Scary Creepy #1. Saying Goodbye

21.9K 432 25
                                    

Scary Creepy #1. Saying Goodbye

Okay first of all I want to introduce myself.

Hi! Gail Leonardo here.

Nandito ako ngayon sa aming bahay kasama ang mga kaibigan ko para mag paalam sa Mother ko at sa Lola at Lolo ko.

Dito nagsimula ang lahat:

"Bye Mommy Angel." Paalam ko sa nanay ko sabay kiss na rin sa cheeks

"Bye Anak~ ay wait! Hindi ka ba magpapaalaman sa Lolo at Lola mo?"

"Ay, baka naman kasi ayaw akong payagan Mother. Hayyy, sige na nga po."

Tumakabo naman agad ako papasok sa bahay namin. Ayaw kase nila talaga akong umalis eh. Kasi naman sila eh. Saglit lang naman ako dun.

"La, Lo alis na po kami." Paalam ko tsaka ako nag mano.

"Apo hindi ka na ba naming mapipigilan ng Lolo mo? Wala na kaming makakasama."

"La naman. Nandyan naman po si Mother eh. Tsaka saglit lang po kami sa Province."

"Nako Trisha hayaan mo na yang apo mo, malaki na yan." Sabi ni Lolo tsaka ako kiniss sa noo.

"Mag iingat ka dun apo ha? Wala kami dun ng lola at nanay mo para pagalitan ka sa mga magagawa mong kapalpakan."

"Si Lolo talaga. Opo, mag iingat po kami."

"Wala na kong magagawa, apo. Hamusya, pagdadasal ko kayong magkakaibigan." Sambit naman ni Lola

"Lola uuwi din naman din po kami agad pag natapos na yung kailangan namin. Tsaka Lo' ingatan mo po si Lola at si Mother." Sabay yakap ko sa kanila.

"Anak~ halika ka! Aalis na ata kayo.

Naririnig kong tawag sakin ni Mommy kaya agad din ako lumabas

"Bye Lola Trisha and Lolo Jake. Love ko kayo!" Tsaka ko sila kiniss sa cheeks.

"Mommy eto na po. Bye na talaga!" Ulit ko kay mother nung naglalakad na kami papuntang van.

"Anak~ wait~" sigaw ni Mopmmy bago pa kami sumakay sa Van.

"Picture naman dyan oh?" sabay labas ni Mommy ng phone nya.

"Para remembrance." Bulong ng isa sa kaibigan ko, si Roselyn.

"Mother wag na kulang pa naman po kami eh."

"Hayaan mo na si Tyrone." Singit ni Michelle

Ay Tyrone agad? Tss eh sya naman talaga. Hahaha.

"Anak tama si Michelle hayaan mo na yun!"

Ang kulit talaga ng mother ko, tapos pinaupo pa kami sa Garden? Ngumiti na lang ako ng pilit. Haaaaay

"Pose dali!" sigaw naman ni Arnold.

*Click*

"Isa pa." Sabi ko, feeling ko kasi ang panget ko dun.

"No, nagmamadali na yung iba, anak. Sige na, lumakad na kayo. Okay na 'tong isa nyong picture. Ingat kayo dun ah?"

"Opo naman po Mother. Right guys?"

"Opo Tita. Sige po Bye."

Nag paalam na sila sa Mommy ko then nang nasa sasakyan na kami eh sumigaw ulit si mother.

"I Love you Anak~"

Haaaaay, ang hirap talaga ng nag iisang anak. Ang laki ko na pero para kina Mother, baby pa din ako.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Scary Creepy #1 is done! Hope you liked it Guys!

Tatapusin ko 'to sa gusto nyo man o gusto HAHA! Kahit ayaw nyo pa.

@GaillersXOXO

OBSESS KiLLER (COMPLETED)Where stories live. Discover now