Hindi ako ang babae para sa kanya. Wala akong kwenta. Ang kapal nalang ng muka kong asahan pa syang magpatuloy sa kabila ng ginawa ko. Kailangan ko na rin syang patigilin.

Kung si Keifer ka nga! Pupunta ka ngayon dito dahil yon ang gagawin ng Hari'ng kilala ko.

Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko habang pingmamasdan ang pintuan. Kapag pumasok sya ngayon dyan, handa akong pagbayaran ang ginawa kong mali nung nakaraan at ipaglalaban ko sya pero kung hindi......susuko na ko.

Oras ang dumaan pero walang pumapasok sa pinto. Tumigil na rin ako sa pag-iyak. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko doon. Wala ring dumadating na message mula sa GagongBaliw.

Patunayan mo sakin na ikaw nga si Keifer!

Madilim na pero hindi pa rin sya pumapasok sa pinto ng kwarto namin. Buti ang mga nurse pabalik-balik para sa check up ko. Dumating na din si Aries kasama si Kuya at Ella pero lumabas ulit sila para maghapunan.

Sinubukan nila akong ayain pero pinili kong manatili sa kwarto. Nagbabakasali na darating sya.

Pero nakabalik na si Aries at nakauwi na din sila Ella at Kuya, wala pa ring dumadating na Keifer. Hindi nga sya ang nagte-text sakin.

"Matulog ka na." Sabi ni Aries ng mapansin nyang dilat na dilat pa rin ako.

Tumalikod ako sa kanya habang nakahiga. Mahigpit ang yakap ko sa unan. Anu mang sandali kasi iiyak na ko.

2am na kaya wala ng darating na Keifer. Minabuti ko nalang na pilitin ang sarili kong matulog kahit ayaw pa ng diwa ko.

Hindi na sya darating.

Ilang beses akong nagising dahil sa babaw ng tulog ko. Akala ko makakatulog na ko pero magigising na naman ako. Pauli-ulit na ganun ang eksena. Ilang sandali pa ng marinig ko ang pagkilos ni Aries. Meron syang kausap sa cellphone nya at naglakad sya palabas.

Pinikit ko ulit ang mata ko para pilitin ang sarili ko matulog. Kailangan kong matulog nagbabasakali na pag-gising ko mawala ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib. Hindi pa ganun kalalim ang pagtulog ko ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Hinaplos din nya ang buhok ko at meron syang binulong.

"Wag mo kong sukuan, please."

Malamang nanaginip ako o naalimpungatan lang. Kilala ko ang boses nya pero hindi ako sigurado. Gusto kong gisingin ang sarili ko kung nanaginip man ako. Pero nanatili ang katawan ko sa parehong pwesto nito. Pati narin ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang paghalik nya sa noo ko.

"...I can't live without you..."

May tubig na tumulo sa pisngi ko.

"...pagbalik ko, I will not just promise but I will do fight for you..."

Muli na naman nya kong hinalikan pero sa pagkakataon na to sa labi na nya ginawa yon. Mababaw lang at tila puno ng pag-aalinlangan.

"...but please, don't give up. I love you Jay..."

Nawala ang presensya nya sa tabi ko. Naramdaman ko din ang pagtayo nya mula sa kaninang kinauupuan nya.

"I love you until scientists find the end of the universe."

Pinilit kong gumising. Pinilit kong igalaw ang parte ng katawan ko. Nang maidilat ko ang mga mata ko, sya agad ang una kong hinanap. Pero walang sya, walang tao. Dilim lang ng kwarto ang sumalubong sakin.

Panaginip? Nananaginip ako?

Napahawak ako sa pisngi ko. May tubig.....hindi ako nananaginip! Sa kanya to! Alam kong sa kanya to!

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon