa lakas ng pintig ng kaniyang puso dahil sa ayos nilang dalawa at lalo pa itong lumakas nang unti-unting bumaba ang mukha ni Devin sa kaniyang mukha. His soft lips touched hers. It was such a sweet and gentle kiss at first, until it became deeper and more passionate.

"O, andiyan na pala kayong dalawa." Sa gulat ay biglang naghiwalay sina Devin at Agatha at parehong nagkunwaring may hinahanap.

"Hay naku naman! Papunta palang kayo, pabalik na ako. Pinagdaanan ko na iyan. At sa edad ninyo ba namang dalawa ay pipigilan ko pa kayo?", natatawang sambit ni Yaya Sol sa kanila at nakitawa na rin sila. Wala pala silang lusot sa matanda. "Kayo talaga. Sige na, umakyat na kayo at doon ninyo na ituloy iyang paghahanap niyo."

Alas otso na ng umaga nang magising si Agatha. Kahit na pagod at puyat ay hindi niya iyon alintana. Napakagaan ng pakiramdam niya, at siyempre dahil iyon kay Devin. "Bakit ba sa tuwing magigising ako ay palagi siyang wala sa tabi ko. Hay naku, para talaga siyang panaginip." Nilinga- linga pa ni Agatha ang paligid upang hanapin kung saan naroon si Devin ngunit hindi niya ito makita.

"Agatha anak, may bisita ka sa ibaba.", tawag ng kaniyang Yaya Sol.

"Opo Ya, baba na po ako."

Binabagtas ni Agatha ang hallway papunta sa hagdanan nang sumulpot bigla si Devin. Yumakap ito mula sa kaniyang likuran at hinalikan ang kaniyang pisngi. "Breakfast is ready sweetie."

Biglang umayos si Agatha at kumawala sa pagkakayakap ni Devin nang makitang nakamasid sa kanila ang bisitang tinutukoy ni Yaya Sol.

"Architect Sandoval." Puno ng pagtataka ang mukhang bati ni Devin dito at nilapitan. Mababakas din ang pagkabigla sa mukha ni Architect Samuel Sandoval.

"Good morning Sir, Agatha.", nahihiya at naguguluhang pagbati nito sa kanila na para bang maraming tanong ang nasa isipan at naghihintay ng mga kasagutan.

"Ahm, Sir I'm sorry. I did not know na kayo pala ni Agatha ay... Anyway, paalis na din po ako, idinaan ko lang po ito kay Agatha.", iniabot nito ang dalang bouquet ng mga pulang rosas. "Sige po tuloy na ko sir, Agatha." Hindi na pinigilan ni Agatha si Samuel nang magpaalam na itong aalis.

Inihatid niya ito hanggang sa gate. Bakas sa mukha ni Samuel ang lungkot at pagkadismaya.

"Samuel, 'yong sa amin ni Dev. Hindi pa kami...", panandaliang napahinto si Agatha sa pagsasalita dahil hindi niya alam kung ano ang itatawag sa relasyong mayroon sila ni Devin. "...noong lumabas tayo. I am sorry."

"No, it's okay. You don't have to." Pilit siyang nginitian ni Samuel, at saka sumakay na sa kaniyang sasakyan.

Kumaway ito sa kaniya bilang pamamaalam bago pinaandar ang sasakyan, upang ipakita sa kaniya na okay lang ito at huwag siyang makaramdam ng pag-aalala at pagkalungkot para dito.

Nadatnan ni Agatha na kumakain na si Devin ng agahan sa patio dining table na nasa balkonahe. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito nang tingnan niya. Umupo siya sa tabi nito upang magsimula na rin kumain. Hindi niya maiwasang magtaka sa ikinikilos ni Devin.

In My Arms Again (BFF Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon