I

1.8K 31 2
                                        

"Oh Diyos ko. Nakikita mo ba ang mga paghihirap ko? Bakit ako nandito sa kalsada at naka-upo mag-isa, Dinadaan-daanan ng mga jeep habang umiiyak at nilalamig ang mga paa"

Nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa isang fastfood sa may di kalayuan. Nakatingin ako sa mga pamilyang Kumakain at nagtatawanan ng magkakasama at mga taong naglalakad na may bitbit na kanya-kanyang regalo para ibigay sa mga mahal nila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may mag-ina akong nakasalubong.

"Anak, wag kang dumikit jan, madumi yan!" Biglang hinila ng isang ale ang kanyang anak na babae palayo sa akin.

"Baka mamaya may sakit pa yan at mahawa ka" pagtutuloy nya habang nakataas ang kaliwang kilay at tila diring-diri sa aking itsura.

Nakatingin lang sa akin ang kanyang anak na halos kasing laki ko lang. Magarbo ang suot nilang damit at di maikakaila na mayroon silang kaya sa buhay.

Nagmadaling lumapit sa akin ang batang babae. "Merry Christmas" Bati sa akin nito pagkatapos iabot sa aking kamay ang isang maliit na bagay. Pagkatapos ay tumakbo na s'ya  pabalik sa kanyang ina.

Napatingin ako sa regalong natanggap ko ng may pagtataka. Isang hair clip na may magarbong kulay pulang Laso. Nagalak ako sa tuwa at napatingin ako sa langit na punong-puno ng bituin sa gabing ito.

"Happy birthday Papa Jesus, Salamat po sa Regalo"

Sambit ko habang nagpupunas ng mga luhang hindi ko namalayang naglalakbay na pala sa pisngi ko.

Hindi ko na matandaan kung kailan pa ako nandito sa kalsada. Hindi ko rin alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng sa araw-araw upang mabuhay pa sa mundong ito na hindi makatarungan. Dahil bukod sa pag-inda ko sa mga pangyayari sa buhay ko ay may isang mas malaking bagay ang bumabagabag sa puso at isipan ko.

Wala akong maalala.

Oo meron akong amnesia. Kung saan nabura ang aking mga memorya.

Minsan iniisip ko kung mahal ba ako ng Dyos, bakit hinayaan nyang mangyari ito sa akin. May nagawa ba akong kasalanan na hindi ko na matandaan? Kung meron man, gaano ito kabigat upang parusahan ako ng ganito? Bata lang ako at wala pang muwang sa mundo.

Minsan gusto kong magalit. Oo nagtatampo ako pero kahit ganito ang sitwasyon ko, nagdadasal parin ako at pinipilit sabihin sa sarili ko na magiging maayos din ang lahat. Wala naman akong ibang pagpipilian kundi ang maging malakas. Sarili ko lang ang mayroon ako kaya dapat kong kayanin ang mga pagsubok na ito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo, at di naglaon ay hindi na kinayanan pa ng katawan ko ang gutom at ang lamig ng panahon.

hanggang sa ...

Bigla nalang akong natumba at nawalan ng malay ....


-

Author's Note:

Please leave a comment if you enjoyed reading. I appreciate suggestions. and don't forget to VOTE and follow. :)

Carolina || CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon