Scary Creepy #11: What the Eff PAOLO?!

6.8K 165 8
                                    

Scary Creepy #11: Gasoline Station; Mini Stop; DEAD.

Mabilis na pinaandar ni Babs ang sasakyan ng bigla na naman itong mag stop!

Ano bang nangyayari sa sasakyan na 'to?

"I-start mo ulit Tyrone." Utos ni Gaisea habang yung dalawa nyang palad eh nasa mukha nya

Nag iiyakan na sila sa likod habang si Arnold naman ay umuubo na ng may dugo.

"Shit!" Cuss na naman nya.

"Ano ba?!" Sigaw ko na dito. Di na sya nakakatuwa. Nagloloko lang ba sya? Or yung sasakya nya talaga ang nagloloko?

"Ayaw mag start. Kelangang may mag tulak." mahinahon naman nyang sagot sakin.

"Ako na." Tipid na sagot ni Jorey

Lalabas na sana 'to ng hiwakan ni Gaisea ang shirt nito.

"Wag ka nang lumabas. Dito ka na lang."

"Darling, hindi pwede, gusto mo na mastuck tayo dito?" Malambing na pagkakasabi nito

"Tssss." Tanging sabi ni Babs at handa ng lumabas ng biglas lumabas ng sasakyan si Arnold.

"Honey?! Kaya mo ba?!"

Biglang sigaw at halatang nag papanic na boses ni Roselyn.

"Oo naman. Malakas ata 'to." Sabi ni Arnold mula sa labas at umuubo. Kahit ganun ay tinutulak pa din nya ang sasakyan.

"Dito ka Jorey, tutulungan ko magtulak si Arnold."

Bumaba na si Babs at pumunta sa driver seat si Jorey.

"Konti na lang!" Sigaw ni Jorey sa likod.

Maya maya ay nag start na ang sasakyan.

"Okay na!!" Sigaw pa ni Jorey at handa ng lumabas ng sasakyan ng biglang sumigaw si Babs.

"Walang lalabas sa inyo! Jorey, dyan ka lang. Wag kang lalabas." Sabi nito at nakita ko sila, silang tatlo sa labas.

Nilitaw ko pa ang ulo ko kasi binuksan ko ng bahagya ang window.

"OMG!!!" Malakas kong sigaw.

Nagtititigan lang silang tatlo at kapwa naglalakad ng dahan dahan sila Babs pabalik ng sasakyan.

Tiningna din nila agad ang tinitingnan ko at napaiyak si Rose.

"Rose, stop crying. Kaya nilang dalawa yun." Usap ni Gaisea

Si Jorey naman ay parang baliw na kinakusap ang sasakyan.

"Dude, wag ka munang masisira ngayon. Kahit ngayon lang."

Lahat kami ay tahimik na nag aabang sa kanila at pinapaunod sila sa labas.

Hindi na ko makapag pigil, lalabas na ko ng biglang hawakan ni Jorey ang kamay ko.

"No Gail, no. Mas magkakagulo lang. Lets just wait for them."

Tumango na lang ako at bahagyang binuksan ang window ng sasakyan.

Tumingin din ako sa likod, si Rose ay patuloy lang sa pag iyak na nakatungo habang si Gaise naman ay pinapatahan ito.

Bumalik ang tingin ko sa labas.

Papalapit ng papalapit si Sir dun sa dalawa at biglang tinaga nito si Arnold sa ulo.

At biglang napahiga.

"Arnollldddddd!!!!!!" Sigaw ko kaya naman napatingin silang lahat sakin."

Lalong umiyak si Rose.

"Siguro ngayon, magagawa mo na yung hiniling ko kanina." Mahinang sabi ni Arnold bago pa sya tuluyang mawala.

Patuloy lang sa lalo sa pag iyak si Rose at sinabayan pa yung ni Gaisea habang ako ay parang nakaglue na nakatingin sa kanila.

Pilit na lumalabas si Rose kaya naman agad kong pinidot ang lock sa driver seat.

*Boooogggggggggggggggssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhh* (malakas na kalabog)

"Babs!!" Sigaw ko, ano nangyari!! Hindi ko na sya makita!!

"Aalis na ba tayo?" Mapait na sabi ni Jorey

Ayoko. Wag!!!!

"Gail..." Tawag sakin ni Gaisea

"Guys, okay pa sila. I think. Bababa ako." Ayokong iwan sila, ayokong iwan si Babs!!!

"Noooo!!!!!" Malakas na sigaw ni Rose

Napasandal ako sa upuan ko. Ano ba tong mga nangyayari?

"Shit!" Sigaw ni Jorey ng bigla akong pilit hinahatak ni Sir Paolo palabas

"Waaaaaaaa! Bitiwan mo ko!! Bitiwan mo ko." Sigaw ko habang hinahampas sya.

Hawak ako nila Rose at pilit tinatangal ang mga kamay ni Sir sa akin.

"You shit!!!!!" Malakas na sabi ni Babs?

"Babs!!!!"

Tumingin sya sakin at hinampas si Sir sa ulo gamit ang malaking bato.

"Babs ano ba?! Isara mo nga yang bintana mo!!!" Sabi nito at agad na hinila nito si Sir palayo samin.

"Jorey! Unlock the doors! Dali."

Sabi ko ng makitang tumatakbo pabalik samin si Babs at agad naman nyang binuksan ang pintuan ng sasakyan sa passenger seat. Sa pwesto ko!

"Babs usog!" Sabi ko. Nakipagsiksikan kasi sya sakin dito sa passenger seat.

"Kandong na lang kita." Sabi nito sabay hawak nya sa bewang ko at paupo sa lap nya.

Grabe. Ang manyakkk! Pasalamat sya nagmamadali kami.

Nagulat naman ako ng biglang sinandal nya ang baba nya sa shoulder ko at nagsalita

"Sorry guys, but, Arnold is dead. I'm sorry Roselyn."

"Its okay. Wala na namang magbabago sa nakatadhana na."

Naguluhan man kami sa sinabi nya ay agad din kaming umalis sa lugar na yun.

---------------------------------------

@GaillersXOXO

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Where stories live. Discover now