Chapter 5 (Parang Panaginip)

176 7 0
                                    


CHAPTER 5

"Diyan lang sa white na gate sa left side." Itinuro ni Agatha ang kaniyang bahay nang ihatid siya ni Devin.

Inalalayan siya nito na makababa ng sasakyan.

"Thank you for driving me home." Hinalikan ni Agatha si Devin sa pisngi nito.

"So paano?" Sumeniyas si Devin na aalis na siya ngunit wala namang kahit anong pagkilos itong ginagawa.

"Sige ingat ka ha?" Maging si Agatha man ay hindi kumikilos sa kinatatayuan. Nagtawanan silang dalawa nang mapansin nilang tila ay kapwa ayaw pa nilang mawalay sa piling ng isa't-isa

"How about, coffee? Kung hindi ka pa inaan―", hindi na natapos ni Agatha ang sinasabi at nauna nang pumasok sa loob ng bahay niya si Devin.

"Sure.", anito, nang makapasok na sa loob ng bahay. Halata ni Agatha sa kilos ng binata, ayaw pa talaga nitong umalis.

"You can stay here at the living area or sa balcony. I'll just prepare our coffee. Feel at home"

Nasa balkonahe si Devin at nakatanaw ito doon. Iniabot niya dito ang brewed coffee na ginawa niya.

"I like your place, simple yet elegant. Parang iyong may-ari." Masuyo siyang tiningnan ni Devin. Iniiwas ni Agatha ang paningin niya sa nakakailang na tingin nito, na kanina pa nito ginagawa.

"Mag-isa ka lang ba dito?"

"Hindi. Kasama ko si Yaya Sol, kaso tulog na 'yon. Sa ibaba ang kwarto niya tapos ako dito" Then she pointed at the room connected in the balcony.

"Oh, i see. I like your house. It's very cozy, parang ikaw.", pag-iiba nito ng usapan.

"O sige, ano na naman 'yon? Bakit?" Sa sandaling panahon na nakasama niya ito ay nasanay na si Agatha sa mga ka-corny-han ng binata na mabentang- mabenta naman sa kaniya.

"Kapag kasama kasi kita, it feels like, I'm home.", nakangiting wika nito.

"Ayon naman 'yon eh. Ang sakit na ng tiyan ko kanina pa sa katatawa, puro ka kasi kalokohan.", nakatawang sagot ni Agatha.

"Agatha, pwede bang dito na lang ako tumira?" Devin seriously asked her.

"Ginugood time mo na naman ako Devin."

"Hindi. Ayan ka na naman, ayaw mong maniwala. Para may kasama ka, mas masaya ang may kasama sa bahay. 'Di ka maiinip, lalo na kung kasinggwapo ko. 'Wag mo lang akong pagsasamantalahan ha?"

Muntik nang maibuga ni Agatha ang iniinom na kape sa huling sinabi ni Devin.

"Are you okay?"hinimas nito ang kaniyang likuran.

"Ikaw naman kasi, kung anu-ano ang sinasabi mo!"

"Eh malay mo baka 'di ka makapagpigil sa kagwapuhan ko tapos alam mo na..." Nakataas ang isang kilay ni Agatha habang nakangiti ito, nakatingin lang siya kay Devin at hinihintay ang susunod na sasabihin ng binata.

"...pagsamantalahan mo ang kahinaan ko."

Natawa siya ng malakas, "At ako pa talaga ha? Baka nga ikaw diyan ang bigla nalang pumasok sa kwarto ko at pagsamantalahan ang kahinaan ko.", pabirong ganti niya dito na ikinangiti naman ng binata.

"So, you mean payag ka na?"

"Ikaw, bahala ka, kung seryoso ka talaga. Mayroon naman akong guest rooms. So, you can stay here as long as you want."

Hindi na nagpakipot pa si Agatha, baka kasi magbago pa ang isip ni Devin, sayang naman.

"Pero kung gusto mo pa rin akong pagsamantalahan, I'm very willing to."

In My Arms Again (BFF Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن