CHAPTER 27 (GameBlood)

Start from the beginning
                                    

"Paano kung dumating yung araw na sinasabi nya?"bakas ang takot sa boses ni Sofia "g-gusto ko ng makalabas dito"

"Lalabas tayo ng maayos dito pangako Sofie" pag aalu ko sa kanya agad naman syang ngumiti. Napatingin naman ako kay Xine na ngiting ngiti na nakatingin samin. Kaya may naalala agad ako at kinuha sa bulsa "Xine sayo ata ang papel na ito" agad kong inabot sa kanya ang nahulog nyang papel kanina . Mabilis nangunot ang nuo nya at parang pinag aaralan kung ano 'to. Pansin ko ang panlalaki ng mata nya tsaka nya yon hinablot sakin.

"A-ah oo sakin nga'yon" naiilang pang sabi nya.

"Ano yung dinrowing mo na'yon Xine?" Interesado kong tanong.pakiramdam ko kasi may ibig sabihin ang drawing na'yon.

"Ah w-wala'yon" iwas pang sabi nya. Kaya tumango nalang ako tsaka kumain ulit .

Alam kong may itinatago ka Xine.Gusto kong malaman kung ano 'yon at ano ang Drawing mong Scorpion ?

Bigla kaming natinag ng biglang may mahinang tunog na nakakakilabot hanggang sa lumakas na ito.agad kaming napatayo at hinawakan ko agad si Sofia. Lahat ng tao sa cafeteria ay naalarma din.

"Get your weapons!" Sigaw samin ni Lee kaya agad naming hinalungkat ang gamit . Agad kong nakuha ang isa kong swissknife at mabilis nag angat ng tingin.natigilan pa ako sa gulat ng makita ang madaming istudaynte na nakapalibot na saamin at may kanya kanyang armas na hawak.nakaramdam ako ng kaba dahil don agad kong hinawakan ang kamay ni Sofia,ramdam ko ang panginginig non.

"Get ready"mahinang sabi pa saamin ni Lee.kaya agad kaming nag ikotan at hinarap sila . Pinlano na namin ang darating na oras na 'to dahil hindi kami makakasiguro kung anong araw o oras ito Mangyayari .katulad na lamang ngayon na biglaan.

"W-what do you mean? P-papatay tayo?" Hindi pa makapaniwalang sabi ni Xine.

"Yes, if there's the way we survive" seryosong sabi ni Arksie.alam kong bihasa na kami sa pakikipag laban ngunit hindi ko maiwasan kabahan ngayong alam kong inosenteng tao lamang ang aming nakakalaban.

"Akin 'to!" Naalarma kami ng biglang sumugod ang maraming kalalakihan at ang iba naman ay nag away away nadin. Agad kong hinila sa likod ko si Sofia. Tsaka sinangga ang brasong nakaamba saakin tsaka sya inikot at tinulak.
"Dito ka lang" sabi ko kay Sofia at inilagay ulit sa likod ko tsaka muling hinarap ang sumugod. Tinapik ko ang balikat nya tsaka ko mabilis na pumunta sa likod nya at hinawakan ang ulo tsaka inikot.

Pasensya na kailangan lang.

Gusto kong maawa sa kanila dahil pati sila na walang alam sa nangyayari ay nadadamay pa.
Agad kong binalingan ng tingin si Sofia para lang magulat ng makita ko syang may inuuntog sa semento.wala sa sariling napangiti nalang ako.

Bumabalik na ang Sofia'ng kilala ko ang Sofia na matapang at walang inaatrasan.ngayon lang naman sya naging ganyan ng mapasok kami sa loob ng kulungan na 'to

Hindi ako nakaligtas ng biglang may sumapak sakin.hindi ko ito napansin dahil nakatingin parin ako kay Sofia. Inis kong binalingan ng tingin ang simapak sakin na...

Babae!

Nawala agad ang inis ko ng makita ko ang luha sa mata nya. Gusto ko syang kaawaan dahil alam kong napipilitan lang sya. "I know i can't kill you because you're more than stronger than me"  agad bumaksak ang namumuong luha sa mata nya kasabay ng pang hugot nya ng kutsilyo sa bulsa nya . "I want you to kill me to save your life" sabi nya pa at agad lumuhod sa harap ko. Para akong natulalala ng makita ko syang umiiyak sa harapan ko.kilala ko ito .classmate ko ito sa ibang subject at laging pumapansin sakin.kaya hindi ko maintindihan kung bakit nya 'to sinasabi.

King Of Hell UniversityWhere stories live. Discover now