Chapter 10

176 5 0
                                    


CHAPTER 10

Biglang napabalikwas si Agatha sa pagkakahiga. Naalala niya kung saan siya naroon at kung ano ang mga nangyari sa kanila ni Devin noong nakaraang gabi.

Dali-dali siyang nagbihis at hindi na nilingon pa ang natutulog na si Devin. Wala siyang pakialam kung magising ito na wala siya roon sa tabi nito. Ang mahalaga ay ang makabalik siya kaagad sa kanilang villa.

"Beshie, saan ka galing ha? I mean, saan kayo nanggaling ni Devin? Bakit 'di ka dito natulog ha? Mukhang napagod ka yata?" Tumatawa na nakabuntot sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan. Kahit saang sulok ng villa siya pumunta ay nakasunod ang mga ito.

"O, saan ka pupunta marshie? Bakit ka nag-iempake? Ano ba ang nangyari?", pangungulit ni Vhon na tila ay naguguluhan sa ikinikilos niya.

Hindi na niya nakuha pang magpaliwanag dahil sa magulo na rin ang kaniyang isipan na ang tanging laman ay ang kagustuhang makaalis kaagad upang makaiwas kay Devin.

"Uuwi na ko beshie, marshie. Huwag kayong mag-alala, okay lang ako. At saka ko na sa inyo ikukwento. Basta mag-enjoy nalang muna kayo dito ha?", sabi ni Agatha sa mga kaibigan habang humahangos ito at nagmamadaling makaalis ng villa.

"Let's talk." Nasa likod na pala niya si Devin bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto.

"I need to go." Tinabig niya si Devin upang makalabas, ngunit humarang ito sa kaniyang dinadaanan.

"Agatha please. Just for once, harapin mo naman ako."

"Wala na tayong pag-uusapan Devin."

"Meron. About last night."

"Wala lang iyon Devin. It was just..." Napahinto si Agatha na tila ay iniisip kung ano ang idudugtong niya sa sinabi.

"Making love? Bakit hindi mo matapos ang sinasabi mo Agatha?"

"Fine! It was just making love, Devin. Walang kahulugan iyon."

"Yes Agatha. It was MAKING LOVE!", pagbibigay diin ni Devin sa sinabi. "Tama nga naman. You gave in last night and it was full of love. Ramdam ko Agatha. In every reciprocated kiss and hug from you, I felt your love and it was ginuine. Naramdaman kong mahal mo pa rin ako." Lumapit ito sa kaniya, hinawakan ang kaniyang mga braso at tumingin sa kaniyang mga mata.

Nag-iwas si Agatha ng tingin dito, hindi niya kayang salubungin ang mga nakalulusaw na tingin ni Devin na may halong komprontasiyon.

"You do not know what I feel. Hindi mo pa ako lubos na kilala.", usal ni Agatha.

"I did. Alam ko ang nararamdaman mo para sa akin. We maybe met each other just recently, but it seems like I know you for so long. I feel the same way too Agatha. Mahal kita." Niyakap siya nito, ngunit kumawala si Agatha at lumayo ng kaunti.

"Bumalik ka na kay Jessica. Siya ang mahal mo, hindi ako." Yumuko siya at napakagat sa kaniyang labi. Naramdaman niyang nag-init ang kaniyang mga mata at nais niyang ikubli sa binata ang mga luhang namuo rito.

"Ano ba ang sinasabi mo? For God d*mn sake Agatha! Walang kami ni Jessica! Wala kaming relasyon. We're just friends and that's it.", pagpapaliwanag nito sa kaniya. Bakas na rin ang iritasyon sa boses ni Devin ngunit pinipilit na maging mahinahon pa rin ang pagsasalita.

Hindi kumibo si Agatha sa halip ay tinalikuran nito si Devin at lumakad palayo. Ayaw niyang makita nito ang mga luha niyang nagsisimula ng tumulo.

"Ayan! Diyan ka naman magaling!", iritado at galit na sabi ni Devin, hindi na rin nito napigilan ang pagtaas ng tono ng kaniyang boses. Seryoso ang mukha nito at nakakapaso ang mga tingin.

In My Arms Again (BFF Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें